Saan nagsisimula ang isang paglisan? Saan natatapos ang isang pamamaalam? Hindi ba't ang isang pag-alis ay nagsisimula sa isang pamamaalam? At ang isang pamamaalam ay nagtatapos sa isang paglisan. Hindi masakit masaktan, hindi masakit lokohin, hindi masakit iwasan, wala ka lang mararamdaman, ang hindi mo lang alam ginawa ka nang manhid ng isang napakasakit na katotohanan.
"Do want you want with your life, basura lang naman ang buhay mo sa iyo diba? Wala ka ng ginawa kung hindi magbigay ng kahihiyan sa pamilyang ito, you don't deserve my name?"
Ordinaryo lang naman ako kung titingnan, simpleng araw-araw na pamumuhay – yoon ang akala ko. Hanngang kailan ko mapapaniwala ang sarili ko na anak ako ng isa sa mga maiimpluwensyang tao sa bansang ito? Hanngang kailan ko kayang itanggi sa sarili ko na makakawala din ako sa anino at sa pangalan ng ama ko.
"Yeah right Dad, come on, impress yourself more, sapakin mo ako? Total wala naman akong silbi sa inyo, wala na akong dinala kung hindi problema sa pamilyang ito? Yeah right, but why don't you asked yourself that, ilang problema kaya ang nadadala mo sa pamilyang ito dahil sa tatlong pamilya pang meron ka?"
PPPPPPPPAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKKKKK
Ang sakit, sobrang sakit palang masapak, hindi ko alam kung saan ako banda eksaktong tinamaan, Basta ang alam ko, hilong hilo ako.
"Get your ass out of my house, I don't need you.. you are such a disgrace in this family"
Lumapit sa akin si Mama, inakap ako, pinunasan ang ilang dugong lumalabas gilid ng labi ko. "How dare you hit your son, how dare you hit my son." Umiiyak si Mama habang sinusuguro nya kung ok na ba ako.
"How dare that bullshit to answer me that way?" Galit si dad. Hindi naman malupit si Dad, napuno lang siguro sa akin. Tama naman sya, marami akong kakahiyang ginawa sa kanya. Sa pangalan nya, sa mga taong malapit sa kanya. Pero, ako to, hindi ko kayang gawin lahat ng pinapagawa nya.
"Saan ka pupunta? You are not leaving okay?" Pagpigil ni mommy sa akin.
"Hayaan mo syang umalis, hindi mo pwedeng dalhin ang kotse mo."
Napatingin ako kay dad, napatigil ng sandali. Paglabas ko ng main door ng bahay, andun yung sasakyan, may nakita akong paso na may nakalagay na maliit na halaman. Binato ko yun sa windshield ng kotse ko. Tinulak ko yung guard, sabay alis.
1 message received: Why are you not picking your phone up? Asan ka?
"Hello, Ma, don't worry I am okay."
"You sure you are okay?"
"I am okay"
"Where are you planning to go"
"Sa tabi tabi lang."
"I'm just waiting for the driver, I'll send you money, pagpasensyahan mo na yung tatay mo anak, mainit lang ulo, kaw naman kasi pinatulan mo pa, alam mo namang tumatanda na eh."
"Bye, Ma, I'll see you soon"

Saan ba ako pupunta? Hindi ko rin alam, hindi ko rin masabi kung saan. Basta ang alam ko, kailangan kong lumayo. Kawawang bata, isang bente anyos na bata ang lumalaboy along edsa. Nakita ko ang bus na Victory Liner, papuntang Baguio. Sa isip ko, wow, ito na yung sagot sa tanong ko.
"Saan kayo sir?" Tanong ng konduktor
"Baguio po manong, magkano ba?"
"380 lang po, mukhang papasyal ah? Wala kayong gamit sir?" Tanong nya ulit
"Pwede bang hidni ko sagutin yung tanong mo?"
"Ah pasensya na sir."
Mga pasado alas 8 ng ng gabi na makarating ako sa Baguio. Wow ang lamig sobra. Pumara ako ng taxi, at nagpahatid sa Bloomfield, tapat ng SM Baguio. Pagka check-in, pumunta agad ako ng SM para mamili ng gamit. Halos pasara na ito, pero kailangan kong bumili ng damit pampalit. Bumili muna ako ng pampalit ko sa gabing yoon at para kinabukasan, at sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong mamili ng gagamitin ko the next day ulit.
Pagcheck ko ng ATM nagpasok si Mama ng pera, ang nanay ko talaga, konsintidora na masyado. Namili ako, pero hindi ko ginamit yung perang bigay ni Mama, ginamit ko yung extension ng card ni Daddy. Ang dami kong binili, alam kong malayo pang madecline ang card nya, kaya super shopping ng ginawa ko. Nung mejo nahihirapan na ako naisip ko na tama na muna yun. Kung magsstay ako ng matagal sa Baguio, mamumulubi ako kung sa Bloomfield ako tutuloy. Nag-ikot ako, naghanap ng transient houses na mura, hanggang makakita ako ng boarding house sa may Navy Base.
Inampake ko ang gamit ko, nagcheck out ako. At dumerecho sa boarding house. Hindi ako nagkamali, all male boarding house nga ito. Mura lang ang renta, sa isip ko kahit 1 taon ako dito kaya ko to. Okay ang lugar malinis, maayos, at bago. Palibhasa matandang dalaga ang landlady.
"Oh hijo, ito ang magiging kwarto mo, ayaw ko ng delikwenteng boarder, nagpapaalis ako..ano nga ba ulit ang pangalan mo?"
Naisip ko, kailangan simula sa araw na ito, alisin ko na sa isip ko ang totoong ako,,
"Ah eh, Sim po, Simon Cruz."
"Oh sige, apat kayo dito sa room, mababait at matatalino ang mga kasama mo, nasa eskwelahan pa sila, ikaw na bahalang magpakilala sa kanila mamaya."
Mga bandang alas singko ng hapon, nagpa deliver ako ng pizza, dumating yun in less than 30 minutes, Nagulat ako ng biglang bumakas ang pinto habang kumakain ako…
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto namin?"
"Ah eh, bagong boarder ako dito, ako nga pala si Sim, kanina lang ako dumating."
"Ah okay, bakit hindi nasabi ni manang na may padatin pala?"
"Ah ano kasi, walk in lang ako,, galing pa kasi ako sa,, sa .. Ilocos pare eh"
"Ah talaga,ako nga pala si Juanito, pero Uno ang tawag nila sa akin,, si Ben taga Pangasinan, mamaya lang dadating na yun, san ka ba norte o sur?"
"Norte ako pare" Syempre hindi naman talaga ako taga Ilocos. Wala lang, naisip ko lang, kasi may nakita akong buss na papuntang Ilocos. Alam mo yun?
Ok naman si Uno, he looks good, may dating, maputi, makinis syempre, pero mukhang fashion victim.
"Pare, pwede bang makahingi kahit isang slice nito?" Sabay turo sa pizza.
"Cge pare, walang problema gusto mo ubusin mo pa eh, san ba pwedeng bumili ng softdrinks, isa lang kasi yan eh." Tanong ko.
Pagkakuha nya ng pizza, sinamahan nya ako sa labas, sa may kanto, pumunta kami sa isang sarisari store. Bumili kami ng 1.5 na coke.
"Mag-aaral ka ba dito? Matagal pa ang sunod na sem.." Tanong nya
"Ah hindi, magbaba… magbabakasali kung may mahahanap na trabaho." Sagot ko.
"AH okay, pero dude, mukhang myaman ka naman, tingnan mo nga yang suot mo, parang kita ko yan sa SM nung isang araw."
"Naku, luma na to, alaga lang pagnilalaba" Sagot ko.
Pagbalik namin ng kwarto, nagulat ako na andun na yung dalawa pa naming boardmates. At halos maubos na nila ang pizza.
"Uy Ben, uy Adi, ano ba kayo, basta basta na lang kayo kumukuha ng pagkain hindi naman sa inyo." Bulos ni Uno
"Ay ang damot ni Uno, kami pa ang pagdadamutan mo ah" Maangas na sagot ng cute na si Adi.
"Hindi kasi mga pare, pagkain yan ni Sim, bagong boardmate natin, kadarating lang nya galing Ilocos."
Nagpakilala ako sa kanila, sinabi ko rin na walang problema s akain sa pagkain nila ng pizza. Okay naman, mabait si Ben, marami kaagad syang tanong, at siniguro nya na hindi ako magkakaproblema sa kanya. Si Adi, may pagka hunk, malakas ang appeal, mejo may ere kung magsalita.
"Ah okay, Ilocano ka pala? Sana magkasundo tayo, taga bicol ako, dito lang ako nag-aral?" Sagot ni Adi.
Lumipas ang ilang mga araw, wala ako halos magawa, my mom knows na nasa Baguio ako. Sinabi rin nya, na nagalit si Daddy nung makuha yung CC bill nya. Natawa lang ako, at nagtawanan lang kami. Tinanong ni Mama kung kamusta naman ang lugar na tinutuluyan ko. Sinabi ko rin sa kanya, na kailangan nyang ipadala yung birth certificate ko kasi mag aaply ako ng trabaho. I know she didn't like the idea, pero wala na rin syang nagawa.
"Sim, wala ka pa bang nahahanap na trabaho?" Tanong ni Uno
"Wala pa nga, mejo nahihirapan ako,"
"Ano bang natapos mong kurso?" Tanong nya…
Napaisip ako, anong sasabihin ko, 2 terms pa ako para matapos kung nagtuloy ako. Wala ako maisagot sa kanya.
"Sim, okay ka lang bakit ka tulala?" Tanong ni UNo
"Ano ulit yun pare?"
"Sabi ko, anong kurso ang natapos mo?"
"Ah high school lang pare eh."
"Naku baka mahirapan ka nyan?"
Dumating ang padala ni Mama, LBC, gaya ng sinabi ko, iaddress sa akala nyang boardmate ko na si SIMON CRUZ. Ang hindi nya alam, ako yun, nagpapanggap lang.
Pagkakuha ko ng birth certificate ko, pumunta agad ako sa malapit na computer shop, gumawa ng resume, pero syempre, yung totoong ako ang nilagay ko. In less than a week, tinawagan ako ng isang coffee shop na inaplayan ko for interview. Napasa ko ang interview, buti na lang medical lang ang requirement. Siguro nakita nila yung undergrad stat ko from a very prestigious university back in Manila.
Sa boarding house, wala naman akong nagiging problema kay Uno at kay Ben. Pero ewan ko ba kay Adi. Pakiramdam ko ang init ng ulo nya sa akin, parang makita lang nya ako, kumukulo na ang dugo nya sa akin. Minsan, pag kami lang naiiwan, kahit kinakausap ko sya, dinededma lang nya ako.
"Excuse me Adi? May problema ba tayo?" Tanong ko sa kanya
Tumingin sya sa akin, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakakainsulto yung tingain nya.
"Wala naman pare, sa katunayan, gusto nga kitang kaibigan, ang problema, mayabang ka?" Nagulat ako ng sabihin nya yun, halos hindi ako makapaniwala.
"Ano naman ang pinagyabang ko sa iyo? Tanong ko sa kanya
"Epal ka eh, alam mo yun? Akala mo kung sino ka? Ewan ko unang kita ko palang sa iyo. Ang init ng dugo ko sa iyo, dahil siguro taga Ilocos ka, galit ako sa mga tulad mo?"
"Pare, anong kasalan ng mga taga ilocos sa yo? Bakit pati ako nadadamay?"
Nagtataka ako, ano bang galit nya sa mga taga Ilocos. Sa isip ko, well hindi naman talaga ako taga Ilocos. Pero ayoko pa rin sabihin sa kanya ang totoo. Lumipas ang mga araw, matapos ang komprontasyon na yun. Napapansin na rin nila Uno na hindi nga kami nagkikibuan. Sinabi ko kay Uno, na baka pwedeng dumaan sya sa coffee shop na pinapasukan ko paglabas nya, at doon namin pag-uusapan.
"Pare, di ko magets eh, galit sya sa akin kasi taga Ilocos ako?"
"Ay pucha pare, oo nga pala, kasi taga Ilocos yung tatay nya, iniwan sila nung bata pa sila, kaya ganun katindi ang galit nun."
"Pero pare, hindi naman tama na ganoon ang gawin nya sa akin?"
Okay kami ni Uno, kung may bestfriend ako nung mga panahong yun, sya na siguro yun. Mabait sya, galing sa isang mejo mahirap na pamilya sa Sagada. Nakatanggap ng scholarship mula sa isang pulitiko doon, ngayon nga, nag-aaral sa SLU.
"Pare, iwasan mo na lang sya, or prove him wrong, I'm sure makakasundo mo rin yun, mabait naman yun, mejo bitter nga lang Pagdating sa ama nya."
Ganoon nga ang ginawa ko, sinusubukan kong suyuin si Adi. Minsan, nagdadala ako ng pagkain na sapat para sa apat. Sinusiguro kong Masarap at mamahalin ang mga yoon. Minsan nagtataka sila, gaano daw ba kalaki ang sweldo ko. Pero si Adi, matigas, kahit alam kong gutom sya, lagi nyang sinasabi na busog sya.
Nawawalan na ako ng pag-asa na magkakasundo pa kami ni Adi. Ang sa akin lang, wag nya akong kakantiin kasi lumalaban ako. Dumating ang linggong finals na nilang tatlo. Si Ben tutok sa pagrereview, sa U.P Baguio kasi sya. Si Uno naman, pag dumarating sa bahay, hindi na magawang magreview kasi puro group study daw. Madalas bukas ang lamp, okay lang naman. Nasa taas ako ng bed ni Uno, si Adi naman nasa kabilang itaas ng kama naman ni Ben. Tulog na sya, at mula sa sinag ng lamp, kita kita ko kung gaano kaamo ang mukha ni Adi. Napakakinis ng mukha, at ang labi napaka pula.
1 message received: ANak, papunta kami ng Dad mo sa Singapore ngayon, 2 weeks kami doon, Happy Birthday na lang bukas. Nagpasok ako ng pera, birthday gift ko sa iyo. Pinapalitan na ng dad mo yung windshield ng kotse mo. Ingat ka jan anak ha, goodluck sa work mo, I am so proud of you.
Pagkagising ko, nabasa ko agad yun, tulog pa rin si Adi, si Ben at si Uno nakapasok na ata. Birthday ko na nga pala kinabukasan, anong plano ko? Saan naman ako pupunta?
"ahh,,, ang sakit ng ulo ko,, ginaginaw ako… Ben tulong.."
Narinig ko yun, mahinang binabanggit ni Adi, nung lumapit ako, mejo naramdaman ko na mainit nga siya.
"Ben,, tulungan mo ako.. ikaw ba yan"
"Pare si Sim to, halika bumaba ka dito sa kama ni Ben, kaya mo ba?" Tanong ko
"Asan si Ben,, si Uno.."
"Pare ako na lang andito, please lang, halika na."
Sumunod naman si Adi, inalalayan ko sya para makababa. Nakisuyo ako ng gamot sa landlady namin, Pumayag naman sya. Nagluto ako, pinakain ko sya, at pinainom. Matapos nun, nakatulog na sya ulit. Naghanda na ako pagpasok. Ibinilin ko na lang sya sa landlady namin, tinext ko na lang sila Uno na may sakit si Adi kaya kung sino ang pwedeng makauwi agad ay umuwi kaagad.

Mga 4pm, dumating si Ben sa coffeeshop. Patapos na rin young shift ko.
"Sim, may problema, may dengue si Adi."
"Patay, asan ba ang pamilya nya?"
"Hindi ko din alam, pero kailangan bumili ng gamot?"
Pumunta kami sa ospital, nakaconfine na si Adi, Pagdating ko dun, hindi naman daw dengue. Nilagnat lang daw at hinihintay pa ang resulta. May mga pinabiling gamot. May binigay namang pera si Adi, tatlong daan ata. Wala pang sampung minuto, bumalik si Ben, at sinabing kulang yung pera. Nakita ko, nag-ambagan ang dalawa, tig isang daan. Kinuha ko yung resita, sinama ko si Uno. Dumaan kami sa ATM, at nagwithdraw. Nabili namin lahat ng gamot, na umabot sa humigit kumulang apat na libo, at bumili na rin kami ng makakain. Hindi umiimik sa Uno. Mabilis ang kilos namin. Nasa ward kami, anim pang pasyente yung kasama namin, ata alam ko nahihirapan din si Adi.
Kinausap ko ang nurse, tinanong kung mayroon pang private room, at sinabing wala na daw, maroon daw isang suite, pero baka hindi daw namin kayanin sa mahal. Nagalit ako, uminit ang tenga ko sa narinig ko. Ayoko sa lahat, yung mga taong mapang mata.
"Excuse me nurse, what did you just say?" Tanong ko
"Sir?" Gulat na tumingin sa akin ang nurse
"How much is that room a day? I mean the rate?"
"Aba sir, 2300 po ang rate noon?" mayabang na sagot ng nurse.
"Transfer my friend there, right now".. Tumingin lang sa akin ang nurse, sabay pumunta sa nurse station.
Nagulat si Ben at Uno, akala nila kung saan dadalhin si Adi.Sinabi ko na pinapalipat ko ng room. Kasi nga mahihirapan kami. Tulog na tulog si Adi.
"Naku, sinong magbabayad dito? Ang mahal yata nito?" Tanong ni Ben
"Ako nang bahala Ben" Sagot ko..
"Sino ka ba talaga Sim?" Tanong ni Uno..
"Ano sino ako, Simon, Simon Cruz? Ano ba?" Sagot ko
Nakatingin lang sa amin si Ben, nagtataka, nakikiramdam, Alam ko na ang mga isusunod pang itatanong ni Uno, mejo kinakabahan na rin ako.
"Nakita ko yung copy ng resume mo Sim, iba ang pangalan picture mo ang nakalagay. Glenn Anthony Morales. Sino ka ba? Bakit kailangan mong maglihim sa amin, criminal ka ba? At ito, resibo nung withdrawal mo kanina, hindi mo nakuha. Kwarentamil ang nakalagay na balance?"
Inabot ko yung resibo, tumingin kay Ben, tumingin ako kay Adi at nakita ko na gising sya at parang nakikiramdam.
"Look let me explain, hindi ako masamang tao, lumayas ako sa amin, oo Anthony ang tunay kong name, anak ako ng may ari ng C-------------- B------------Cor. Anak mayaman, hindi rin ako taga Ilocos. Taga makati ako. "
Halos di makapagsalita si Ben at si Uno, hindi ko alam kung naiintidihan ni Adi ang usapan namin.
The next day, pinalabas din si Adi, alam nya na ako ang gumastos sa pagpa-ospital sa kanya. Hanggang sa bahay parang halos hindi pa rin makapaniwala sina ben at sina Uno sa inamin ko sa kanila.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong umalis, nampucha pare ang sarap sarap ng buhay sa Maynila." Tanong ni Ben na parang naiirita sa akin.
"Pare may problema kasi kami ng tatay ko, and ayoko lang masyadong magkita kami ngayon kasi alam ko mas iinit pa ang alitan namin." Sagot ko.
"Eh hanggang kelan mo naman balak magtago dito?" Tanong ni Uno
"Look, my mom knows where I am, and I can bet she has told dad already. Kung hanggang kelan, hindi ko alam,,, pero ngayon dito na muna ako. Sana walang magbago sa atin."
"Oo naman Sim ay Anthony pala…" Halos magkasabay na sagot ng dalawa.
Sa mga lumipas na araw nagging okay narin kami ni Adi, open na rin sya sa akin. Nakwento nya ang galit nya sa ama nya, and little by little natutunan na nya na bagohan ang mentality nya towards Ilocano.
"Salamat Toni ah, grabe pare binago mo…tsaka niligtas mo pa ang buhay ko. Grabe mayaman ka na mabait pa,swerte magiging gf mo. Naku pare kung babae lang ako, mismong ako ang manliligaw sayo." – Well ganyan na kami ka-close ni Adi ngayon.
Inaamin ko, nahihirapan din ako sa buhay ko sa dorm, I was never used to sharing a room with someone else what more with three others. Six months ako sa dorm, at paminsan minsan naiisip ko rin na maghanap ng matitirhan na akin lang. Alam ko mahihihrapan akong magpaalam sa mga bagong kaibigan ko, pero alam ko na hindi ako makakatagal kung ganito ang set up ko.
"Bakit may problema ba tayo?" Tanong ni Adi.
"No, it's not that okay. You all know me now, alam nyo na hindi ako sanay na ganito, and it doesn't mean I am ending our friendship here. Look, you can all visit me in my place, and can you just imagine pwede tayong mag party kapag wala kayong pasok."
Hindi na ako nahirapan, basta daw kailangan anytime na dalawin nila ako papasukin ko sila. Habang hindi pa natatapos ayusin ng interior designer na kinuha ni mommy yung place ko, I stayed sa boarding house. Hindi ko muna pinaalam sa kanila kung saan yun, ang balak ko kasi lumpiat sa mismong araw ng house warming na syempre kasama sila.
"Wow Pare, bigtime ka talaga. Pucha astig ah…" Halos manghang manghang pagkakasabi ni Uno.
"Di naman pare, halika kayo dito andito sila Mommy papakilala ko kayo."
Nameet nila ang mommy ko, and syempre wala si dad. Tuwang tuwa naman si Mom sa kanila, and she's very thankful sa mga friends ko for helping me out here.
"Ma, I was thinking if I can just continue my studies here? What do you think? There are a lot of great schools naman dito?"
"I need to consult it to your dad."
"But mom, for once can we just put dad off this?"
"Kelan ba naman hindi ikaw ang nasunod?"
"So pumapayag ka na?"
"Yes, but I need to get you someone to look after you here?'
"Ma? Don't tell me you're sending yaya puring here?"
Ito na ako, estudyante, pero hindi ko iniwan ang trabaho ko. As much as possible I keep my identity to the people around me at school and at work. Wala ding yaya puring na pinadala si Mommy. Syempre I have my car na. and dad has visited me na. We are okay na din. My mom visits me twice a month, and that is on a regular basis. Tipid sa Baguio, tru tipid sa gas kasi naman sa liit ng bagyo madaling makapunta sa pupuntahan.
"Hello Toni, pwede bang mag-overnyt ako jan bukas, uwi kasi ako ng bicol? Wala din akong kasama sa Dorm, si Uno nasa Sagada, si Ben naman umuwi din sa Pangasinan."
"Okay lang pare, kaso hanggang 10 pm shift ko. Wait mo na lang ako sa coffee shop."
From where I was, nanotice ko ang kagwpohan ni Adi. Well, okay naman sya. Okay na okay. From time to time I would catch him staring at my direction, at minsan ngingiti.
"Nainip ka ba pare?"
"Hindi noh, okay nga dito."
"Tara nasa Parking yung sasakyan ko."
"Ah pinadala na ba nila tita yung sasakyan mo?"
"2 weeks ago pa, di ka kasi madalas dumalaw kaya di mo alam."
Pagdating sa bahay, inalok ko sya ng pagkain. Sa ref ko, namana ko ang pagiging compulsive buyer ni mommy. Lagi puno ang ref ko.
"Sasarap naman nito pare, ito yung mga pagkain na gusto ko talaga."
"Hindi naman Adi, kahit sini pwedeng kumain nyan.Bakit ka uuwi?"
"Bakasyon, walang pang allowance si nanay sa akin, doon na rin muna ako para mkatulong na rin sa ani."
"Ah matatagalan ka pala?"
"Oo, ayoko nga sana eh"
"Ang hirap naman mag-apply ng work dito, swerte ka nga natanggap ka egh."
Okay naman ang kwentohan namin ni Adi. Ganoon pa din, paminsan minsan napapagusapan namin ang experience namin nung mga unang araw na magkasama kami. Okay kausap si Adi, malumanay na sya ngayon. Maasikaso din, sabi nga ni mom, masyadong maalaga talaga ang mga bicolano. Paminsan minsan nahuhuli nya ako na nakatitig sa kanya. Kinaumagahan, ako na ang naghatid sa kanya sa terminal ng Bus papuntang Manila, derecho na rin daw sya ng bicol.
"Pare pagbalik ko sa condo mo ako dederecho, okay lang ba?"
"OO naman, pero sana wag mong tagalan dun, sige baka sa sobrang mamimiss kita umuwi na ako sa Manila."
"OO walang problema, hayaan mo kapag namiss kita agad babalik na ako."
Ang sweet diba? Haha. Gustong gusto ko yung eksena na yun kaso mejo malungkot. Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko nung nasa loob pa kami ng sasakyan.
"Salamat Toni ah, sana makabalik pa ako."
"wala ka na bang balak bumalik?" Tanong ko na mejo nagtataka
"Ito naman…nalulungkot agad joke lang yan." Sabay akap sa akin.
Nagualat ako hindi ko ini-expect ang mga sandaling yoon.Pero hindi ako masyadong nagpahalata. Alam ko friendly hug lang yun. Pero parang gusto ko syang bigyan ng ibang kahulugan.
Lumipas ang mga araw, nakablik na sina Ben at si Uno. Pansamantala si Uno sa bahay ko nakatira. Wala pa daw syang ekstrang pangbayad sa dorm kasi magsusummer sya. Sa akin walang problema. Sa sala lang sya natutulog, kalabisan na daw kasi kung pati sa kwarto ko makikishare pa sya. Kung minsan bumibili sya ng pagkain naming dalawa, na sobra ko namang tinuutulan. Alam ko nahihiya sya sa akin, pero para sa akin malaki ang utang na loob ko sa tao na to. Okay din si Uno, malambing, maalaga, at higit sa lahat napaka righteous na tao. Paminsan minsan naglalabas sya ng sama ng loob. Madalas din syang kapos, pero never syang lumapit sa akin. Iyon ang sobrang kinakatuwa ko sa kanya, sa kanilang tatlo, wala ni isang nagtry mag take advantage sa akin. Minsan ako ang nag-oofer tumatanggi pa. Paminsan naman, yung mga baryang nakakalat sa place pinipulot nya at tinatanong kong pwede daw bang ipamasahe na lang nya. Isang buwan syang nakitura sa akin hanngang sa nagpaala na ulit ang politikong nagpapaaral sa kanya. Madalas na din silang dumalaw ni Ben sa akin, pag alam nilang nasa bahay lang ako o kaya hinihintay nila ako sa work.
"Pare, I was trying to contact Adi kaya lang nagpalit ata ng sim."
"Pare ako din, ano kayang nangyari doon?" Sagot ni Uno
"Nakakapagtaka, pero alam mo sabi nya nung paalis sya sana daw makabalik pa sya?"
"Alam mo Toni, ang pagkakaalam ko kasi pinag-aaral sya nung tita nyang nasa Canada, yung nanay nya nag asawa na ng iba, pero kapos sila."
"Grabe, ganoon pala ang buhay nya?"
"OO alam mo minsan, yung allowance nya hinahati pa nya para ipadala sa pamilya nya sa bicol."
Bago magpasukan, inimbita sila Ben at Uno ni Mommy sa Makati. Excited sila pareho, sayang nga wala si Adi. Gusto ni Mommy sa bahay naming kami magstay. Akala naming simpleng bakasyon lang sa Manila, yoon pala papuntahan kami ni Mommy sa isang resort sa Laiya Batangas. Masaya ang isang linggong bakasyon na yun, thankful ang dalawang kaibigan ko kay mommy.
"Did you guys have fun?" Tanong ni Mommy
"Tita, sobrang thank you po, grabe kung hindi pa po dahil sa inyo we'll not be able to experience it." Sagot ni UNo na halos paulit ulit kung magthank you.
"Nga pala, do guys have your passports?" Tanong ni momy.
Alam ko na kung anong gusto ni Mommy, at gusto ko rin yun.
"Ma, are you giving us a tour abroad?"
"well why not, for your birthday, diba hindi tayo nakapagcelebrate kasi you were in Baguio?. Actually idea to ng dad mo? What do you think?"
"Ma, of course I would love that?'
"Ben, saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Mama
"Naku Tita, nakakahiya, pero kahit saan po basta makasakay lang ng eroplano."
"Naku tita, wag na po sobra sobra na po ito, Si toni po ang dami ng naitulong sa amin."
"I told you Ma, they never want to take advantage of me…so I guess these two guys here deserve a HongKong-Macau Trip?"
"Ayaw mo sa Singapore Toni?" Nang biglang dumating si Dad sa likod ko.
"Thank you dad, kaso they have never seen Disneyland eh. Tsaka asides Sentosa wala na namang iba pang pwedeng puntahan sa Singa. At least kung makakadaan kami ng Macau mas marami silang makikita."
"Okay, make sure ok ang mga passports nyo before July ah, si Adi hindi ba sasama?" Tanong ni Dad.
"Dad, we haven't been seeing him eh, he went home to bicol and he hasn't come back yet."
Kitang kita ko ang saya sa mata ng mga kaibigan ko. Nakauwi na kami ng Baguio halos hindi pa rin mawala ang excitement nila na pupunta sila ng Hong Kong.
"Ilang beses ka na ba nakarating sa HK?" Tanong ni Ben
"hindi ko na matandaan."
Nagsimula na ang bagong semester wala pa din Adi na nagpapakita. Nakakapagtaka. Lahat kami nagtatanong sa isat isa kung ano kaya ang nagyari sa kaibigan namin. Habang tumatagal mas namimiss ko si Adi. Madalas bumabualik sa gunita ko yung araw na nagpaalam sya pauwi sa kanila. They way he held my hand as he was saying goodbye, especially the tightness of his hug as if he was not letting me go.
Isa lang ang gusto ko na hindi magbigay ni daddy. Bata pa lang ako hindi ko nagustuhan maglaro ng mga tipikal na laruan ng mga batang lalaki. Although hindi ko naman sinasabi na ang gusto kong laruan eh Barbie, or ang gusto kong role sa bahay-bahayan eh nanay. Oo, noong araw na natikman ko ang sapak ni daddy ay ang araw na nalaman nya na ang anak nya ay hindi tunay na lalaki. I know mom knew it before pa, although she never brought that issue up.
"Drinks at the bar for Gelo." As usual life goes on. Masaya ako sa work ko. I learn so much about the people I work with. I started learning to appreciate things that never have I put interest on noong nasa Manila pa ako.
"Sir Gelo, here's your Iced Grande Caramel Macchiato, Enjoy your drink."
"I think I've seen you somewhere?" tanong nya, he was looking at me as if scrutinizing every detail of my face.
"Really Sir, somewhere outside Baguio?" Sagot ko with a smile.
I knew from the way he stares at me na pareho kami, he looks totally okay. Someone who can shop at Zara and Kenneth Cole.
"Yes, I just can't recall, uhmmm….teka…."
"Naku sir, baka kamukha ko lang po, pag pangit kasi marami kamukha eh." Halos nagkukuwentuhan na kami sa bar ng coffee shop.
"Definitely not, humble ka pa."
"Sige sir, let me know kapag naalala mo na where you've seen me at."
From afar, alam ko nakatingin sa akin si Gelo. Kung katulad ako ng mga kaklase kong bi and gays sa Manila, alam ko they would take advantage of the opportunity. Yeah right, Gelo is indeed goodlooking, he's in fact hot.
Habang naglalakad ako sa parking papunta sa sasakyan ko, may tumigil na isang black na fortuner sa harap ko. "Hey Toni, sa Laiya kita nakita? Tama ba?"
Laiya. That was a cool place, cool para sa mga honeymooners, hahaha. If he has seen me there, siguro hindi ko lang sya nanotice masyado because I was having a lot of fun with Ben and Uno.
"I was there 3 weeks ago. Baka doon nga" Sabay tingin ko sa kanya. Wala syng kasama sa sasakyan nya.
"What are you doing in here? Getting your car?"
"Yes, I am going home na, I have an early class to catch tomorrow."
"I'll see you again sa coffee shop?"
"Sure, my shift starts at 2pm."
Pagdating ko sa bahay, muli kong naisip si Adi. Ewan ko kung ano young feeling, siguro concern lang ako kasi we haven't heard of him since he left. Minsan naisip ko rin na he really chose not to be with us anymore kasi alam naman nya kung paano kami kokontakin.
"Hello Ben, Kamusta na? Okay na daw ba mga passports nyo?"
"Oo Toni, nakuha na namin kanina."
"Sige sasabihin ko kay Dad na okay na kayo."
Ok na lahat, sabi ni Daddy may tickets na daw, naayos na rin yung accommodations namin. 3days kami sa HK and 2 days nman sa Macau. Hindi daw sila makakasama ni Mama kasi may lakad daw sila. Sa akin naman, napapansin ko na nagiging madalas na ang pag-uusap namin ni dad. Hindi ko alam kung tanggap na nya ako, or he was doing it para kapag hiniling nya na magbago ako gagawin ko. No. No. NO.
"Hope we can be good friends? I mean, I went here alone, alam mo yun parang I wanted to escape from something." Nakita ako ni gelo sa loob ng SM, habang hindi pa nag-sstart ang shift ko. Halos pareho pa la kami ng naging sitwasyon. Parang ako din, naalala ko nung mga unang arw ko dito sa Baguio, nahihirapan ako, mabuti na lang may mga kaibigan akong nakilala. Naging okay ang pag-uusap naming ni Gelo. As much as possible ayoko muna magbigay ng details about myself. Ang alam lang nya, my parents sent me here para mag-aral.
"San ka nakatira dito?" Tanong ko sa kanya
"Sa Veniz lang." Sagot nya.
"Naku, mahal at magastos, alam mo tip tol mas okay kung maghanap ka ng mauupahan mo na place mas tipid ka na, mas marami ka pang pwedeng gawin."
"May alam ka ba kung saan?"
"Marami jan tol."
"Eh ikaw san ka ba nakatira dito."
"My family owns a condo here kaya andun ako."

Noong magsisimula na ang shift ko, nagpaalam na ako, sabi nya he'll drop by the shop mga gabi na. Sa akin naman okay lang walang problema. Mabuti in yung may kakilala na alam mong Pwede mong mahingan ng tulong kapag kailangan mo.
Wala akong choice noong dumating na ang araw ng pagpunta namin ng HongKong kung hindi ang mag resign sa trabho ko. Okay lang naman, besides may naisip na rin akong business na Pwede kong simulan sa Baguio pagbalik namin.
"O, Ben ngayon pa lang sasakay ka na ng eroplano."
"Bakit kailangan pa nating mag eroplano papunta ng Manila, Pwede naman magbus?" Tanong Uno.
"Pagod pare eh, okay na to. Besides pag nagbus tayo pagdating natin wala na tayong oras para magpahinga."
Pagdating namin ng Manila, nagimpake na ako. Bumili ng ilan sa mga kakailanganin namin. Si mommy iniinstruct ako about our accommodations. Pagdating ng oras ng flight to HOngKong, halos di makapaniwala ang dalawa na mangyayari ito sa kanila. Ito na siguro ang isa sa mga pinakamasayang birthday ko, pero alam ko mas Masaya yun kung sana kasama namin si Adi.
"Toni, asan na kaya siAdi?"
"OO nga, sana kasama natin siya dito noh?"
"Baka nagka problema sa kanila." Sagot naman ni Ben
Alam ko naman na alam ni Adi na kung may problema Pwede syang Lumapit sa akin. Ang pinagtataka ko at ang hindi ko maintindihan kung bakit para na lang syang na wala ng parang bula.
"Kamusta ang bakasyon niyo?" Pagsalubong ni Daddy sa amin.
"Tito sobrang enjoy po, tito balak po naming matrabaho sa kompanya nyo pagka graduate naming para mabayaran to, kahit ibawas na lang po sa sweldo namin."
Halos pareho kaming natatawa ni dad sa sinabi nila Uno, hindi ako makapaniwala sa kabaitan nila.
"Naku, sa company ko? Hijo, haven't you told your friends about plans?"
"Dad hindi pa, pero since you've brought it up, I will tell them na."
Halos nagtataka sila pareho, alam ko hindi sila makarelate sa pinag-uusapan namin ni Dad.
"O, Ben at Uno, pagka graduate nyo sa Thailand naman kayo pupunta."
Tuwang tuwa na naman ang dalawa.
"Hay naku Dad, kanina nga sa airport sa Macau malungkot sila kasi baka yun na daw ang first and last nila." Nagtawanan kaming lahat.
"Excuse me, Mr. Morales, noong wala kayo may pumunta dito. Hinahanap kayo. Kaso he didn't give his name eh. He went mga 3 consecutive days."
"Kaya mo bang i-describe?"
"Sir, matangkad, mejo maitim sir eh, tapos mejo payat din."
Noong una akala ko si Adi, pero sa description na binigay noong girl sa lobby kabaliktaran yun ni Adi. Hindi nman si Gelo yun, and besides alam ni Gelo na papunta ako sa HK at katext ko pa sya habang nasa HK kami.
"Hello Uno, may pumunta daw dito sabi noong gurl, hindi ko naman kilala kasi based on her descriptions parang kabaliktaran naman ni Adi yoon."
"Ganun ba? Baka naman friend mo or co-worker mo?"
"Wala talaga akong kakilala sa description na ganun."
Lumipas ang mga araw, halos naninibago ako na nasa bahay lang pagkakatapos ng classes ko. Halos sa coffee shop din ako tumatambay. Haha, kasundo ko pa din lahat ng tao dun, maski yung supervisor naman lagi kaming nag-uusap. Yun nga lang, customer na nila ako ngayon. Nagtataka din ako, hindi ko na rin nakikita si Gelo. Ayaw ko naman syang itext kasi hindi nga nya ako tnetext.
"Hello Sim, kamusta na? nakauwi na ako..kailan tayo magkikita nila Uno?" Tumawag si Ben sa akin, 3 years rin syang nagtrabaho sa Riyadh. Pagkagraduate nya nagpatulong sya kay daddy at sa kaibigan nitong may placement agency.
Three years, ang bilis grabe, maraming nangyari sa buhay ko. Pero ito ako ngayon, seryoso sa negosyong sinimulan ko na maganda naman ang takbo hanggang sa ngayon. Si Uno naman, sya ang branch manager ng branch ko sa Baguio. Madalas pa din kaming magkita ni Uno. Sa totoo lang naging super bestfriend ko na nga siya. Hindi na lihim kay Uno kung ano ako, At ang pinakakinatutuwa ko ay tanggap na tanggap nya ako, sabi nga nya hindi nabawasan ang respeto nya sa akin, mas nadagdagan pa. Hindi tulad ng iba kong friend noon na kapag nalalaman nila na ako ay isang gay, umuiiwas sila, o kaya naman nagkakaroon kami ng gap. Kami ni Uno iba, malapit na rin syang ikasal, at masasabi ko na ang turingan naming ay talagang magkapatid. Madalas sinasama siya ni daddy sa mga business conference nito abroad kapag hindi ako nakakasama. Siguro nga sabi rin niya, hindi na daw nya nakikita ang sarili nya pati ang magiging pamilya nya na malayo sa amin.
"Oh balita namin mayaman ka na daw Ben?" Tanong ni Uno.
"Hindi noh, ayoko na ngang bumalik sa Saudi kaso okay din naman doon, malaki din ang kita ng mga engineer."
"Eh bakit ba inayawan mo yuhng offer ni Toni sa atin dati?" Muling tanong na naman ni Uno.
"Alam mo Juanito, Engineer ako, ano bang alam ko sa business, baka mapabagsak ko lang kung bibigyan ako ng isang branch nila Toni."
Tumingin ako kay Ben, malaki na ang pinagbago nya, sa pananamit, maski itsura. SIguro dahil na rin nabibili na nya ang mga gusto nya at nakukuha na nya lahat ng mga pangangailangan nya.
"Toni, anong balita sayo, minsan lang kita makachat eh?" Tanong ni Ben sa akin
"Ito, okay naman, okay na kami ni daddy, kaya lang may kulang pa din." Sagot ko naman.
"Eh si Adi kaya? Alam nyo lagi ko pa din naisip si Adi, Kamusta na kaya yun."
Oo nga, tama si Ben. Sa loob ng 3 taon naalala ko pa din sya, paminsan minsan bumabalik sa akin yung mga huling sandali na kasama ko sya. Siguro nga, nainlav na ako sa kanya, pero hindi ko alam kung inlav pa din ba ako sa kanya. Gusto ko syang kausapin, gusto ko syang tanugin kung anong nangyari.
"Bading ako Ben,…Bading ako?" Natatawa akong umamin ng kinakulit ako ni Ben tungkol sa lovelife ko.
"Alam ko na yun matagal na….open ako sa ganyan Toni, at sobrang taas ng respeto ko sayo."

Naikwento rin sa akin ni Ben ang sitwasyon ng mga gay at bisexuals sa Saudi, inamin din nya na may naencounter din syang ganoong experiences though sabi nya eh mas prefer pa din nya ang babae at pampalipas libog lang daw yung mga bis at gays. Habang nasa manila si Ben o kapag kailangan nyang mag report sa agency sa bahay ko sya tumutuloy. Naging mas open sya sa akin, inamin nya na nagka bf na sya na minahal nya. Isa rin daw sa dahilan kung bakit gusto nyang bumalik ng Saudi eh dahil may naghihintay sa kanya doon. Masaya ako para sa kanya, at habang Masaya ako para sa kanya naiinngit naman ako ng sobra sobra.
"Excuse, Toni is that you?" Agad kong narecognize kung kanino ang boses ng lalaking yoon.
"Hey Gelo, Gosh, where've you been? Three years na kitang din nakita eh, bigla ka na lang nawala sa baguio."
"Well sabihin na lang natin nakita ko na ang hinahanap ko sa Baguio at umuwi na kasama ko na siya."
"Well I am happy for you. Who is the lucky one?" Tanong ko
"You have to meet him, when are you free? We have a lot of patching ups to do, are you free tonight?"
"Well I think I am, is it okay if I bring along my friend?"
"You mean your lover?"
"No, just my friend, I am still single." Sagot ko naman.
Nung gabi nahirapan pa akong pilitiin si Ben na sumama pero napapayag ko din sya. Nauna kaming dumating ni Ben, sa isang Chinese resto sa Malate. Nalaman ko na din na part owner pala noon si Gelo.
"So how long have you been co-owning this?"
"One year pa lang, one year palang to. Ikaw what have you been doing?" Tanong nya sa akin habang hinihintay namin ang boyfriend nya.
"After graduation I opened a computre shop in Makati Ave, it was kinda big, Til now it is til there. Tapos nag open din ako ng isang branch nito sa Baguio which is managed by our friend who lives there, remember si Uno?"
"Really, siguro malaki kita kasi I heard na most of your clients are Foreigners so mas mahal ang rate?"
"Definitely, that's my market. Right now, I am also on a study for a restaurant na gusto ko ring ilagay sa Baguio. You know how much indebted I am to Baguio that is why."
"Here he goes.." Sabay turo nya sa isang mama na papasok sa pinto ng resto nya.
Malayo pa lang kinabahan na ako, parang kilala ko kung sino ang lalaking yun. Si ben din, alam ko pareho kami ng nararamdaman.
"Guys, I'd like you to meet Adison my Boyfriend. This is Anthony and that is his friend Ben, I've met them sa Baguio, the guys I told you." Pagpapakilala ni Gelo sa amin habang nakaakbay sa kanya si Adison.
Kitang kita ko ang reaksiyon sa mga mata ni Adison. Gulat na gulat sya. Alam ko halos magsasalita na si Ben ng medyo siniko ko sya, mabuti na lamang naintindihan nya ang ibig sabihin ng siko na yun.
"Please to meet you Adi,,I mean Adison." Sagot ko na halos hindi ko mabuo ang mga salita ko.
"Anong trabaho mo Adison?" Tanong ni Ben
Tumingin muna sa akin si Adi, bago sya nagsalita "Katulong akong mag manage ng Spa ni Gelo."
"SO you also own a spa? Yaman mo naman." Biglang singit ko.
"Hindi naman. I think we should go party?" Anyaya ni Gelo.
Tahimik na ako the whole night. Paminsan minsan hinihila ko si Ben para sumayaw, para na rin maiwasan si Adi. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Selos, yuun ang sinisigaw ng puso ko, pero tumututol ang isip ko. Minsan nag-uusap ng simple sina Ben at Adi, kung anu man ang pina-uusapan nila hindi na ako interesado pang malaman.
Nagulat ako ng sinundan pala ako ni Adi sa loob ng CR. Papalabas na sana ako ng bigla akong inakap ni Adi.
"Hinanap kita" Sambit nya habang akap nya ako.
Hindi ako umiimik, bakit kailangan nya pang akapin ako. Bakit kailangan naming magkunyari na hindi kami magkakilala sa harap ni Gelo.
"I am happy for you Adi, at least okay na buhay mo."
Pagkasabi ko noon umalis na ako at bumalik sa pwesto namin. Alam ko alam ni Ben na sinundan ako ni Adi doon. Mga bandang 2.30 nag-aya na akong umuwi. Pero mukhang nag-eenjoy pa si Gelo kaya nauna na kami ni Ben.
Habang nasa sasakyan, hindi ako nagsasalita. Ben was trying to start-up a conversation pero parang wala akong naririnig.
"Mahal mo si Adi noh? Nagseselos ka?" Halos maapakan ko ng mahigpit ang preno ng marinig ko yun mula kay Ben.
"Look, I knew from the very beginning how you feel for him." Nangilid ang luha ko, tama ang puso ko, nagseselos nga ako. At napakasakit sa dibdib ko satwing nasasagi sa isip ko na si Adi ang bf ni Gelo. Alam ko kung anong klaseng tao si Gelo, hindi nga sya masama pero katulad din sya ng iba kong gay friends. "Why didn't you tell him noong nasa Baguio pa tayo?" Sa tanong ni Ben halos narealize ko din ang pagkakamali ko. Alam ko kung sakaling sinabi ko yun kay Adi, baka ako ang kasama nya ngayon hindi si Gelo.
Lumipas ang mga ilang araw hindi pa rin maalis sa isip ko ang natuklasan ko. Gusto kong malaman kung paano sila nagkakilala. Paminsan minsan kinakausap ako ni Ben tungkol kay Adi. Kahit sya hindi makapaniwala na ganoon ang mangyayari kay Adi, although sinasabi nya na Masaya sya dahil kahit papaano maayos na ang pamumuhay ni Adi.
"Ano, si Adi lover ng isang Gay?" Halos gulat na gulat si Uno ng kinuwento namin sa kanya ng dumalaw kami sa Baguio.
"Pero paano nangyari yun?" Halos hindi ako nagsasalita, alam ni Uno ang feelings ko kay Adi inamin ko na rin yun sa kanya. Nakita ni Uno na umiyak ako, sa pangalawang pagkakataon nakita nyang umiyak ako dahil kay Adi. Isang linggo ako sa Baguio, naging comfort zone ko na ito sa tuwing nagkakaproblema ako. Bumaba si Ben sa Pangasinan, 2 days daw sya doon para makasama naman nya ng mga pamilya nya. Tamang tama naman na nasa Manila ang GF ni Uno, kaya instead tumuloy ako sa condo ko, sa bahay na muna nya ako. Mabuti na rin yung may makakausap ako. Lumipas ang ilang mga araw, nakabalik na si Ben. Noong akala ko Pwede na kaming bumalik sa Manila, may isang pangyayari na halos bumabago sa akin.
"Alam ko gusto mo syang kausapin, once and for all kausapin mo na sya para matapos na ang lahat." Tama si Uno. Sumang-ayon ako sa kanya. Sinabi ko din napagabalik ko sa Maynila kakausapin ko na si Adi. Naalala ko pa na sinabi sa akin ni Adi na hinanap nya ako.
Habang naglalakad kami sa may Session road malapit sa Zola, nagulat na lang ako ng sumabay sa amin si Adi. Hapon na noon, mejo malamig. Nagpaalam sa amin si Uno, at maghihintay na lang daw sya sa bahay.
"Anong ginagawa mo dito.. Baka hanapain ka ni Gelo?" Tanong ko agad sa kanya."Ikaw ang pinunta ko dito, Pwede ba pag-usapan natin yung sa atin. Yung tungkol sa ating dalawa."
"Anong nangyari?" Agad kong tanong sa kanya.
"Bumalik ako Toni. Pero wala ka na."
"Anong bumalik, araw-araw naghintay ako. Isang taon akong umaasa na babalikan mo ako. Pero di ka nagpakita sa amin, sa akin."
Sinabi nya na bago magpasukan eh bumalik sya sa Baguio, wala daw syang pera noon saktong pamasahe lang. Tama, nasa Manila kami noon, at nagbeach sa Batangas."Inisip ko na umalis ka, inisip ko na nagbabakasyon din sa mga bayan nila sina Ben at Uno." Ang mga sumunod na sinabi nya ang halos magpaiyak sa akin. "Wala akong matirhan, halos sa Burnham Park ako natutulog. Wala akong makain, kaya pumapatol ako sa mga matatandang bakla sa Burnham. OO, kinalakal ko ang katawan ko." Naiiyak ako, hindi ko inasahan ang mga narinig ko ng mga oras na yun. "Ilang beses akong nagbakasakali na bumalik sa condo mo pero sinasabi sa lobby na out of town ka daw. Hanngang sa nawalan na ako ng pag-asa na babalik ka pa." Siya pala yung sinasabi noon, siguro dahil nabilad sya sa araw kaya sinabi nung nasa lobby na maitim sya. "Naging serbis boy ako sa loob ng sinehan, at doon ko nakilala si Gelo." Hindi ako nagkamali, tama ang hinala ko, alam kong ganun klase na gay si Gelo. Kaya nyang magbayad ng lalaki. "Mga ilang beses ko din syang nasumpungan dun, suki kumbaga, minsan nga iniisip ko na ako talaga ang binabalikan dun ni Gelo. Hanggang sa dumating ang sandali na sinasama nya ako sa bahay nya. Nangako sya na pag-aaralin nya ako kapag naging bf nya ako, hindi ko na pinakawalan ang pagkakataon. Wala na akong tita na tumutostos sa pag-aaral ako, at kailangan ko din kumita para sa mga kapati ko, para sa nanay ko." Umiiyyak ako habang nakikita kong tumutulo ang luha sa kanyang mga mata, ang mga sandaling puros kasayahn kami nila Ben, Hongkong, Boracay, at Thailand, ay ang mga sandaling kapit sa patalim si Adi. "Hindi naman bumali si Gelo sa pangako nya sa akin, isinama nya ako pabalik sa Maynila, at doon na ako nagtapos. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, ginagawa ko ang lahat ng gusto nya kahit paminsan minsan nabababuyan na ako sa mga pinagagawa nya sa akin. Minsan pinapahiram nya ako sa mga kaibigan nya, minsan inisip ko na rin tumakas pero lagi syang nagbabanta na guguluhin ang buhay ko at ang buhay ng pamilya ko." Halos hindi ko na kinakaya ang mga pinagtapat sa akin ni Adi, sobrang disaster ang buhay nya. Alam ko, kung naabutan lang nya kami bago kami umalis noon maaring kasama naming sya. At sigurado ako na hindi nya kailangang pumatol sa mga bading sa Burnham Park, o kaya naman ang maging isang callboy sa loob ng sinehan. "Noong mga unang taon, madalas ako pumupunta sa Baguio, dito sa Baguio. From afar tinatanaw kita, hindi ko kayang magpakita sa yo, sa inyo dahil iniisip ko na hind inyo na ako matatanngap. Ikaw, noong mga sandaling yoon, alam ko na mahal na mahal kita. Pero hawak na ako sa leeg ni Gelo, at alam ko kung ano ang kaya nyang gawin. Nagawa nya na minsang sindakin ako ng minsan magtanka akong iwan sya. Iba si Gelo…" Dumidilim na, nagiging malamig na ang paligid, alam ko na sapat na ang mga sinabi ni Adi para tanggapin ko sya ulit.
"Masaya ako na nakabalik ka na Adi. Tagal ka naming hinanap pare. Kung di ka sana nawala di sana kasama ka pa din namin ngayon." Alam ko namissed din sya ni Uno, sa totoo lang sila yung original na magbebestfriend.
"Pagpasensyahan nyo na ako, mahabang kwento, at ibaon na natin sa limot."
Naging okay ang reunion naming apat noong gabing yoon. Alam din naming sa susunod na umaga kailangan nang bumalik ni Adi sa Maynila para hindi sya pagdudahan ni Gelo. Noong gabing yoon wala kaming ibang ginawa kundi pagkwentuhan ang mga tungkol sa mga buhay buhay.
Pagbalik namin ng Maynila magaan na ang pakiramdam ko. At least alam ko na kung nasaan ang hinahanap ko, ang matagal ko ng hinahanap. Nababahala din ako sa mga kwento ni Adi tungkol kay Gelo. Naiintindihan ko sya, noong magkakila kami ni Gelo na sense ko na na ganun ang personality nya. Paminsan minsan nagkikita kita kami nila Ben at Adi, or kapag nakakaluwas ng Maynila si Uno nakikipagkita sa amin si Adi. Alam ko gusto ko syang nakikita palagi, ewan ko kung bakit. Yoon di ang pinaparamdam nya, kaya naman kapag maypagkakataon pumupunta sya sa akin o kaya naman nagkikita kami. Minsan nag-aaya sya si Gelo, at lagi akong umuoo, siguro dahil sa alam ko na kahit papaano ay alam ko na na may nararamdaman ako para kay Adi.
"Can we talk?" Tanong ni Gelo habang kausap ako sa telepono.
Nagkita kami ni Gelo, nagulat ako hindi nya kasama si Adi. Mukha syang pagod, mukha syang may dinaramdam na suliranin.
"Anong problema mo Gelo?" Nag-aalala din ako sa kanya, sa itsura ng mga mata nya mukhang ilang gabi na ring hindi sya nakakatulog.
"Nararamdaman ko kasi na parang nanlalamig na sa akin si Adi.?" Sambit nya na tila naghihintay ng matinong advice.
"Anong problema nyo? Napag-usapan nyo na ba?"
"Hindi ko kayang mawala si Adi sa akin. Ako ang nagdugtong sa buhay nya. At hindi ako papayag na may-aagaw sa akin, dahil ipaglalaban ko si Adi ng patayan." Sa mga sinabi nyang yoon, kinabahan ako, pakiwari ko'y ako ang pinatutungkulan nang mga paratang nya.
"Baka naman busy lang yung tao kaya iniisip mo kulang na yung atensyon na binibigay say o."
"Pinulot ko lang yan, isang lalaking bayaran, kinakalakal ang sarili. Ginastusan ko, pinag-aral ako, binili ko sya oo, pero bakit hindi nya ako magawang mahalin?"
"Tatagal ba naman kayo kung hindi ka rin nya mahal."
"Matagal na kaming nanahimik, hindi ko alam kung bakit tila may gumugulo na naman."
"Paano ako makakatulong sa problema mo?" Tanong ko sa kanya .
Naglabas sya ng isang malalim na buntong hininga, at "tulungan mo ako, sabihin mo sa kanya na mahalin ako, alam ko makikinig sya sayo." Nagulat ako, paano nya naman nasabi yun, not unless alam nya na magkakilala kami ni Adi.
Lumipas ang ilang mga araw na wala akong naririnig mula kay Gelo. Naipagtapat ko kay Adi ng minsang mag-usap kami na kinausap ako ni Gelo. Ayun sa kanya, lagi daw nagseselos si Gelo, lagi daw itong nagbabanta na ipapatay sya. Naikwento na rin namin kay Ben at kay Uno yun. Minsan sinasabi ni Uno na kailangan daw magsampa na ng kaso, o kaya naman i-blotter. Pero si Adi, siya ang lagi na tumututol, Parang may kung ano bang pumipigil sa kanya. Lagi naman nyang sinasabi na kaya pa daw nyang tiisin si Gelo. Pero syempre hindi ako nakukuntento. Sa hindi nila alam, naisip kong kausapin o harapin si Gelo.
"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong nya, ganun pa din, mukhang bangag. Problemado. Puyat.
"Limang Milyon, kapalit ng lahat ng gastos at lahat ng naibigay mo kay Adison."
"hindi ko sya pinagbibili, at lalong hindi ko sya ipagbibili sayo." Sagot nya may gigil sa mga labi nya.
"Pakawalaan mo na sya. Ibigay mo na lang sya sa akin Gelo."
"Hahah, Siraulo ka ba? Bakit pinagiinteresan mo ang isang pinagsawaan ko na. Isang basurang pinulot ko, at ngayon ginugusto mo." Halos matusok ako ng mga mata nya na talaga naman nanlilisik.
"Binabawa ko lang ang akin. Wala ka pa sa buhay namin, nasa akin na si Adi. At kung alam mo ang kwento nya, ako ang dahilan nang pagpunta nya sa Baguio."
"Alam mo kung anong kaya kong gawin sa kanya, at sa iyo. Anong akala nyo na bobo ako. Alam ko na magkasama kayo sa Baguio. Alam ko din na madalas kayong magkita."
"Kaibigan ko si Adi, kaibigan naming tatalo nila Uno. Boardmates kami dati sa Baguio."
"Wala akong pakialam, Ang sa akin ay sa akin, at ang akin ay akin at para sa akin lamang."
"You're insane Gelo, why can't you just let him go. You can always find someone better. Ibalik mo na siya sa akin."
Tumaas ang boses nya, galit na galit. Bumunot sya ng baril at tinututok sa akin.
"Lumaki ako na kinukuha mo lahat sa akin. Inigaw mo lahat. Habang maayos kang nabubuhay: ako, pati ang ina ko halos mamulot ng pagkain sa lupa."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya, hindi ko maintindihan. Parang hindi sya si Gelo ng mga oras na yoon.
"Habang ikaw puro kasaganahan ang ang tinatamasa mo ako puros hirap, sabi ng nanay ko magtiis lang, oo nagtiis kami. Lahat pinagtiisan namin, nabaliw ang nanay ko dahil tiniis nya ang gutom, ang pagod, at ang hirap dahil sa leche mong ina."
Magulo na lahat, iba na ang eksena. Wala na si Adi sa kung ano mang topic na sinasabi ni Gelo.
"Teka Gelo, hindi kita magets, are you crazy? What the hell are you talking about. Pls, put your gun down, pag-usapan natin to ng tahimik.
Halos maipikit ko na lang ang mata ko ng marinig kong kinalabit nya ang baril. Malakas ang narinig kong putok. At ang nakita ko na lang na sunod na eksena, dumating na sina Ben at si Adi at pinagtutulungan nila si Gelo. Tumakbo sa akin si Uno, sumisigaw sya na wag papakawalan si Gelo. Agad akong sinakay ni Uno sa sasakyan, at bago pa man ako makasakay narinig ko pa sya habang sumisigaw:
"Kulang pa yan sa lahat ng ginawa nyo ng nanay mo sa amin ng nanay ko. Hindi mo makukuha si Adi sa akin, sa akin lang sya, hindi ko na hahayaang may maagaw ka pa mula sa akin tulad ng pang-aagaw mo sa tatay ko." Alam ko ang mga sumunod na eksena ay hindi na nakayang masaksihan pa ng mga mata ko. Wala na akong malay.
"Son, buti na lang your safe. Puwi na ang mommy mo, she'll be here for you tomorrow."
"Dad, what happened to Gelo? Do you know why he's so mad at me and to mom? He was even claiming na inagaw ka namin sa kanya."
"He's your brother Toni, matagal na akong walang balita sa kanila. I never saw him, ang alam ko lumayas ang mommy nya, ang dating katulong namin, noong pinagbubuntis sya noon. Ang mama ko ang nagbigay ng malaking halaga sa kanila para lumayo, simula noon, hindi ko na sya hinanap, dahil nakilala ko na ang mommy mo. You know how much I love your mom."
"What happened to her mom, bakit galit na galit sya sa akin."
"I have hired a private investigator already, don't worry son, he's behind bars already. Your safe now. Adi told me everything, tetestigo si Adi against him. I love you son, and I will protect you from anyone who would hurt you."
Son? I love you? Ngayon ko lang to narinig mula sa tatay ko. 24 years na akong tao sa mundo at anak sa kanya, ngayon lang nya naiparating sa akin how much he loves me, how much he cares for me. Kung nasabi na ni Adi ang lahat sa kanya, ibig bang sabihin nito na tinatanngap nya ako? Tinatanggap nya kami ni Adi.
"Kahit kailan, ikaw ang kinakampihan. Lumaki ako na laging sinasabi sa akin ng nanay ko na wala na akong aasahang tatay dahil mas mahal nito ang pamilya nya at anak nya."
Yan ang bungad na salita sa akin ni Gelo mga ilang linggo matapos ang nagyari ng dalawin namin sya ni daddy.
"Inilayo ka ng nanay mo sa akin Gelo, at kahit sya hindi ko na sya nakita."
Alam ko kahit papaano naawa din si Daddy sa kanya, anak nya yun eh.
"Sinungaling, kahit kailan hind ninyo ako kayang tanggapin bilang anak nyo."
"Sandali nga Gelo, alam kong mamatay tao ka at alam kong bastos ka, pero ang binabastos mo ang nagbigay ng buhay sayo." Halos pasigaw kung sinabi sa kanya
Nakatungo si Gelo ng muling nagsalita, "Umalis na kayo dito, gawin nyo ang lahat para hindi ako makalabas dito dahil iisaisahin ko kayo."
"Gelo, alam ko sarado na ang isip mo. But you are my son, I am your father. Kung makikinig ka lang sana muna sa akin." Pakiusap ni daddy sa kanya.
"Wala na akong gustong malaman pa, tama na kung anong alam ko. Wag nyo lang akong bibigyan ng pagkakataon ulit, at isunusumpa ko papatayin kita Toni papatayin kita?"
Halos hindi ako makapagsalita, tama si Adi ibang klase ang mentalidad ni Gelo.
"Tumigil ka na, hindi mo na masasaktan si Toni, o kung sino pa man. Sisisguraduhin ko, kahit anak pa kita, na mabubulok ka sa kung saan ka dapat mabulok."

Umalis kami ni Dad, sa pagtalikod namin alam ko kung gaano sya nasaktan. Alam ko na may mga panahon na sobra akong nagtatampo sa tatay ko. Sa mga panahon noong bata ako na wala akong tatay na madala kapag Family Day dahil busy sya sa trabaho. Kapag may father-son activity na hindi sya makapunta dahil wala sya sa bansa. Pero sa mga oras na ito, naramdaman ko ang tatay ko, isang ama na matagal kong hinahanap.
"Thank you dad….."
"I am so sorry son. Ikaw pa ang nagbabayad sa mga utang ko."
"No dad, sorry po. Ngayon ko lang narealized yung sobrang pagmamahal nyo sa akin."
Inaamin ko isa sa mga sama ng loob ko ay pagiging babaero ni daddy. Pakiramdam ko hindi nya kami mahal ni daddy. Ang hindi ko lang naintidihan, na kahit gaano pa karami ang mga babae nya sa amin pa rin sya umuuwi, at kahit kailan hindi nya nagawang isipin na iwan kami ni Mommy.
Gumulong ang kaso, at tulad nga ng sinabi ni Adi tumestigo sya laban kay Gelo.
"Naging napakabuti po sa akin ni Gelo, sa katunayan nga po siya ang tumulong sa akin para makapag-aral. Aaminin ko pong may naging relasyon kami. Tinulungan din po nya ang pamilya ko, ang mga kapatid ko. Binigyan po nya ako ng maayos na posisyon sa negosyo nya.Wala naman po syang hinihinging kapalit, minahal po ako ni Gelo. Wala din po akong maireklamo sa kanya. Hanggang nitong huli po, bigla na lang syang naging iritado.Simula po yun nung nag pa imbestiga sya tungkol sa tatay nya. Lagi na po syang nagagalit, at lagi po syang nagbabanta sa akin na kapag hindi ko daw po sinunod ang mga ipagagawa nya sa akin ay ipapatay nya ako pati ang pamilya ko."
Ang mga sumunod na testimonyo ni Adi ang nagpaunawa sa akin kung bakit hindi nya kayang iwan na lang basta basta si Gelo.
"Gusto po nyang patayin ko si Toni. Mas lalo po syang naging mas desididong ipapatay sa akin si Toni ng malaman nya, noong umamin ko, na kaibigan kong matalik si Toni. Kaya po noong ipinakilala nya sa akin si Toni sa resto nagkunwari po akong hindi ko kilala si Toni dahil yun po ang instruction sa akin ni Gelo. Sa bawat maling ikilos ko po, laging may bantang nakaabang sa akin. Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin kay Toni yun. Alam ko po na ikasasama ng loob nya kapag nalaman nyang kapatid nya si Gelo. Sa buong pagsasama po namin inihahanda nya ako sa pagpatay ko po kay Toni."
Umiiyak si Adi habang binibigay nya ang mga testimonya nya. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Gelo. Si Daddy, halos atakehin sa mga nalaman nya. Alam ko ni minsan hindi naisip ni dad na may nagtatangka pala sa mga buhay naming sa buhay ko.
""Kaya po noong sinabi ni Toni na kakausapin nya si Gelo, tinawagan ko agad sila Ben at nagpasama sa kanila. Buti na lang po naabutan pa namin sila. May mga gabi po na tinututukan ako ng baril sa noo ni Gelo, at minumura nya ako habang sinsabi nya ang pangalan ni Adi. Simula po noon, inisip ko ng protektahan si Toni, sinisiguro ko na alam ko ang bwat galaw ni Gelo, at nung malaman nya na pinuntuhan ko sila Toni sa Baguio sobrang galit po nya, pinabugbog po nya yung kapatid ko na nagtratrabaho na din sa resto nya."
Gumulong ng gumulong ang kaso, nagbigay din ng testimonya ang imbestigador ni Gelo. Nagulat din daw sya ng operan sya ng malaking halaga ni Gelo para ipapatay kami nila daddy.
Hindi na tumagal, malinaw na malinaw na ang kaso. Nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo si Gelo – ang kapatid ko. Sa pagkakakakulong ni Gelo, kasabay noon ang kalayaan ni Adi. Si Adi na sa loob ng tatlong taong paghahanap ko sa kanya ay ikinubli pala sa akin ng isang paghihiganti ng taong kadugo ko pala. Pareho kaming biktima ni Adi dito, nagamit sya, at noong kumakawala sya nalaman nya na wala na pala syang pupuntahan.
"Salamat. Alam ko hindi mo naisip na saktan ako." Lumapit ako kay Adi habang nakaupo sya sa isa sa mga malalaking bato sa sa Laiya.
Dito ko sya unang dinala, ang lugar na kung saan din ako unang nakita ni Gelo. Tulad ng dati kasama ko si Ben, at si Uno na kasama ngayon ang GF nya.
"Noong nalaman ko ang plano ni Adi, sinubukan kong magpakamatay na lang dahil alam kong kamatayan lang din ang ang magpapalaya sa akin. Pero noong nalaman ko na ikaw pala ang gusto nyang ipapatay, lumaban ako, at sinikap kong masiguro na hindi ka nya magagalaw."
"Kaya pala mabigat ang pakiramdam ko noong una kong nakillala si Gelo sa coffee shop." Sabay hggis ng isang manipis na bato sa dagat.
"Pasensya ka na, kinailangang pang masaktan kayo ng pamilya nyo para sa kalayaan ko kay Gelo." Sabay kuha nya ng kamay ko.
Sa mga oras na yun, panatag na ang loob ko. Nakuha ko na si Adi mula kay Gelo, sa tingin ko naman ay nasiguro ko na din ang kaligtasan laban kay Gelo. Ganoon pa man hindi ko pinapalagay ang loob ko sa posibilidad na masaktan muli ako ni Gelo."
Ang huling balita ko kay Gelo, abogado nya ang namamahala sa lahat ng ari-arian nya. Wala na si Adi sa spa. Paminsan minsan nadadaan kami sa bandang iyon ng restaurant na dati'y parte ng buhay ni Adi. Masakit ang kwento ni Adi sa loob ng resto na yoon. Kasing sakit ng mga naranasan nya ng hindi nya ako madatnan sa Baguio. Kung iisa-isahin, sa akin nagsimula ang kalbaryo ni Adi, pero lagi namang nyang sinasabi na sya ang sumuko sa akin. Ang mga sumunod na araw ay naging maayos, inaamin ko hindi naging malinaw kung ano kami ngayon ni Adi. Lagi kaming magkasama, kaya naming mag-usap ng buong araw na kaming dalawa lang. Lagi naming binabalikan ang mga panahon na halos galit pa sya sa akin. Ang mga panahon na pareho pala kami ng ginugusto sa buhay.
"Anong balak mo?" Tanong nya sa akin habang pinagmamasdaan namin ang paglubog ng araw sa isang beach sa Camarines Norte – Pulandaga Beach sa Paracale.
"Anong anong balak ko?" Pagbabalik ko ng tanong nya.
"Sa buhay mo?"
"Eh di balik sa normal na? eh ikaw anong balak mo?"
Halos matunaw ang puso ko sa sinabi nya, hindi ko inaasahan yun. Umiyak ako ng umiyak, nagtanong ng paulit ulit kung sigurado ba sya sa sinasabi nya.
"Pinangako ko sa Diyos, na masiguro ko lang ang kaligtasan mo at ang kalayaan ko mula kay Gelo ay paglilingkuran ko siya."
"Pero ito ang kagustuhan ng Diyos, ang magkasama tayo, hindi mo ba naiintidihan."
"Panata ko yoon, kapalit ng lahat ng mga nangyari na ngayon."
"Ayaw mo ba sa akin? Gusto mo bang lumayo sa akin kaya mo sinasabi yan?"
"Hindi Toni, alam ko kung ano ang nararamdaman ko. Mahal na mahal kita, mahal na mahal kita na gusto kong masigurong kakampi ko ang Diyos sa pagtatanggol sayo."
Muli sa pagkakaupo, humugot ako ng lakas mula sa sariwang hangin na binubuga ng dagat. Tahimik ang lugar na iyon, parang malayo kayo sa mundo, yung tipong kayo lang ng kasama mo ang maiiwan dun kasama ng mga tala.
"Iuwi mo na ako, gusto ko ng bumalik sa buhay ko."
"Hindi naman kita iiwanan Toni eh."
Hindi na ako umimik pa, sa buong pagbyahe namin, halos nagtataka si Ben na hindi kami nag-uusap. Siguro pinasya na lang din nyang hindi na magtanong pa. Pagdating ng Maynila, nagkulong na ako sa loob ng kwarto ko.
"Toni, mag-usap tayo, kausapin mo muna ako."
"Gawin mo na ang gusto mo, gawin mo kung anong kailangan mong gawin. Pakiusap lang, wag na wag ka ng magpapakita sa akin."
Ang mga sunod na nabalitaan ko tungkol kay Adi ay ang pagpasok nito sa seminaryo. Tama si Uno at si Ben, I need a break sa lahat ng nangyari sa akin. Kasabay ng pagbalik ni Ben sa Saudi ay ang paglipad ko ng mag-isa sa California. Doon napagpasyahan kong mag-aral. Isang taon ang ginugol ko sa pag-aaral ng Culinary sa isang kilalang culinary school doon. Uno and his wife had their honeymoon in California. Sya na ang nangangasiwa sa mga negosyo ko na matagumpay naman nyang napapatakbo. After culinary nakapagtrabaho ako as a chef sa isang hotel doon. After two years of working as a chef, I took another course, that time I decided to take up Somelier. Nag-aral ako at nagpakadalubhasa sa iba't ibang klaseng wines at mga alak. Naisip ko na what's good about being a good chef kung hindi naman masarap ang mga drinks mo or worst wala kang alam tungkol dito. Lumipas ang ilang mga taon, lima, anim, walo, hanggang sa umabot na ng 11. Hindi na nagawang magbukas pa ng puso ko para sa isang bagong pag-ibig. Nagconcetrate ako sa propesyon na pinasok ko at sinuguradong magiging mahuasay ako sa aking larangan.
"Good Morning. I am Chef Anthony, call me Chef Toni. I will be handling your American Cuisine. And for those who are enrolled in entreprenerurship, I will be handling you Somelier Classes. I am both a chef and a sommelier."
Nang makabalik ako sa Pilipinas 35 years old na ako. Nagbukas ako ng isang Resto sa Taguig, at isang Italian restaurant sa Baguio. Nagconduct din ako ng mga culinary and baking workshop na mostly mga nanay ang umaattend. Kinuha akong isang Chef Instructor sa isang culinary school. Ang negosyo namin ni Uno na computer shop ay naibenta na namin, pareho naming napag-agreehan na malaki na ang kinita namin sa negosyong yoon at kailangan na namin iyong pakawalan. Maayos ang takbo ng bagong negosyo ko. Kumbaga lahat ng pinagpaguran ko nakikita ko na tamang tama kung paano ko sila plinano at binuo sa isip at mga pangarap ko.
Si Ben naman, nandito na lang din sya sa Pilipinas. Nang makaipon, bumili ng ilang unit ng taxi, At yoon ang kabuhayan nila ng partner nyang si Jonas. Alam ko na nahirpan syang matanggap ng pamilya nya, at Masaya ako na tanggap na sila ng parehong pamilya nila. Kumbaga sa aming magkakaibigan ako na lang ata ang wala pang happily ever after.
Paminsan minsan naisip ko din Gelo. Balita ko, inilipat sya sa mental hospital dahil ilang taon na rin daw itong tulala at nakikitang nagsasalita mag-isa.
Sila mommy naman at si daddy ito busy preparing for their 35th wedding anniversary and they plan to have a renewal of vow. My team is in charge of the catering, it was big, Sa mga plano pa lang ni mommy alam ko na how fabulous that anniversawy was going to happen.
"Mommy, why he? Wala na bang ibang pari?"
Halos gulat na gulat ako ng dumating si Adi sa Venue. Pari na sya. Pero mas mukha syang hot. Alam ko hindi pa nya ako nakikita, at alam ko base sa mga paglingalinga nya ay hinihintay nyang mahagip ng mga mata nya ang direksyon ko. Pero nasa loob kami ng bahay ni Mommy.
"He has helped your dad a lot spiritually, at saka 11 years na ang nakaraan, you two have both moved on already." Sagot naman ni mommy.
After ng Mass, kumain lang siya kasama ang dalawang seminaristang kasama nya at from where I was I knew he was saying goodbye to my parents. He even gave a look to my direction, pero alam ko hindi nya ako nakikita. Nakatingin ako habang papaalis siya.
"Bakit ba ayaw mo siyang makausap?"
"Ma, hindi ganun kasimple yung nangyari alam mo yun."
Nasabi ko rin kay Uno at Ben ang nangyari. Well, Ben came late nung party kaya hindi nya naabutan si Adi. At alam ko madalas silang mag-usap. Lumipas ang mga araw hindi ako mapakali, may para bang nagsasabi sa akin na I should go and talk to him. Pero ano naman ang sasabihin ko? Should I convince him to turn his back to God and go in peace with me? Or should I go and ipamukha sa kanya na ang laki nyang tanga dahil sa ginawang nyang pagtalikod sa akin.
"Father, may gusto pong kumausap sa inyo," Habang nasa labas ako ng opsina nya sa kumbento, at kumakatok sa pinto ang isang sacristan na doon din daw nakatira.
Narinig kong sinabi ni Adi na maghintay lang sandali at nagsusulat nang sermon nya para sa misa. Sabi nung bata ayaw daw talagang papaistorbo ni Father kapag sermon ang pinaguukulan nito ng pansin..
"Kamusta…po..Father."
Yoon lang ang nasabi ko ng lumabas sya ng pinto at nakita nya ako. Alam ko nagulat din sya sa di nya inaasahang pagkakita sa akin.
"Alam ko one of these days pupunta ka din dito, I just didn't think it would be sooner than I expected." Bati nya habang papalapit sa kinatatayuan ko.
Pag-abot ko ng kamay ko sa kanya, hinila nya ako at inakap ng maghigpit. Napaakap din ako at maiyak. Nung bumitaw sya sa pagkakaakap sa akin…
"Masaya ako ng pinatnubayan ka ng Diyos tulad ng dasal ko."
Marami kaming napag-usapan ni Father Adi, may mga pinagtapat sya na kahit papaano'y nagpapakilig ng puso ko. May mga sandali daw na pakiramdam nya ay handa na syang talikuran ang seminaryo para balikan ako. Pero naisip din daw nya na hindi nya alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sa akin kung ipipilit nya ang gusto nya. Eleven years have passed, marami ng lessons ang buhay sa ain na nagturo kung ano nga ba ang tama at dapat na gawin namin pareho. Tatlong oras din ang pag-uusap namin ng magpaalam na ako. Masaya ako na okay na ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Habang pauwi ako, naisip kong dumaan sa simbahan. Nakipagkwentohan sa mga tao dun, nagtanongtanong kung kamusta bilang kuaparoko si Adi.
Ayun sa isang matandang babae na tila buong buhay nya ay nasa simbahan na sya, "Kahit bata pa si Father, magaling sya magpatakbo ng simbahan."
"Si Father, kaibigan ng mga kabataan dito sa parokya, maraming kabataan ang nagnanais magpari at tularan sya." Ayun naman sa isang myembro ng choir ng simabahan.
Ipinagpasya ko na mejo lumayo na sa kanya kasi alam ko kung madadalas akong Makita sya ay muling mahuhulog ang loob ko sa kanya. Si Adi, si adi lang sa buong buhay ko ang ginusto kong mahalin, ang pinangarap kong makasama. Ganun paman paminsan minsan nagsisimba ako sa kanya, madalas kasama ko sina Ben, pagkakatapos ng misa nag aaya sya ng maghapunan sa kumbento na hindi namin tinatanggihan.
"Hi Ninong?"
"Simone, kamusta na? Where's dad?" Nagulat ako ng biglang pumasok sa loob ng office ko sa resto ang anak ni Uno. Simone ang pinangalan dahil pinagalan nya yun sa ginamit kong name noong una kaming nagkakilala ni Uno.
"Kamusta na? busy ka na naman masyado. Magbakasyon ka naman muna."
Hindi ko inaasahan ang pagdalaw ng mag ama sa akin, sa sobrang busy ni Uno sa pamilya nya paminsan minsan na lang kung makadalaw sya sa akin. Ganun din si Ben, busy sa negosyo.
Ako madalas ako magsimba. Pero madalas nasa bandang likod lang para naman hindi ako masyadong nakakadistract kay Adi. Inaamin ko, sa ganitong paraan, kahit sa ganitong paraan nararamdaman ko na hindi kailan man ako iniwan ni Adi.
Kwarenta na ako ngayon, dalawang dekada halos ko nang kakilala sina Ben, si Uno, at si Adi. Sila ang tinuturing kong inspirasyon ko, sila ang tinuturo ko na naghatid sa akin kung naaan man ako ngayon. Si Gelo, madalas ko din syang dalawin. Ang nakalipas ay na kalipas na, aniniwala ako. Matagal ko nang napatawad si Gelo. Alam ko napagdusahan na nya ang mga nagawa nya. Mahirap talaga kapag nasasaktan, kapag alam mo at naramdaman mong minsan sa buhay mo ay may pinagdaanan kang mabigat at nagpahirap sayo ng todo. Sa mga panahon ngayon halos hindi ko na maalala ang mga ginawa ni Gelo, basta ang alam ko kapatid ko sya. At sa mga panahong ngayon kapatid lang ang makakapitan nya. Hanggang ngayon pinagdadasal ko pa rin na sana nagpakilala na lang sa amin si Gelo, hindi na sana nya ginawang kumplikado ang lahat. Pero nangyari na ang nangyari, and we all learned from the past. I have forgiven, and most importantly I have moved on.
"Brothers and Sisters the Gospel of the Lord."
Hindi ko alam kung anong okasyon basta lahat kami na sa misa ni Father Adi. Ako, si mom at si dad, si Ben at si Jonas, at si Uno at ang pamilya nya.
"Ang Panginoon ang pinaka malaking milagro ng daigdig. Ang pinakamalaking himala, ang pinaka sa lahat ng pinaka. Namatay si Jesus, pero hindi doon nagtapos ang lahat bagkos doon nagsimula. Pag-ibig, ang matinding pinaghugutan ng panginoon para magawa nya lahat ng mga sakripisyo at pagliligtas sa ating lahat. Gaya ni Jesus, mga minamahal kong kapatid, alam ko na darating sa buhay natin na kailangan nating magpaalam sa isang bagay na mahalaga sa atin – kahit na nga ba sa ating buhay – upang masiguro lamang ang panibagong simula para sa mga mahal natin. Kung uulitin ko ang buhay ko, nanamnamin ko ng paulit-ulit ang hirap at sakit na naranasan ko, at lahat ng ligaya na naranasan ko. Ako po ay magpapaalam na sa propesyong nagmulat sa akin ng hiwaga ng mundo, kasabay nito ang pagpapaalam sa isang yugto ng buhay ko na minsan naghango sa akin sa dilim ng kahapon."
Tumigil sa pagsasalita si Adi. Halos lahat ng tao noong mga oras na yun ay nagtataka sa mga sinasabi ni Adi. Alam ko kung ano man ang desisyon ni Adi ay syang magpapaligaya sa kanya.
"Si Jesus na piniling isakripisyo ang buhay nya para sa buhay ng marami ay isang halimbawa ng himala ng mundo. Binuksan nya ang isang bagong simula sa mundo na nagbigay sa atin ng biyaya ng makabagong panahon. Tulad ni Jesus, ang ilan sa atin ay nakagawa na ng sakripisyo. Ako man, dumating sa buhay ko na nagtatanong ako kung bakit tila ang lahat ng ginagawa ko ay pagsasakripisyo. Nagsakripisyo ako para sa sarili at sa pamilya ko. Nagtiis, kumapit sa patalim, dahil naniniwala ako na yoon ang maghahatid sa akin sa pangarap ko. Minsan na rin akong inudyukan ng pag-ibig para gumawa ng sakripisyo. Tiniis ko ang masaktan, hanggang sa mababoy ang pagkatao ko para siguraduhing hindi mapapahamak ang taong mahal ko."
Dito naintindihan ko ang mga sinasabi ni Adi. Si Mom Umiiyak habang kinakalma ni dad. May mga ilang nagpupunas ng luha habang karamihan ay hinahayaang umagos ang luha nila. Kung alam lang ng mga taong ito, na ang tao sa likod ng kwento ni Father Adi ay ako.
"Hindi pa natapos doon ang pagsubok ng pag-ibig sa akin, humantong ako sa pagdedesisyon na isakripisyo ang pag-ibig ko na halos naging sentro ng buhay ko, kapalit ng isa pang pag-ibig na ipinangako sa ating Ama. I know there are at least 10 youth present in this celebration of Christ, who would like to become a priest. At alam ko I have inspired more than a hundred of them to become a priest. Alam ko din na mayroong sampung ina ngayon na nainspire sa akin at sinikap maging mas mabuti para sa kanilang pamilya. Naniniwala din ako na merong limang ama ngayon dito na tinalikuran ang bisyo at nagbalik loob sa simbahan. Bilang isang hamak na nilalang lamang, ang makapagpabago ka ng kahit isang buhay ay katumbas na ng halos buhay na walang hanggan. Mabigat sa loob ko ang bagong sakripisyo ng pag-ibig na hinihingi nito mula sa akin. Mga ilang linggo na ang nakakaraan, dinalaw ako ng panagainip na akala ko'y isang bangungot na kikitil sa buhay ko. Pinakita nito ang isang tao na humahawak ng kalayaan ko. Isang nilalang na alam kong hindi ako bibitawan. Pero nagulat ako ng biglang ibuka ng nilalang na yoon ang mga kamay nya at hinayaan akong makalpas. Sa pagharap ko, ang inaakala kong demonyong minsang sinira ang buhay ko ay ang panginoong Hesus pala na may napaka among mukha. At kinaumagahan pag gising ko nalaman ko na ang mga sagot sa mga tanong na makailang beses ko na ring itinatanong sa kanya. Mga minamahal kong kapatid, ang isang paglisan ay hindi tanda ng katapusan. Ang isang katappusan ay hindi nagtatapos sa pamamaalam. Ang buhay ay umiikot sa palad ng Panginoon, ang buhay ay biyaya ng Diyos na ninanais nyang maging makabuluhan para sa mga minamahal nyang sangktaohan. Ako, ang inyong Father Adi, ay minsang naging Baby Adi, Totoy Adi, Sir Adi, Mr. Adi, at minsan na ring umibig, nasaktan, at nabigo. Ngayon po, isasakripisyo ko ang aking propesyon pero hindi ang pag-ibig ko sa Ama. Sisimulan ko ang bagong pagtahak ko sa landas na minsan ko na rin hindi natapos tahakin. Tulad din nyo, na kung pagkatapos ng misa ay bumabalik sa inyong mga tahanan, ng mga estudyanteng nagmamadaling makauwi, at ni Jesus na bumalik sa kanyang Ama, ako rin po ay may nais balikan. At hinihngi ko po ang inyong panalangin at pag gabay pati na rin pag-alalay. Kayo po ang magsisilibi kong liwanag, ang inyo pong mga pananampalataya ang magiging gabay ko patungo sa akin landasin sa buhay."
Tumigil sa pagsasalita si Adi. Umiiyak na ang lahat sa simbahan. Pumunta sya sa gitna ng altar. Humarap sa altar, at hinalikan ang sahig nito. Bumaba sya patungo sa mga tao. Naunang nagsipagtakbuhan ang mga bata papalapit sa kanya. Umakap ang mga ito sa kanya, may mga munting tinig na wari'y nakikiusap na sana'y wag silang lisanin nito. Kung sa normal na misa, trenta minuto na mahigit ang nakalipas matapos ang misa. Unti unting naging emosyonal ang mga tao, kinailangan pa ng mga lay minster at mga sacristan na i-control ang pagdagsa ng mga tao kay Adi. Sumunod ang mga matatandang babae na umakap ng mahigpit sa kanya. May mga ilang nagmamakawa na bawiin ang pamamaalam na binitawan ni Adi, may ilan namang luha lang ang nakapagpahiwatig ng kanilang kalungkutan.
Tumayo sila Mom at Dad, kasama sila Ben at sina Uno Lumapit sila. Naiwan ako sa upuan. Umiiyak si Uno at si Ben, si Uno nakangiti pa sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Hindi ko alam kung paano ko napagalaw ang paa ko. Basta ang alam ko sumunod ako kina Ben. Ang grupo yata namin ang pinaka huling lumapit sa kanya. Noong ako na, may kumabog sa dibdib ko, at talagang hindi ko naiwasang tumalikod at maglakad palayo. Ang alam ko na lang, isang seminarista na ang nagptuloy ng misa dahil na rin siguro sa tindi ng emosyon. Tapos na ang misa, pero ang mga parokyano ay nandun pa din. Ayaw marahil maniwala sa mga sinabi ni Adi.
"Are you sure you wanna be alone? Ngayon pa ba tayo mag-iiwanan eh mas matindi pa dito ang mga pinagdaanan natin?" Tanong ni Uno habang kinakausap nya ako sa bahay.
"Kung sa tingin mo makakapag-isip ka ng husto sige papayagan ka namin, but please let me know kung saan ka pupunta. Baka naman abutin na naman ng isang dekada bago ka magpakita sa amin."
Ang gusto ko lang ng mga sandaling iyon ay ang makapag-isip. Pero ano naman ang iisipin ko? Siguro hindi ko lang maabsorb ng husto yung mangnayyari.
San pa nga ba ako pupunta kung hindi sa Baguio. Alam kong alam ng mga kabigan ko kung saan ako pupunta. Sa Baguio, amoy pa lang ng hangin naiintindihan ko na ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Ang lamig ng gabi ang nagdidikta sa akin ng mga paglilinaw na kailangan ko upang maintidihan ko lahat ng hindi mawari ng pag-iisip ko."
"Kung akala mo matatakasan mo ako. Matatakbuhan mo, hindi ko na papayagang mangyari pa yun. Hindi na ngayon Toni."
"Anong ginagawa mo dito?"
"High school pa lang ako nandito na ako, eh ikaw kailan ka lang naman nanirahan dito?"
"Bakit mo ako sinusundan?"
"Hindi noh..nakita lang kita…Bakit kapag ikaw may nakita kang kaibigan hindi mo lalapitan."
"Pwede ba Adi ang tatanda na natin wag na tayong magbolohan."
Lumapit sya sa akin, "Eh bakit ngayon ka pa natutong magtaray kung kailan matanda ka na?"
"I was just upset…Akala ko things between us were okay already."
"Okay naman ah, ano bang hindi ok…" Sagot nyo na may pagka pilyongngiti.
Tumingin ako sa paligid, madilim na. Hindi kaya ng t-shirt ko lang ang lamig na bumabalot sa akin.
"Hindi ko akalain na sa lahat pala ng iginive-up ko wala rin naman pala yung dahilan ng mga sakripisyo ko."
Tama si Adi, marami na syang pinagdaan dahil sa akin. Masasabi ko na ako ang nagpaikot ng mundo nya. Hanggang ngayon nakatanim pa rin sa akin ang huling sermon nya. Ang sermon ng pamamaalam sa mas napakaraming taong napamahal sa kanya para lang mapagsilbihan at makasama naman ang pinakamamahal nya.
Ilang years pa kaya ang bibilangin namin ni Adi ngayon. Matanda na kami, at sa mga sandaling ito ang gusto ko na lang mangyari ay ang maenjoy ang binigay ng Diyos na panahon para makasama ko syang muli. Sabi nga ni Ben, sobrang dami daw ng pinagdaanan namin pare-pareho para hindi i-cherish ang bawat isa.
Love? For me it doesn't have to be the perfect romantic thingy that all of us wanted to have. Love Story? Syempre gusto ko happy ending, pero katulad din ni Cinderella at Snowhite, marami munang pagdadaanan bago ang happily ever after. True love? Meron ako nyan, it just so happened na yung true love ko eh true love din ako. Ako, si Chef Toni ay minsan ring naging si Baby Ton, Totoy Tonton, at bago pa man ako naging si Sir Toni, naging si Simon Cruz muna ako, isang suwail na anak. At ngayon, ako ay kalahati ng ako, at ang kabiyak ng kahalahating ako ay si Adi. Mahaba at mahirap ang pnagdaanan namin ni Adi, pero ngayon ko nalaman na kapag ang pag-ibig ay para sayo, daanan man nang bagyo, sayo at sayo pa rin yun.
Saan nagsisimula ang isang paglisan? Saan natatapos ang isang pamamaalam?
Ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong na naglaro sa isip ko nang minsa'y dinala ako ng mga pangyayari sa aking buhay sa isang lugar na naging kanlungan ko. Ang alam ko lang ngayon ang ano mang nagsisimula ay may tinakdang katapusan, at ang bawat paalam ay may dalang panibagong pagsisimula. Nasaan man si Adi ngayon, alam ko nakikita nya ako. Alam ko kinuha na sya ng Diyos dahil nagawa na nya lahat ng tungkulin nya sa mundo. Onti man ang sandaling pinahiram nya sa akin si Adi, mga sandaling masasabi kong akin talaga sya. Masaya pa din dahil alam ako lumisan sya sa mundo na daladala ang pag-ibig, at ako rin nama'y handa kahit anong oras na muling Makita sya at makasama kahit na saan pa man ako dalhin ng kabilang buhay.WAKAS



















4 comments:
Shet!
Pigil man ako ng pigil na hindi umiyak, tulo pa in ng tulo ang luha ko.
Ang masabi ko lang. . . . .
'TOL ANG GALING MO!!!!
Its one of the best story na nabasa ko. Yan ang magaling mag sulat, kahit walang sex na involve ang ganda talaga ng story. Tol I salute you. Congrtaulations keep up the good work. Sana marami pa ng ganitong klase ng story.
I like this. I really like this. It may be a gay story but i see it more as a real friendship story. nakakaiyak nakakainspire. ndi ko nga tinigilan sa gang matapos ko e. hiprokrito ako na ndi amining i was looking for the sex part but the full essence of the story make my burst...in tears and joy. naks! sumabay pa naman kasi sa broken heart stage ko e. HAHAHA.
all i can say is WOW!
ang ganda ng story. habang binabasa ko eh medyo maluha luha ako but pinipigilan ko kasi nasa office ako, petiks kumbaga. ang ginawa ko eh kunyari may binalikan lang ako sa office, pero tinapos ko pala ang pagbabasa..
now na ako nlng mag isa, tumutulo tlga ang luha ko while nagbabasa.
kahit wlang sex, eh parang tutok ka parin sa pagbabasa...
galing galing galing mo....
looking forward sa next story
Post a Comment