
HIRAM NA PAGMAMAHAHAL
sinulat ni rikiboypalaboy
Author's Note: This is not the usual erotic story that you get from
me. None of the dark, and sadistic themes this time. I'm kinda
inspired hence this love story between two chatmates who eventually
became friends and lovers. To that wonderful special person who shook
my world, this is for you… (nyahahah inlab na ako, wahhhh… delikado J
Ang sumusunod na salaysay ay kathang-isip lamang. Anumang
pagkakahawig ng mga tauhin, lunan o pinangyarihan sa totoong buhay ay
di-sinasadya at nagkataon lamang.
HIRAM NA PAGMAMAHAL
ni rikiboypalaboy
Dumating si Junard sa buhay ni Rex sa panahong lugmok na lugmok siya
at pakiwari niya'y wala nang gustong umunawa at magmalasakit sa kanya.
Di nga ba't masaya siyang nag-aaral dito sa Maynila nang magkaroon ng
isang malaking problema ang kaniyang pamilya at kinailangan niyang
bumalik sa kanilang probinsya upang duon na lamang ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral. Isang matinding alitan ang namagitan sa kanyang
ama at sa mga magulang nito na naging sanhi ng pagkakagulo sa
kanilang pamilya. Pati siyang dati-rati'y kinagigiliwang apo ay
nadamay sa sigalot at muntik-muntikan nang hindi makapag-aral dahil
sa naputol na sustento ng kanyang lola. Sa awa't tulong na rin ng
kanyang magulang ay nakapasok siyang muli sa isang universidad sa
kanilang lugar. Mas gusto pa niyang magtagal sa loob ng paaralan
kaysa naman umuwi sa kanilang tahanan na lagi na lamang may bangayang
nangyayari.
Dahil sa pangyayaring ito ay natutong magrebelde si Rex. Pumapasok
man ay hindi inintindi ang pag-aaral. Kung papasa eh di papasa ang
naging panuntunan niya sa buhay. Alam niyang kayang-kaya niyang ipasa
ang kanyang mga subjects, matalino naman siya. Pero talagang ang gulo
sa pamilya ang humihila sa kanya upang gawin ang mga bagay na di
naman niya talagang gustong gawin.
Nang matutunan niyang mag-chat ay natutunan din niya ang pakikipag-eb
na nang lumaon ay pakikipag-seb. Dito ay nagawa niya na ata ang halos
lahat ng dapat gawin ng isang taong dayukdok sa laman. Natuto siyang
magpagamit at nanggamit. Kung ang kailangan ng kanyang ka-eb ay ang
kanyang katawan ay kusa niyang ibinibigay ito. Wala siyang hinindian,
lahat ay kanyang pinatulan. Marunong siya makipaglaro sa mga ka-chat
niya. Lamang lahat ng mga nakasama niya ay pawang mga kapwa niya
lalaki. Mga taong ang hilig ay makipagniig sa kapwa nila lalaki.
Ilang taon rin na naging ganito ang kanyang pamumuhay. May mga
pagkakataong hindi siya umuuwi sa kanilang tahanan at nakikitulog
kung kani-kanino. Kapalit ng pagtulog at pagkain ay ang katawan niya.
Hanggang dumating ang isang araw na parang nilalayuan na siya ng mga
kakilala. Naging usap-usapan na pala sa chatroom ang pagsama-sama
niya kung kani-kanino at inakala na siya ay nagkaroon na ng malubhang
karamdaman. Unti-unting natauhan si Rex. "Hindi totoo ang
ibinibintang nila sa akin!" gusto niyang isigaw sa mga kakilala sa
channel. Pero may maniniwala pa ba? Sa puntong ito nakilala niya si
Junard, isang chatter na higit ang katandaan sa kanya.
Dahil sa wala nang kumakausap sa kanya kahit na mga kaibigan niya sa
paaralan ay naging malulungkutin si Rex. May mga pagkakataon pang sa
loob ng sariling kwarto ay umiiyak siya dahil sa bakit naging ganuon
ang kanyang kapalaran. Akala niya ay sa mga kaulayaw niya matatagpuan
ang hinahanap niyang atensyon at pagmamahal na di na niya nadarama sa
loob ng kanilang tahanan.
Di naman niya maiwasan ang pakikipag-chat dahil duon lamang siya
nakakatakas sa mga problemang kanyang kinakaharap. Naghanap siya ng
ibang channel na mapaglilibangan. Hanggang sa mapadako siya sa bi-
friendly channel. Sa umpisa'y nagmamasid lamang siya sa mga usapan sa
main room. Di siya kumikibo o nagsasalita man lang. Pero nasisiyahan
siya sa daloy ng usapan ng mga nagcha-chat duon. Di tulad sa ibang
channel na puro sex ad ang nadatnan niya sa bi-friendly channel. May
isang topic na pinag-uusapan ang mga chatters at karamihan ay
nagbibigay ng kani-kanilang mga opinyon ukol sa topic for the day.
Isa ang nakaaangat sa lahat ng mga chatters na iyon. Wala naman
siyang OP status subalit parang lahat ay sa kanya nakasandig. Pag
nagsalita na siya ay may laman ang kanyang sinasabi at talagang
mapapaisip ka ng parang "oo nga ano, bakit nga ba hindi ko naisip
agad iyon." Naubos na ang kanyang oras ay talagang pinangatawanan
niyang wag magsalita. Sa susunod na lang ang sabi niya sa sarili niya.
Nang sumunod na araw, matapos ang kanyang klase ay pumunta agad siya
sa isang internet café na malapit sa kanilang paaralang. At di nga
siya nagkamali andun muli ang chatter na magaling makipagdiskusyon sa
main channel. Nabigla pa siya nang i-welcome siya nito.
MangTasyo : Hello Ralion. Welcum to bi-friendly. Hope you
enjoy your stay here.
Ralion : Hello MangTasyo. Salamat po. Ano po topic ngayon dito?
MangTasyo : Wala pa nga eh. Me suggestment ka ba?
Ralion : lolz@suggestment. Bago yun ah. Ahihihi
MangTasyo : Asus. Joke lang yun. Para maging comfortable
ka sa amin.
Ralion : Ganun? Eh comfy naman ako kaya nga nagbalik ulit ako
dito eh.
MangTasyo : Salamat naman. Sige enjoy ka lang sa
pakikipag-usap sa kahit na sino dito. Walang nangangagat dito.
Mababait lahat tao dito eh. Mababait pag tulog… ahahah
Duon nagsimula ang kanilang madalas na pag-uusap. Hanggang sa
magkapalagayang loob na sila. Nalaman ni Rex na Junard ang tunay na
pangalan ni MangTasyo. At siya daw ang pinakamatanda sa mga nagcha-
chat sa channel na yun. Biniro pa niya ito nang, "Ay kaya pala kapita-
pitagan ang dating nyo sa kanila. Dapat pala Pilosopo Tasyo ang
itawag ko sa inyo." Na sinagot naman ni Junard nang, "Suit yourself,
Rex. Kung dun ka ba masisiyahan na tawagin ako eh."
Pero kinalaunan ay sinabi na lang ni Rex na tatawagin na lang niya si
Junard na kuya dahil nga sa agwat ng kanilang edad. Eksaktong sampung
taon ang agwat ng edad ng dalawa kaya minabuti na rin ni Junard na
tawaging bunso naman si Rex. Habang nagkakakilalanan ang dalawa ay
saka nila naisip na nakakatawang magtawagan sila ng kuya at bunso sa
kadahilanang si Junard ay bunso sa kanilang magkakapatid, samantalang
si Rex ay panganay naman. "Ang galing natin, walanghiya ka. Lakas
mong tawagin akong kuya, eh ikaw pala ang kuya sa atin," ang pabirong
wika ni Junard sa kanya. "Ngek, panganay nga ako, eh ang tanda mo
naman sa akin ano? Kapal mo talaga kuya, ahehehe." ang bwelta naman
ni Rex dito.
Sa umpisa'y puro ganun ang kanilang mga usapan hanggang sa lumaon ay
naging seryoso na ang mga pag-uusap nilang dalawa. Pag nag-online si
Rex ay private kaagad ang gawa nilang dalawa ni Junard. At duon nga
niya naiihinga ang kanyang mga saloobin sa buhay. Si Junard man ay
may mga pinagdaanang hirap noong mga nagdaang panahon at iyon, ayon
sa kanya, ang nagsilbing hamon para harapin ang iba pang mga darating
na pagsubok sa kanyang buhay. Nagugulat si Rex sa mga advice na
ibinibigay sa kanya ni Junard. Talagang dumuduro sa kanyang puso ang
mga binibitawan nitong pananalita. Kung mahina-hina ang pang-unawa mo
ay sasabihin mong napakataray at walang-pakundangan si Junard. Dahil
madalas sinasabihan siya nito ng "Gago ka pala. Alam mo nang masama
iyon, bakit ipinagpatuloy mo pa rin?" Alam niyang concern lang ang
kuya Junard niya sa kanyang kapakanan kaya nagiging ganuon ang tono
ng kanyang pananalita.
Sa tinatagal-tagal ng pagiging magkaibigan nila sa chatroom (mahigit
isang taon na silang nagkakausap) ay ni minsan hindi pa sila
nagkitang magkaibigan. Bakit? Si Rex ay nasa malayong probinsiya sa
timog nakatira samantalang si Junard ay laking Maynila. Madalas ngang
itanong ni Junard kung may pagkakataon si Rex na makabalik ng Maynila
o makadalaw man lang. Hindi maipangako ni Rex kung matutuloy ang
kanyang balak na dito maghanap-buhay matapos makagraduate o baka duon
na lang siya manatili sa kanilang lalawigan. Hindi naman siya
pinipilit ni Junard na lumuwas para lamang makipagkita sa kanya. Pero
sabi nga niya ay mainam na rin yung "kahit minsan ay magkakilala
tayong dalawa."
Kahit ano pang pangaral ang gawin ni Junard ay talaga atang may
katigasan ang ulo ni Rex. May isa siyang lihim na hindi niya sinasabi
sa kanyang kaibigan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Isang
araw ay may nakausap si Junard na nagpakilalang siya raw ang lover ni
Rex. Nung una ay ayaw niyang maniwala dahil baka nagloloko lang si
Rex at nagpalit lang ng nickname. Subalit matapos ang ilang pag-
uusisa ay natanto ni Junard na hindi nga iyon si Rex at ibang tao ang
kanyang kausap. Di man aminin ay parang may kirot na naramdaman si
Junard sa kanyang puso. Bakit kailangang maglihim sa akin ni Rex?
Akala ko ay open kami sa isa't isa. Bakit itinago niya ito sa akin?
Nang magkaroon ng pagkakataon na magkausap muli sila ni Rex ay abut-
abot ang hingi ng paumanhin nito sa kanya. Subalit lubhang nasaktan
si Junard sa ginawang iyon ni Rex. Para sa kanya ay betrayal of trust
ang nangyari at hinding-hindi niya mapapatawad ang kaibigang
itinuturing niyang bunsong kapatid. Naging madalang na ang pag-uusap
nila, pati ang pagte-text o pagtawag ni Junard kay Rex ay naging
madalang na rin. Hanggang sa dumating ang panahong wala na talaga
silang komunikasyon.
Makalipas ang anim na buwan ay nakatanggap ng text message si
Junard. "Hi! kuya, r u stil mad @ me?" Dahil hindi kilala ni Junard
ang cell number ay sinagot niya ito ng "may i kno hu s ds? ur nt n my
list f cntacts." "Si Rex 2 kuya. talgang galit k s akn L" Biglang
nagbago ang sagot ni Junard at parang gulat na gulat na nakatanggap
siya ng text mula kay Rex. "oy rex kaw pla. bkit iba n # mo?"
Iyon ang naging simula ng kanilang pagkakabalikang magkaibigan.
Humingi si Rex ng sorry sa kanyang nagawa at nang sabihin niya ang
kanyang dahilan ay pinatawad naman siya ni Junard. Sinabi nitong kung
talagang magkapatid ang turingan nila ay dapat walang inililihim ang
bawat isa. Nagkasundo silang muling ibabalik ang naputol nilang pag-
uugnayan at nagpasalamat pa si Rex sa pagbibigay sa kanya ng
pangalawang pagkakataon. Ayaw na niyang mawala pang muli sa kanyang
piling ang kanyang kuya Junard.
Kabanata 2
Nagkabalikan ngang muli ang magkaibigang Junard at Rex matapos ang
anim na buwang walang komunikasyon. Di lumipat ang isang buwan
matapos ang kanilang muling pag-uusap ay sinabi ni Rex na luluwas
siya ng Maynila para maghanap ng trabaho. Tinanong naman siya ni
Junard bakit biglang nagbago ang kanyang plano at paano ang naiwan
nitong special someone. Sinabi ni Rex na nagpaalam na siya kay Jovi
at naintindihan naman siya nito. Si Jovi man ay abala na rin sa
kanyang paghahanapbuhay kung kaya't madalas ay wala na rin silang
time na magkasama. Natuwa naman si Junard at sinabing abisuhan na
lang siya kung kelan siya luluwas at nang magkita na rin sila.
Naka-settle na si Rex sa kanyang kamag-anak dito nang muli niyang i-
text si Junard at sinabing nasa Maynila na siya at naghahanap na ng
mapapasukan. Laking tuwa ni Junard nang malaman ito at nagtanong kung
kelan sila pwedeng magkita na. Sinabi naman ni Rex na saka na lamang
pag may trabaho na siya para di nakakahiya kay Junard. Di na umapela
pa si Junard at hinayaan na lamang ang kanyang kaibigan ang mag-
imbita sa kanya.
Matapos ang isang buwan ay mismong si Rex ang nagsabing may trabaho
na siya sa Makati at sa unang sweldo niya ay iti-treat niya ang
kanyang kuya. Natuwa naman si Junard sa gesture na ito ni Rex at
sinabing dapat niyang i-treat ay ang kanyang mga pinsan at tiyo't
tiya na kanyang tinutuluyan dito. "Naku, iba yun. Basta gusto ko i-
treat kita kasi special ang first meeting natin eh." Pumayag na rin
si Junard at napagkasunduan nilang sa Glorietta na lang magkita sa
araw ng sweldo ni Rex.
Nasa may magazine section na ng National Bookstore si Junard dahil
duon ang usapan nilang magkikita. Nai-text na rin niya kung ano ang
kanyang suot para madali siyang makilala ni Rex. Nagbubuklat-buklat
siya ng isang magazine nang maramdaman niya ang isang tao sa kanyang
likuran na nagsabing "Maganda ba ang article na binabasa mo, kuya?"
Nang pag-angat niya ng mukha ay bumulaga sa kanya ang isang
nakasalaming chinito na kahawig ni Gilbert Remulla. Napangiti siya at
saka patakang nagsalita nang patanong na "Rex, is that you?" "Yes,
kuya Junard." Sabay ngiti nito.
Ngani-ngani na lamang na magyakapan ang dalawa dahil sa pananabik sa
isa't isa. Ngunit nakapagtimpi sila at minabuti nilang lumabas na
nang NBS at maghanap ng mapupuntahan para makapag-usap na rin sila ng
sarilinan. Habang naglalakad ang dalawa ay di iisipin ng
makakasalubong na first time lang nilang magkita. Kahit si Junard ay
di makapaniwala na at ease na at ease silang dalawa sa isa't isa.
Nakaakbay na ito kay Rex at panay-panay ang tawanan nila habang
naglalakad. Napagkasunduan nilang kumain na lang sa isang chinese
restaurant. Sinabi ni Junard na masarap sa Kwan Tong dahil sa bukod
sa masarap ang pagkain ay cozy pa ang place. Nakakairita ng lang ang
chinese songs na maya't maya ay pinatutugtog. Ok lang naman kay Rex
iyon dahil biro pa niya kay Junard ay "may chinese blood naman ako
kuya eh."
Habang kumakain ay panay ang titigan ng dalawa. Matindi kung
makatitig si Junard bagay na nakakaasiwa naman kay Rex. Pero katwiran
ni Junard ay gustung-gusto niyang tingnan ang mga mata nitong
singkit. Lalo namang namula si Rex sa sinabing ito ng kanyang kuya.
Matapos ang kanilang kainan (na si Rex talaga ang nagbayad) ay
minabuti nilang maglakad-lakad muna sa mall dahil maaga pa naman.
Panay pa rin ang tawanan nila, laluna't madalas magbiro si Junard
nang kung anu-ano.

Nagtungo sila sandali sa restroom para jumingle at nang lumabas ay
umandar ang pagiging pilyo ni Rex. Isang nakaw na halik ang idinampi
niya sa pisngi ng nabiglang si Junard. Biglang binatukan siya ni
Junard at sinabing magtino siya sa pakikiharap sa kanya. Akala ni Rex
ay nagalit si Junard at halos mangiyak na siya dahil sa kapilyuhang
ginawa. Hinila siya ni Junard sa isang sulok at saka tinitigan.
Walang imikan. Nakatitig lang sa kanya si Junard at tanging mata nito
ang nangungusap. Nang may sumilay na ngiti sa mga labi nito at saka
ginulo ang buhok niya ay naunawaan na niya ang ibig sabihin ng
kanyang kuya Junard. At muli masaya silang naglakad..
Nang patungo na sila sa MRT station ay parang ayaw pang maghiwalay ng
dalawa. Palibhasa'y magkaibang landas ang kanilang uuwian. Si Junard
ay pa-south, samantalang si Rex ay pa-north. Kaya nang nasa akto na
silang maghihiwalay ay nagdaop ang kanilang mga palad at saka
nagpaalaman. Nagpasalamat si Junard sa masarap na treat at si Rex
naman ay nagpasalamat sa masayang pakikisama ng kanyang kuya. Pababa
na sila kapwa sa kani-kanilang platform ng mag-text ang bawat isa.
Nagtama pa ang paningin nila habang hinihintay ang pagdating ng kani-
kanilang train.
Di naglipat-linggo at muling nagkasundo ang dalawa na magkita. Kapwa
sabik dahil sa masayang mga pangyayari sa unang pagkikita kaya
minabuti nilang sa dating tagpuan na lang maghintayan at bahala na
kung saan sila pupulutin ng kanilang mga paa pagkatapos. Akala mo'y
matagal na nga silang magkakilala nang personal dahil sa hindi man
lang kinakitaan ng pag-aalinlangan ang dalawa habang sila ay nag-
uusap o naglalakad man lang sa mall. Kinalaunan ay isinasama-sama na
rin ni Junard si Rex sa kanyang tahanan at duon nga nito nakilala ang
asawa ng kanyang kaibigan, si Alice.
Dahil sa magkalapit lang ang opisinang pinapasukan nina Rex at Junard
ay naging madali para sa kanila ang magkasama parati. May mga
pagkakataon pa nga na sabay silang nananghalian o kaya nama'y sabay
na maglalakad patungong MRT Station. Habang naglalakad ay
nagkukwentuhan sila kung ano ang nangyari sa araw na iyon at kung ano
ang balak sa mga susunod na araw. May mga pagkakataon din na sabay
silang nanonood ng sine kung maganda ang palabas. Kung tutuusin ay
hindi talaga palanood ng sine si Junard, ngunit sa kagustuhang
mapagbigyan na rin ang kaibigan ay sinasamahan na rin nya ito.
Habang tumatagal ay lalong nagiging open ang isa't isa sa kanilang
mga saloobin sa buhay. May mga pagkakataon na naihihinga ni Rex ang
kanyang mga problema ka Jovi. At kadalasan ay pinapayuhan siya ni
Junard na gawin ang lahat ng magagawa para maalagaan ang kanyang
relasyon sa kasuyong naiwan sa probinsiya. Kapag ganun ang mga
naririnig na salita ni Rex ay hindi niya maisip kung bakit nuon lang
sila nagkakilala nang lubusan ng kanyang kuya. Sa isip niya ay sana
naging babae na lang siya at si Junard ang nakatuluyan niya.
Si Junard naman ay hindi na rin naglilihim kay Rex. At isang gabing
papalabas na sila ng mall ay naihinga niya ang kanyang suliranin
tungkol sa asawa.
Junard : Alam mo bang ang tagal-tagal ko nang nire-request kay
misis na mag-anak na kami. Pero ano nakita ko sa medicine cabinet ng
bathroom namin, pills. Kaya pala di mabuntis-buntis si Alice, nagpi-
pills.
Rex : Baka naman may dahilan kaya ayaw pa niyang magbuntis,
kuya.
Junard : Ano pa ba ang magiging dahilan nya? Ilan taon na
kami, bunso. At gusto kong makitang lumalaki magiging anak ko habang
malakas pa ako. Minsan tuloy nawawalan na akong ganang makipag-sex sa
kanya eh.
Imbes na sumagot pa ay nanahimik na lang si Rex hanggang sa
magkahiwalay na sila pababa ng platform.
Pagkauwi ng bahay ay nasa isipan pa rin ni Rex ang sinabi ng kanyang
kuya. "Minsan tuloy nawawalan na akong ganang makipag-sex sa kanya
eh." Paulit-ulit niyang naririnig ito sa kanyang isipan. Hanggang sa
dalawin siya ng antok.
Isang araw biglang nagyaya si Junard na mag-videoke daw sila at nang
mabago naman ang pinagkakaabalahan nilang dalawa. Since it's a
Friday, maaari naman siyang gabihin at alam naman ni Alice na si Rex
lang ang kasa-kasama niya sa mga lakaran.
Masayang-masaya ang dalawa habang nagkakantahan. Dito rin nalaman ni
Rex na may itinatago palang galing sa pagkanta ang kanyang kuya
Junard. Habang patuloy sa pagkanta ang dalawa ay panay-panay rin ang
inom ng beer ni Junard, bagay na nakatawag ng pansin kay Rex.
Rex : Kuya, nagpapakasaya ka ba o nagpapakalasing?
Junard : Wala. Minsan lang naman eh. Sige pa, kanta ka pa.
Inom lang ako.
Rex : Eh mukhang lasing ka na eh. Baka di ka na makauwi
niyan.
Junard : Akong bahala. Pag di ko kaya, magtaksi na lang ako
pauwi. Sige na. Kanta ka na. Hehehe
Rex : Ay ayoko na, hatid na lang kita, kuya.
Junard : Wag ka magulo. Kaya ko pa.
Dahil sa medyo malagihay na si Junard ay napagpasyahan ni Rex na sa
bahay niya na lang ito dalhin at baka mapahamak pa kung hahayaang
umuwing mag-isa. Matapos bayaran ang kanilang bill ay tumawag ng
taksi si Rex at nagpahatid sa may Pag-asa, Quezon City.
Nagtaka pa ang kaniyang tiyahin kung bakit me kasama ito at sinabi ni
Rex na kaopisina niya at nagkayayaang mag-inuman. Dahil sa malayo pa
ang bahay ay sinabi na lang niyang duon sa kanila matulog. May
sariling kwarto si Rex sa bahay ng tiyahin. Naging magalang naman si
Junard at humingi ng paumanhin sa istorbo.
Umakyat na sila sa kwarto at saka tinanong ni Rex kundi man lang ba
tatawagan ni Junard ang kanyang asawa. Dahil sa may tampo nga ito kay
Alice ay sinabing hindi, kaya nagpasya si Rex na siya na lang ang
tatawag at ipaaalam ang kinaroroonan ni Junard.
"Hello, ate Alice! Oo, si Rex ito. Ate, ganito… Nalasing nang husto
si kuya Junard kaya dito ko na lang dinala sa bahay para dito
magpalipas ng magdamag. Worried kasi ako kung pauuwiin ko eh baka
kung ano mangyari… Oo, ate. Kadarating lang namin… Oo, bagsak ang
tuka, ahahaha… Ano?... Naku wala yun, si ate naman. Alam na ng auntie
ko,.. Oo, sinabi ko naman sa kanila ang dahilan… So pano, ate, wag ka
na mag-alala ha. Yaan mo, pagsabihan ko bukas. Akong bahala," mahaba-
habang pag-uusap nila ng asawa ni Junard.
Nang bumalik siya sa kwarto matapos ang pagtawag sa telepono ay
nakita niyang nakahiga na si Junard at tulog, ni hindi man lang
nakuhang maghubad ng kasuotan. Habang pinagmamasdan ni Rex ang
nakalatag na katawan ng kanyang kaibigan ay hindi niya maiwasang may
kung anong nararamdaman dito. Oo nga't matagal na rin silang
magkaibigan at malaki ang paggalang niya dito, subali't hindi rin
maitatatwa na nagkakagusto siya sa kanyang kinikilalang kuya. Dahil
sa mga ipinapakita nitong kabaitan sa kanya ay unti-unting nahuhulog
ang kanyang kalooban dito. At pag nalalaman niyang may problema ito
ay nalulungkot din sya at nakikisimpatiya sa nararamdaman nito.
Nasa ganon siyang pag-iisip nang marinig niya ang mahinang katok sa
kanyang kwarto. Nang pagbuksan niya ang pinto, ang tiyahin pala niya
ang naroon at sinabing makabubuting punasan niya ng maligamgam na
tubig si Junard nang mahimasmasan ito at makatulog nang ayos. Sinabi
pa ng tiyahin na nagpainit na siya ng tubig at kunin na lang ito sa
baba at sya man ay ganon din ang gawin. Nagpasalamat si Rex sa
kanyang tiyahin at sinabing magpapalit lamang ng damit pambahay at
gagawin ang utos nito. Sinabi na rin ni Rex na matulog na ang tiyahin
at sya na ang bahala sa baba.
Maya-maya lang dala ang isang maliit na palangganitang naglalaman ng
maligamgam na tubig, kumuha sa kanyang tokador si Rex nang face towel
at kanya ngang pupunasan si Junard. Tinanggal niya muna ang suot
nitong sapatos at medyas at saka iniayos ang pagkakahiga sa kama.
Sumunod ay binuksan ang polong suot at tumambad sa kanyang harapan
ang dibdib nito na may ilang mga balahibo. "Balbon pala si kuya," sa
isip-isip niya. At pinagala niya ang kanyang mata mula sa dibdib nito
hanggang sa puson kung saan makikita pa rin ang mga balahibo nito.
Binasa ni Rex ang face towel at saka ipinunas sa natutulog na mukha
ni Junard. "Unnngghhh, ano ba yan?" parang inis na sabi ni
Junard. "Shhh, wag kang maingay, pinupunasan lang kita para mawala
amoy-alak mo," mahinang sabi naman ni Rex at muling ipinagpatuloy ang
pagpupunas sa mukha ng kaibigan. Mula sa mukha ay naglakbay ang
basang face towel sa katawan ng natutulog na kaibigan. Halos manginig
ang kamay ni Rex nang dumampi ito sa pinakadibdib ni Junard. Ngunit
pinaglabanan niya ang sarili at ayaw niyang magkaroon ng dahilan ang
kaibigan na mag-isip na pinagsasamantalahan niya ito. Nasa may puson
na ang face towel at maya-maya lang kailangan niyang hubaran ng
pantalon ang kaibigan. Di niya malaman kung ano ang gagawin sa
sandaling makita niya ang kabuuan ng katawan ni Junard.
Isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. Matapos punasan ang buong
katawan ay niyugyog ni Rex ang kaibigan para maalimpungatan. Nang
magdilat ng mata si Junard ay sinabi ni Rex na magpalit ito ng shorts
para maging maaliwalas ang pakiramdam nito sabay abot dito ang
shorts. Tumayo sandali si Junard at tumalikod kay Rex. Halos
himatayin si Rex nang makitang naghubo si Junard at saka isinuot ang
shorts na ibinigay niya. Hinubad lahat ni Junard ang suot—ang
pantalon at briefs--kaya naman muntik nang himatayin ang Rex. Muling
bumalik sa pagkakahiga si Junard at tinanong kung hindi pa rin
matutulog si Rex. Sinabi nitong kailangan niyang tapusin ang
pagpupunas sa kanya. "Huwag na, Ok na ako. Salamat na lang, bunso,"
saway ni Junard.

Napatitig si Rex kay Junard at may namuong luha sa kanyang mga
mata. "Bakit, may nasabi ba akong masama?" ang takang tanong ni
Junard. "Wala, kuya. Na-miss ko lang ang pagtawag mo sa akin ng
bunso," paliwanag naman ni Rex sabay ngiti at pahid ng luha sa mata.
Napangiti rin si Junard at saka ginulo ang buhok ni Rex. "Hmm, tulog
na tayo bunso. Gabi na," anyaya na lang ni Junard kay Rex.
Tumayo si Rex at kinuha ang palangganita at sinabing ibababa lang
niya iyon at magbubuhos lang siya para presko bago matulog. Kumuha ng
bihisan at twalya si Rex at bumaba na nga para maligo.
Habang nasa kwarto si Junard ay nagkaroon siya ng pagkakataon na
makapag-isip-isip. Nawala na ang kalasingan sa kanya dahil sa
ginawang pagpupunas ni Rex. Natutuwa siya sa pagiging maasikaso ng
kaibigan at wala sa hinagap na maikumpara ito sa kanyang asawang si
Alice. "Maswerte si Jovi sa pagkakaroon ng nobyong tulad ni Rex" ang
naisip pa ni Junard at napangiti siya dahil dito.
Nang magbalik si Rex sa kanilang kwarto ay nakita niyang mahimbing na
ang tulog ni Junard. Nakahiga itong lapat na lapat sa kama habang ang
isang paa ay nakababa sa sahig. Nakaunan ang ulo nito sa isang braso
at ang unan ay nasa gilid ng katawan nito. Inayos muna niya ang
pagkakahiga ng kaibigan at saka inilagay ang unan sa ulo nito.
Sinarhan na niya ang ilaw ng kwarto at saka tumabi sa kaibigang si
Junard.
Medyo naalimpungatan si Junard nang tumabi si Rex sa kanya at saka
sinabihan ng "Good night bunso. Sleep well, ok."
"Opo kuya, kaw din po," ang sagot naman ni Rex.
Ilang minuto na ang lumilipas ngunit di dalawin ng antok si Rex.
Alumpihit siya dahil damang-dama niya ang init ng katawan ni Junard.
Natatakot siya sa kanyang sarili. Halos mag-iisang taon na rin nang
magkaroon siya ng pagkakataong makipagniig sa kapwa lalaki. Di nga
ba't ang pinakahuli ay kay Jovi bago siya lumuwas ng Maynila? Paano
kung di niya mapigilan ang sarili at magawan ng kahalayan ang
kaibigan? Mabuti kung papatol ito at magpapaubaya, pero paano kung
hindi at magkagulo sila sa kwarto? Ano ang sasabihin ng kanyang mga
kamag-anak pag nalaman ang dahilan ng kaguluhan? Ito ang mga tanong
na bumabagabag sa kanyang isipan habang katabi sa higaan si Junard.
Walang kamalay-malay si Rex na hindi pa rin tulog si Junard at
nakikiramdam. Hindi siya sanay na iba ang katabi sa pagtulog at
ngayon nga ay buhay na buhay ang diwa niya sa gitna ng kadiliman ng
kwartong ito. Nang kumilos muli ang katawan ni Rex ay tumagilid si
Junard at iniunat ang kanyang kamay at saka nagsalita kay Rex.
"Di ka ba makatulog, bunso? Halika dito, higa ka sa braso ko,
patutulugin kita," masuyong sabi ni Junard sa katabi.
"Kuya," alinlangang sabi naman ni Rex.
"Alam ko, sige na, i-unan mo ang bisig ko at patutulugin kita,"
muling anyaya ni Junard sa kanya.
Umusog nga si Rex sa kanyang kuya-kuyahan at inihilig ang ulo sa
braso nito. Si Junard naman ay iniyakap ang isa pang kamay sa katawan
ni Rex at saka tinapik-tapik ang likuran nito na parang nagpapatulog
ng isang batang maliit. Masuyong hinalikan sa noo si Rex habang
ibinubulong ang "tulog na bunso" nang paulit-ulit. Naluha si Rex sa
sobrang saya niya ng mga sandaling iyon at lalo pang inilapit ang
katawan sa katawan ng kuya niya at lalong isinubsob pa ang ulo sa may
dibdib ni Junard.
Mahimbing na nakatulog ang dalawa…
Kabanata 3
Naalimpungatan ang dalawa sa katok na narinig nila sa pinto. "Hoy ala-
10 na wala ba kayong balak gumising," ang sigaw ng tiyahin sa labas
ng kwarto.
Nagulat pa si Rex dahil pagmulat niya ng mata ay nakita niyang
nakayakap pa rin siya sa katawan ni Junard na nang mga sandaling iyon
ay gising na rin at nakangiti sa kanya. Isang mahinang "good morning"
ang ibinati nito sa kanya. Napaigtad si Rex dahil sa kakatwang
sitwasyon nila at natakot siyang baka buksan ang pinto at mahuli sila
ng kanyang tiyahin.
"Opo auntie, andyan na. Napasarap po ang tulog namin," pasigaw na
sagot naman ni Rex.
Bumangon na sila at nakita pa niyang nakabukol ang harapan ni Junard
dahil sa nakatulog nga itong walang suot na briefs. Sinabihan niyang
mag-ayos ito bago bumaba at baka punahin iyon ng kanyang auntie at
uncle.
Nakahanda na ang almusal ng pumanaog si Junard at muli ay abut-abot
ang paghingi ng paumanhin dahil sa abala na naidulot niya sa mag-
anak. Sinabi naman ng tiyahin ni Rex na walang anuman iyon at
makabubuti pang kumain muna bago siya umuwi. Magkaharap sa mesa ang
dalawa nang umupo para mag-agahan. Halos di makatingin ng diretso si
Rex kay Junard dahil nga sa nangyari kagabi.
Nag-aayos na si Junard sa kwarto nang muling pumanhik si Rex para
tanungin kung handa na siyang umalis. Nagsusuot na lang ng sapatos
niya si Junard nang datnan siya ni Rex duon.
"Ehhh, kuya, yung tungkol kagabi, kasi," panimulang sabi ni Rex.
"Shhh, wala yun. Naiintindihan kita. So pano, maraming maraming
salamat sa abala at pag-estima sa akin. Di ko malilimutan ito," ang
sabi naman ni Junard.
At bago ito lumabas ng kwarto ay niyakap muli si Rex at saka masuyong
hinalikan sa noo. Napayuko ang binata at hindi alam kung ano ang
isasagot. Naguguluhan siya sa ikinikilos ni Junard at hindi niya alam
kung ano ang kahulugan ng mga iyon.
Pag-uwi sa bahay ay tinanong ni Alice si Junard kung bakit lampas
tanghalinan na ito nakauwi at anong oras ba ito umalis kina Rex.
Sinabi naman ni Junard na tinanghali siya ng gising dahil nga sa
kalasingan. Para di na humaba pa ang usapan ay sinabi niyang maliligo
lang siya at ihanda na ang pananghalian.
Mula nang mangyari ang pagtulog ni Junard sa bahay nina Rex ay naging
lalong malapit ito sa binata. Yung paminsan-minsang pagsabay sa
tanghalian ay naging araw-araw na at pati ang pag-uwi ay talagang
hinihintay siya nito para sabay na silang lumakad pa-MRT station.
Dahil sa ikinikilos na ito ni Junard ay lalong umigting ang
pagmamahal na nadarama ni Rex sa kanya. Kaya isang araw…
"Kuya, me sasabihin sana ako sa iyo," ang sabi ni Rex habang kumakain
sila ng pananghalian.
"Hmm, ano yon bunso?" tanong ni Junard.
"Wag ka sanang magagalit sa akin, ha, kuya."
"Bakit naman ako magagalit sa iyo? Me ginawa ka na naman bang
kasalanan? Nag-away kayo ni Jovi?"
"Hindi yon. Lagi naman kaming nagte-text pa rin ni Jovi. Kasi, kuya,
ano eh."
"Ah ok. Mabuti naman pala at magkasundo kayong mabuti ni Jovi. Hoy,
loko ka ha, alagaan mong mabuti relasyon ni Jovi, at wag kang tumulad
sa akin. Kita mo ako problemado sa misis ko. hehehe, So ano yung
sasabihin mo?"
"Wala, wag na lang. Baka makadagdag lang sa isipin mo eh."
"Kita mong lokong ito. Me sasabihin raw tapos wag na lang. Ano nga
yon, bilis na," medyo asar na tanong ni Junard.
Uminom muna ng tubig si Rex at saka huminga nang malalim. "Kuya, I
think I'm in love again."
Napalingon sa kanya si Junard at kumunot ang noo. "Wala ka namang
nababanggit na bagong crush ah. Me itinatago ka ano?" panunukso ni
Junard kay Rex.
"Wala, kuya. Wala akong itinatago…"
"Eh kanino ka in love?"
"I'm in love with you, kuya," paanas na sabi nito at pagkasabi nuon
ay napatungo siya.
"Huh? Sa akin? Bakit mo naman nasabi iyon Rex?" medyo napalakas na
tanong ni Junard.
"Ewan ko nga eh. Tanda mo nung time na natulog ka sa bahay? Duon ko
naramdaman na talagang mahal na mahal na kita. Kasi naman ipinakita
mo sa akin ang pagiging masuyo mo. Honest, kuya, di ko ginusto na
mahalin ka. Kusang tumubo na lang ang pagmamahal ko sa yo," halos
mangilid na naman ang luha ni Rex sa mga mata.
Napalingon si Junard sa kapaligiran. Ayaw niyang makatawag pansin ang
nangyayari kay Rex kaya sinabihan niya ito, "Rex, pag-usapan natin
ito mamaya paglabas ng office. Okey? Ayusin mo sarili mo at baka
mapansin ka ng mga tao dito, nakakahiya. Sige na. Hintayin kita sa
dati nating hintayan at mag-uusap tayo. Wag kang mag-alala di ako
magagalit sa yo," mahabang sabi ni Junard.
Wala nang imikan pa ang dalawa hanggang sa matapos ang kanilang
pananghalian.
Pagtuntong ng alas-5:30 ay halos ayaw pang kumilos ni Rex. Natatakot
siya sa sasabihin ng kanyang kuya Junard. Ano kaya ang sasabihin ni
kuya Junard?... Sana hindi siya magbago ngayong alam na niya ang
feelings ko sa kanya… Wag ko na lang kayang siputin siya sa usapan
namin… Nasa ganon siyang pag-iisip nang sa tutunog ang kanyang
cellphone. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at si Junard pala.
"Ano Rex? Palabas na ako ng opisina. Duon na lang tayo sa may G4
magkita ha. Alis na ako," sabi sa kabilang linya.
"Ok, kuya. Sige, isara ko na lang itong computer ko at aalis na rin
ako," malumanay niyang sagot dito.
Wala nang atrasan. Hindi niya pwedeng di siputin si Junard at baka
lalo lang gumulo ang usapan. Bantulot man ay nag-ayos na nga si Rex
at saka naglakad patungo sa G4.
Malayo pa lang ay nakita na niyang nakatayo si Junard at inaabangan
siya. Di naman kagwapuhan si Junard pero iba talaga ang dating sa
kanya. Marahil ay dahil sa pagiging malambing nito na nadama niya
nuong natulog ito sa kanilang tahanan. Muli't muli niyang binabalikan
ang alaala ng gabing iyon… nang patulugin siya ni Junard sa kanyang
mga bisig at magising siya na nakayakap sa katawan nito.

Nang matanaw siya ni Junard ay nakangiting kumaway ito at sinalubong
na siya. Inakbayan kaagad at tinanong kung kumusta na siya. "Ok lang
ako at medyo naging busy sa trabaho," pagsisinungaling ni Rex. Para
siyang robot na sunud-sunuran lang kung saan maglakad si Junard.
Namalayan na lang niya na nasa harap na sila ng Carl's Jr. at
tinatanong siya ni Junard kung anong gustong orderin.
"Hoy, bunso, ano gusto mong kainin?" muling tanong ni Junard.
"Ha, ah eh,… kaw na lang bahala kuya," ang wala sa sariling sagot
nito.
"Ok, sige humanap ka ng mauupuan at ako na bahalang umorder ng hmmm
teka, snacks lang ha… wala pa akong pera, hehehe," pabiro namang sabi
ni Junard.
Di na niya inintindi pa ang sinasabi ni Junard; sa halip ay naghanap
siya ng upuan na medyo tago sa karamihan. "Duon sa bandang dulo, sa
kaliwang bahagi, medyo OK na duon kami mag-usap." ang sabi niya sa
sarili.
Maya-maya pa ay dumating na si Junard dala ang inorder na burger at
iced tea. Nakangiti pa rin ito na parang nalimutan na ang nangyari
kaninang tanghali.
"Oh sensya na ha, yan lang kaya ng budget ko. Sige tsibog na," yaya
agad nito pagkababang-pagkababa ng tray.
Halos di makatingin si Rex kay Junard nang umupo na ito sa harap niya
at magsimulang kainin ang burger. Nangangalahati na ito sa burger
nang muling magsalita.
"Nga pala, bunso, ano nga iyong sinabi mo kanina sa akin? Yung bang
in love ka kamo, sa akin?" medyo parang takang tanong ni Junard sa
kanya.
Bago magsalita ay tumikhim muna si Rex ng iced tea at saka huminga
nang malalim. "Eh ku-kuya, wag ka sanang magalit dun sa sinabi ko ha.
Actually di ko rin alam kung ano talaga ang nararamdaman ko eh. Pero
ang tingin ko in love talaga ako sa yo," nakatungo pa rin si Rex
habang sinasabi ang mga bagay na ito. Di naman kumikibo si Junard at
patuloy lang sa pagkain habang nakikinig sa kanya. "Kasi alam mo nung
time na una tayong nagka-usap sa chat, tas pinayuhan mo ako? I was so
depressed and down and ikaw lang ang umunawa at nagtake time para
kausapin ako… tas yung mga ipinakita mong kabutihan sa akin nung
nandito na ako sa Maynila… hmmm tas yung nakatulog ka sa bahay… yung
time na pinahiga mo ako sa bisig mo hanggang sa nagising akong
nakayakap pa rin sa yo… kuya, sa akin pagmamahal iyon eh," tuluy-
tuloy na sabi ni Rex sa kanya.
Di agad nakakibo si Junard sa narinig. Tinapos muna niya ang kinakain
at saka uminom. Hindi niya inakala na ang pagiging mabuti at
maasikaso kay Rex ay iba ang dating sa kaibigan. Para sa kanya ay
pagmamahal kaibigan iyon at talagang ganon siya sa kahit sinong
nakakausap o nakikilala niya. Ngayon ay naguguluhan siya kung paano
ipaliliwanag sa kaharap ang katotohanang iyon. Ayaw niyang muling
bumalik sa pagka-depressed si Rex at baka magulo lang ang paghahanap-
buhay nito. Tinatantya niya ang mga salitang bibitawan dito.
"Rex, hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa ipinagtapat mo
sa akin," panimula niya. "Unang-una kung anuman ang ipinakita ko sa
iyo ay sa dahilang ganon talaga akong tao… ahhh kahit itanong mo pa
kay Alice ay ganun din ang sasabihin niya sa iyo… hmmm ganun talaga
ako sa mga kaibigan. Di lang ikaw ang nakapansin ng pagiging magiliw
at maaalalahanin ko… kaya di mo dapat ipag-akala na iba ang dating
nun," mahaba-habang sabi ni Junard kay Rex.
"Pero bakit… ano yung pagyakap at paghalik mo sa akin, kuya… Junard?"
balik tanong ni Rex na ngayon ay nangingilid na ang luha sa mga mata.
"Yun ba? hehehe di ba magkapatid turingan natin? Kaya kita niyayakap
bilang pagmamahal sa isang nakababatang kapatid, Rex," paliwanag nito.
"Yun lang ba talaga? Dahil kapatid ang turing mo sa akin? Wala nang
iba? ha Junard? Ganun lang? Akala ko pa naman," nagsisimula nang mag-
histerikal si Rex dahil sa narinig mula kay Junard.
"Rex! Rex! Makinig ka sa akin, wag kang ganyan."
"Ano pa dapat kong marinig? OK, sige, alam ko na… akala ko mahal mo
rin ako kaya ganyan ka, huhuhuhuh" at tuluyan nang bumigay si Rex.
Umiyak na ito.
Nataranta si Junard at di alam kung anong gagawin. Bigla siyang
tumayo at niyaya si Rex na lumabas na sila. Nagtitinginan na ang
ibang mga kumakain, nagtataka kung bakit biglang nag-iiyak ang kasama
ni Junard. Sa umpisa'y ayaw pang tumayo ni Rex at inaalis ang kamay
ni Junard sabay sabing "iwan mo na lang ako." Pero nagmatigas si
Junard at halos hilahin na si Rex papalabas ng restoran. Dinala niya
ito sa restroom at sinabihang mag-ayos ng sarili. Nang matapos ang
pag-aayos ay lumabas na sila at sumakay ng taksi. Sinabi ni Junard na
sa may Pag-Asa sila. Walang imikan ang dalawa habang binabagtas ang
kahabaan ng EDSA. Patuloy ang paghikbi ni Rex at panay-panay din ang
hingi ng sorry dahil sa eskandalong nagawa niya kanina. Panay naman
ang alo ni Junard sa kanya at sinabing "It's ok, I understand."
Nagulat pa ang tiyahin ni Rex nang pagbukas ng pinto ay makita sina
Junard at Rex. Tinanong niya kung ano ang nangyari at sinabi na lang
ni Junard na nahihilo ang kaibigan at minabuti niyang ihatid ito
pauwi. Nagpaalam si Junard na iaakyat niya si Rex sa kwarto at
aayusin lang nito at uuwi rin siya.
Nang nasa loob na ng kwarto ay muling umiyak si Rex at paulit-ulit na
sinasambit ang "mahal kita kuya… mahal kita." "Shhh alam ko, sige,
mahal din kita, tama na, tahan na at baka marinig ka pa ng auntie
mo," ang pag-aalo namang sabi ni Junard para tumigil na ito.
Tumingin nang diretso si Rex kay Junard at parang inaarok ang
katotohanan sa sinabi nito. Walang imikan silang nagkatinginan.
Tanging mga mata lamang nila ang nag-uusap. Kay Rex ang paghingi ng
pang-unawa sa kanyang nadarama, si Junard ang pagbibigay assurance
kay Rex na hindi niya ito pababayaan.
Hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi at yumakap na nang tuluyan
si Rex kay Junard…
Kabanata 4
Isang buwan na ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagtatapat ni
Rex ng tunay niyang nararamdaman kay Junard. Sa loob ng kwarto habang
umiiyak si Rex ay nangyari ang di-dapat mangyari. Nang maglapat ang
kanilang mga labi ay nagkaroon ng lakas ng loob si Rex na gawin ang
matagal na niyang nais gawin kay Junard. Sa kabilang dako, dahil na
rin sa matagal-tagal nang hindi nakakaniig ni Junard ang asawa ay
nadarang na ito at bumigay sa mga advances ni Rex. Hindi iyon natapos
sa ganon lamang. Ilang beses na naulit pa ang mga naganap sa kwartong
iyon.
At ngayon nga ay pangatlong buwan na mula nang mangyari ang eksenang
iyon. Narito sila ngayon sa loob ng isang motel at nagseselebra ng
kanilang 3rd monthsary. Maligayang-maligaya si Rex dahil sa mga
nangyayari sa kanila ni Junard.
"Kuya, thank you so much. I love you and lahat gagawin ko para maging
maligaya ka sa piling ko," ang sabi niya habang panay-panay ang halik
niya kay Junard.
"Ewan ko, Rex, hindi ako alam kung ginayuma mo ako o kinulam at bakit
ako naging sunud-sunuran sa iyo," pabirong sagot naman ni Junard.
"Hmmm ginayuma, kinulam… magtigil ka nga dyan kuya. Sabihin mo mula
nang matikman mo ang milagrosa kong mga kamay at dila, hinanap-hanap
mo na ako, hehehe," panunuksong sabi ni Rex sa kanya.
"Ah ganon, hinanap-hanap pala ha," at hinila siya ni Junard at saka
pinupog ng mga maiinit na halik sa leeg at tenga nito.
"Ayyyy ano ba kuya, wag dyan, nakikiliti ako, eeeeehhhh kuya, wag
sabi, eeeehhhhh!!!" ang tiling may halong kilig ni Rex.
"Langya ka, lakas mong tatawag ng kuya eh ilang beses na kitang
tinitira, ahahahah," at muli ay pinupog ni Junard ng halik si Rex.
Para silang mga batang naglalaro sa ibabaw ng kama. Nanduong si
Junard ang nasa ibabaw ni Rex at nilalapongga ito, o kaya naman ay si
Rex ang nasa ibabaw ng katawan ni Junard at ito naman ang nilalaro.
Hanggang mapagod sila at hingalin dahil sa paglalandian nila.
Abut-abot ang hingal ng dalawa nang magkatitigan ulit. Isang
mahinang "I love you, kuya," ang sinabi ni Rex sabay halik sa labi ni
Junard.
"I love you too, bunso," sagot naman ni Junard.
At muli ay naglapat ang kanilang mga labi habang isa-isa nilang
hinuhubad ang kani-kanilang mga kasuotan. Maluluma ang mga performers
sa isang xxx-rated movie na pang m2m sa mga ginagawa nina Junard at
Rex.
Sa tuwing narito sa loob ng kwartong ito ay wala ang mga agam-agam
nila sa buhay. Para sa kanila ay ang kasiyahan lamang ng bawat isa
ang mahalaga. Lalo na kay Rex… ang kapakanan ni Junard ang pinaka-
importante sa relasyon nilang ito. Alam niyang malaki ang pagkukulang
ni Alice kay Junard at siya ang pumupuno sa mga kakulangang ito. Todo-
bigay ang pagpapaligaya ni Rex kay Junard. Alam niya kung ano ang
gustung-gusto nito—ang kainin niya ang naghuhumindig nitong sandata
hanggang sa hilahin siya pataas at halikan ng todo sa labi. Habang
hinahalikan siya ay unti-unti naman siyang itatagilid at saka siya
papasukin nito sa kanyang lagusan. Hanggang duon na ito sumabog sa
kaloob-looban niya. Damang-dama ni Rex ang pagmamahal ni Junard sa
mga ganitong pagkakataon.
Hindi mahalaga kay Rex kung hindi reciprocated ang ginagawa niyang
pagpapaligaya kay Junard. Para sa kanya ay masaya siyang makita na
nakaraos ang pinakamamahal na lalaki. At iyon ang bentahe niya kay
Alice. Marami na ring nasabi si Junard na hindi ginagawa sa kanya ni
Alice ang mga bagay na ngayon lang niya natitikman.
Halos ayaw na nilang umuwi at matapos ang gabing ito. Pero kailangan
nilang harapin ang katotohanan—pamilyadong tao si Junard. Hiram
lamang ang mga sandaling tulad nito para sa kanila. At lalong alam ni
Rex na kahit kelan ay isa lamang siyang kabit, isang lalaking kabit
ni Junard.
Patuloy ang kanilang pagkikita at pagnanakaw ng mga hiram na sandali.
May mga pagkakataong sinasabi ni Junard na naghihinala na si Alice sa
gabi-gabi niyang pag-uwi. Paminsan-minsan ay tinatanong din ni Junard
si Rex tungkol kay Jovi. Sinasabi naman nitong patuloy pa rin ang
exchange of emails at text messages nila. Nangungumusta nga raw ito
tungkol sa kanya dahil nabanggit na rin siya ni Rex dito.
"Hindi ka ba nagi-guilty sa ginagawa natin?" minsan ay naitanong ni
Junard kay Rex.
"Ikaw ba? Ako hindi. Wala akong makitang dahilan para maging guilty.
Sa akin mahal kita at kung anuman ang ginagawa natin ay isang proof
lang ng pagmamahal ko sa yo," ang paliwanag naman ni Rex sa kanya.
Pagka naririnig ni Junard ang mga ganitong pananalita kay Rex ay
hindi niya maisip na bakit sa kabila ng pagiging bata nito ay napaka-
matured na mag-isip. Yayakapin na lang niya nang mahigpit si Rex at
saka masuyong hahalikan sa noo.
Kabanata 5
Isang taon na ang matuling lumipas at patuloy pa rin ang relasyon
nina Rex at Junard. Hanggang sa isang masamang balita ang nagpagulat
kay Junard.
Sabay na kumakain silang muli ng pananghalian nang may sabihin si Rex
sa kanya.
"Kuya, me bad news ako sa yo," panimula ni Rex dito.
"Hmmm bakit ano yon?" kunot-noo namang tanong ni Junard.
"Dumating na si Jovi at gusto niyang magsama na kami dahil dito na
rin daw siya magtatrabaho," muling sabi ni Rex.
"Ganon ba? So ano ang gusto mong mangyari?" halata ang pagkabigla kay
Junard.
"Kuya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal kita at hindi ko
kayang mawala ka sa buhay ko."
"At si Jovi paano siya? Alam ko namang siya talaga ang unang lalaking
minahal mo."
"Pero kuya, alam mong ikaw ang tunay kong mahal. Ano gagawin ko?"
"Rex, mahal din kita pero hindi ko gustong may madamay pang ibang tao
sa ginagawa nating kasalanan. Mas magiging maligaya ka kay Jovi dahil
wala kang kaagaw sa kanya. Samantalang ako, alam mong nandyan ang ate
Alice mo at kahit kelan ay magiging hiram lang ang mga sandali natin."
"Kuya, please, ayaw kong mawala ka sa buhay ko," pagsusumamo ni Rex
kay Junard.
"Hindi naman ako mawawala sa iyo eh. Kung me mababago man iyon ay ang
pagkakataon nating magkasarilinan. Andito pa rin ako, ok?"
Nangingilid na naman ang luha ni Rex at hindi nya talaga kayang
bitiwan ang pakikipagkita kay Junard. Dahil sa pangamba ni Junard na
baka maghisterikal na naman si Rex ay minabuti niyang kausapin ito ng
sarilinan. Pagkatapos kumain ay tumawag siya sa opisina at sinabing
half-day na lang siya at may emergency lang. Si Rex ay ganon din ang
ginawa at ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng taksi at patungo
sa isang motel.
Nang nasa loob na sila ng motel ay abut-abot ang paliwanagan nina Rex
at Junard tungkol sa mga mangyayari sa kanila sa mga susunod na
araw. "Dahil nga sa pagdating ni Jovi, magiging iba na ang
pakikitungo ko sa iyo," ang paliwanag ni Junard kay Rex. "Siguro
balik tayo sa pagiging kuya-bunso. Hindi na tulad ng ganito."
"Pero kuya, please naman. Ayokong mawala ka sa akin."
"Hindi nga ako mawawala sa yo, Rex. Andito pa rin ako. Maiiba lang
ang takbo ng buhay natin. Kung dati-rati nagagawa natin ang tulad ng
sa isang mag-asawa, ngayon hindi na. Balik tayo sa pagiging barkada
na lang."
"Yun nga ayaw ko eh. Ayaw kong barkada lang tayo. Gusto ko tayo,
tayo!!!" nagsisimula nang sumigaw si Rex. "Mahirap bang intindihin
yon? Ikaw ang gusto ko?!!! huhuhu"
Niyakap ni Junard si Rex para tumigi ito sa pagsigaw at pag-iyak.
Damang-dama niya ang paghihirap ng loob nito at wala siyang magawa.
Oo, inaamin ni Junard sa tagal ng pagiging magkasama nila ni Rex at
ang mga hiram na sandaling tulad ng ganito ay natutunan na rin niyang
mahalin ang nakababatang kaibigan. Hindi nga ba't sa umpisa ay parang
laro lamang ang lahat ng Junard… si Rex ang tugon sa kakulangan ng
kanyang asawa. Subalit kahit wala ang mga ginagawa nilang pagniniig
ay ipinakita ni Rex na talagang kaya niyang magdala ng relasyon at
iyon ang ikinalulungkot ni Junard. Alam niyang kung puputulin nila
ang pakikipagkita sa isa't isa ay hahanap-hanapin niya ang mga bagay
na nakagawian na nila.
"Rex, oo, inaamin ko mahirap para sa akin ang malamang dumating na si
Jovi at iyon ang magiging hudyat ng paghihiwalay natin. Pero aminin
man natin at hindi, walang kahahantungan ang relasyon natin. Me asawa
ako, me nobyo ka. Tama ba na ipagpatuloy natin ang mga panakaw na
pagkikita, ang mga hiram na sandali dahil mahal natin ang isa't isa?"
ang pagtatanong ni Junard kay Rex.
"Kuya, pano ako? Ibinigay ko ang lahat-lahat sa yo? Unawain mo naman
ako, please naman kuya. Ok na sa akin ang ganon huwag ka lang mawala
sa buhay ko, please kuya, huhuhu!" pagmamakaawa ni Rex.
Dahil sa inaasal ni Rex ay hindi na rin nakaya pa ni Junard ang
kanyang sarili at niyakap niya nang mahigpit ito at hinalikan nang
buong suyo. Sa isip ni Junard sa kahuli-hulihang sandali ay ipadarama
niya ang kanyang pagmamahal kay Rex. Kahit man lang sa huling hiram
na sandaling ito ay maibalik ni Junard ang lahat-lahat ng
sakripisyong ginawa ni Rex para sa kanya.
Ngayon nga ay nakahiga na silang dalawa sa ibabaw ng kama at panay pa
rin ang halikan. Parang ayaw na nilang magkalayo pa ang mga labi nila
sa isa't isa. Panay din ang pagdama ng kanilang mga kamay sa katawan
ng bawat isa na para bang minememorya ang bawat bahagi nito. Nasa
kainitan sila ng pagroromansa ng may ibulong si Junard kay Rex na
ikinabigla nito.

"Bunso, pasukin mo ako," bulong ni Junard kay Rex.
"Kuya? Anong sinasabi mo?" takang sabi ni Rex dito.
"Gusto kong ibalik sa yo ang pagkakataong ipadama ang madalas mong
ibigay sa akin," walang kagatul-gatol na sabi ni Junard.
"Kuya, baka nabibigla ka lang. Di ba ayaw mo ang pinapasok ka. Kahit
kailan di ka pumayag sa pakiusap ko, di ba? Bakit ngayon? Anong
dahilan kuya?" sunud-sunod na tanong naman ni Rex sa kanya.
"Sige na, bunso. Pasukin mo ako. Gusto kong maranasan mo ang matagal
mo nang hinihiling sa akin," may ngiting sabi nito.
"Kuya, natatakot ako…" sabi naman ni Rex habang nakatitig kay Junard.
Imbes na sumagot pa si Junard ay itinaas na nito ang kanyang paa
tanda na handang-handa siyang isuko kay Rex ang kanyang pagkalalaki.
Sa kahuli-huling hiram na sandali ay ibibigay na ni Junard ang
kanyang pagkalalaki sa taong natutuhan na niyang mahalin. Ito ang
pinakamabigat na desisyong kanyang isasagawa. Hindi madali para sa
isang tulad niya ang pasakop sa kahit kanino. Subalit dahil sa
pagmamahal na iniuukol niya kay Rex ay handa niyang tanggapin ang
pagsukong ito.
Ayaw man ni Rex ay parang namalik-mata siya nang makita ang kumikibut-
kibot na butas ng pwet ni Junard. Para bang inaanyayahan siyang
hawakan at laruin ang pinakasentro nito. Muli niyang tinitigan si
Junard at nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito. Kaya habang
bumababa ang katawan niya patungo sa bahaging iyon ay hindi niya
inaalis ang tingin sa mga mata ni Junard.
Si Junard naman sa kabilang banda ay panay ang tungo ng ulo na para
bang sinasabing "sige na, ituloy mo na." Isang mahabang buntung-
hininga ang pinawalan ni Junard nang maramdaman ang pagdampi ng palad
ni Rex sa kanyang kaibuturan. Maya-maya pa ay isang daliri nito ang
naglaru-laro sa paligid ng butas niya. Napakagat-labi si Junard nang
maramdaman ang mainit na palad ni Rex na pilit na pinaghihiwalay ang
pisngi ng kanyang pwet para magkaroon ito ng mas malayang
pagkakataong malaro ang pinakabutas niya.
Damang-dama ni Junard ang kiliti nang isang masuyong halik ang
ipadama ni Rex sa kanyang butas. Napaangat ang pwetan niya nang
patigasin ni Rex ang dila niya at saka ihaplos ito sa pinakabutas,
habang patuloy ang pagmasahe sa magkabilang pisngi ng pwet niya.
Parang pinsel ng isang dakilang pintor ang dila ni Rex sa paghagod sa
pwet ng lalaking minamahal. Halatang wala pa kahit sino ang nakagalaw
sa pwet nito at natutuwa siya sa pagkakataong ibinigay ni Junard na
siya ang kauna-unahang lalaking papasok sa kaloob-looban nito.
Nang muling umahon si Rex sa ibabang bahagi ng katawan ni Junard ay
iniabot nito sa kanya ang tube ng lubricant at saka sinabing "sige
na, bunso, ihanda mo na ako."
Kinuha ni Rex ang lube at saka nilagyan ang kanyang kamay. Nilagyan
niya ang pang-gitnang daliri at saka ito itinutok sa butas ng pwet ni
Junard. Nang ipilit niyang ipasok ito sa masikip na butas ay
naramdaman niyang napaigtad si Junard at napahawak sa kanyang
balikat. "Dahan-dahan, bunso, masakit," ang daing ni Junard. At ganon
nga ang ginawa ni Rex. Nang maipasok niya ang ito ay huminto muna
siya at tinanong si Junard kung ano ang
nararamdaman. "Nakakapanibago. Mahapdi at parang me pumasok na
kahoy," ang sabi ni Junard.
"Ganon talaga, kuya," ang nakangiting sabi ni Rex. "Masasanay din ang
pwet mo maya-maya."
"Hmmm sana nga, bunso, sana nga."
Hinugot muli ni Rex ang daliri at saka nilagyan ng mas maraming
lubricant. Sa ikalawang pagkakataon ay ipinasok niya ito sa butas ng
pwet ni Junard. Muli ay napa-sipol si Junard dahil sa hapding nadama.
Ilang sandali muna ang hinintay ni Rex bago ginalaw ang kanyang
daliri sa loob ng pwet ni Junard. At muling inilabas. Dagdag pang
muli ng lubricant. Ipinasok. Ginalugad ang loob. Inilabas. Sa bawat
sandaling ginagawa ito ni Rex ay tinitingnan niya ang reaksyon ni
Junard. Subalit habang tumatagal ay nasasanay na rin si Junard na may
kumikiwal-kiwal na kung ano sa kanyang pwet at nakukuha na niyang
ngumiti.
Nang sa tantya ni Rex ay madulas na madulas na ang butas nito ay
nilagyan niya ang kanyang sariling sandata at saka sinabihan si
Junard na sa ilang sandali ay papasukin na niya ito.
Lakas loob na kinaya ni Junard ang pagpasok ni Rex. Noon lang niya
nadama ang hirap na dinadanas pala ni Rex sa twing pinatungan niya
ito at noon lang niya naunawaan ang laki ng sakripisyong ginagawa ni
Rex. Para siyang hinihiwa… kinakatay… Mahapdi… Makirot… Masakit...
Ngunit titiisin niya alang-alang sa lalaking iniibig. Napayakap
siyang lalo sa binata at saka sinabi dito ang mga katagang, "Mahal na
mahal kita Rex" sabay halik sa mga labi ng lalaking ngayon ay
naglalabas-masok sa kanyang kaibuturan.
Matapos ang maalab na romansa, kapwa nakahubad pa rin ang dalawa at
walang imikan. Naisipan ni Junard na buksan ang TV at manood.
Eksaktong paglipat ng channel ay papatapos ang isang lumang pelikula
ni Vilma Santos at kinakanta ang theme song nito habang pinapakita
ang credits.
Di ba't ako'y tao lang
na nadadarang at natutukso rin
maiaalis mo bang sa 'kin
ang matutuhan kang mahalin
sa bawat sandaling
hiram natin…
Muling nagkatinginan ang dalawa na para bang tinatanong kung ano ang
kahihinatnan ng kanilang relasyon.
Si Junard na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanilang
dalawa.
"Rex, nakapagdesisyon na ako. Ito na ang huling pagkikita natin.
Maaaring sabihin mo na ginamit lang kita at nang makuha ko na ang
gusto ko ay hahayaan ko na lang na maghiwalay tayo. Wag mong isipin
iyon. Mahal kita at alam kong mahal na mahal mo ako. Lamang, mabuti
nang harapin natin ang katotohanan. Asikasuhin mo si Jovi at ako
naman ay aayusin ko na ang gusot sa aming mag-asawa. Hangad ko ang
kaligayahan mo sa piling ni Jovi," ang mahabang pahayag ni Junard sa
mangiyak-ngiyak na si Rex.
"Kuya, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? Kahit hiram
payag na ako kuya, please… Ok na sa akin kahit minsan sa isang buwan…
or kahit wala na itong ganito, wag mo lang akong iwan, please kuya,"
ang pakiusap ni Rex at tuluyan na itong umiyak.
"Rex, Rex, wag mong pahirapan ang sarili ko, please. Tama na. Ito na
ang huli nating pagkikita at magkanya-kanya na tayong buhay."
Pagkasabi nito ay tumayo na si Junard at iinot-inot na nagtungo ng
banyo at naligo at inayos ang sarili. Nang lumabas ay nangitang
nakahiga pa rin si Rex at patuloy sa pag-iyak. Hindi na niya pinansin
iyon at nagpatuloy na lang siya sa pagbibihis. Nang makapagbihis ay
tinanong niya kung paiiwan pa ang binata at mauuna na siya o ano ang
balak nito. Padabog na tumayo si Rex at tinungo ang banyo. Naligo rin
at inayos ang sarili.
Nag-check out sila at nang nasa bandang EDSA na ay pinahinto ni
Junard ang taksi sa isang kanto at nagpaalam na nang tuluyan kay Rex.
Kabanata 6
Lumipas ang maraming taon na walang naging communication sina Rex at
Junard. Matapos ang kanilang kahuli-hulihang pagniniig dahil sa mga
pangyayaring ayaw nilang talikuran, minabuti ng dalawa na putulin ang
ugnayan at magkanya-kanyang buhay.
Si Rex ay nakisama na kay Jovi. Subalit hindi rin nagtagal ang
kanilang pagsasama dahil madalas uriratin sa kanya ni Jovi ang naging
kaugnayan niya kay Junard. Hindi matanggap ni Jovi na sa kabila ng
pagiging tapat niya dito nuong mga panahong naiwan siya sa kanilang
probinsya ay nagawa pa ni Rex na makisama at makipagtalik kay Junard
na ang pagkakaalam niya ay pamilyadong tao bukod pa sa turing nga
nito ay kuya ni Rex. Iyon lang naman ang nagiging ugat ng pagtatalo
nilang dalawa. Kaya makalipas ang anim na buwan ay sinabi ni Rex na
mas mainam pang tigilan na lang nila ang ganitong buhay at
makabubuting kalimutan na lang nila ang isa't isa. Nagmamalaki namang
sinabi ni Jovi na wala nang seseryoso pa kay Rex dahil ipagkakalat
niya ang naging buhay nito noon sa kanilang probinsya at ang
pakikipag-mabutihan niya sa isang pamilyadong tao. Lumayas ito sa
kanilang tinutuluyan dala ang lahat ng mga gamit.
Samantala si Junard naman ay ipinagpatuloy ang buhay sa piling ng
kanyang maybahay. Matagal na niyang hinihingi dito ang pagkakaroon
nila ng baby dahil nga sa di na rin naman sila mga bata pa at sa
palagay niya ay mas mahihirapan ang kanyang asawa kung patatagalin pa
ang pagbubuntis. Isang taon makaraan ang paghihiwalay nila ng landas
ni Rex ay nabuntis ang kanyang asawa at laking tuwa ni Junard. Sinabi
niyang makikita na rin niya ang produkto ng kanyang dugo. Ngunit ang
hindi sinasabi ng kanyang misis ay ang kaselanan ng pagdadalangtao
nito. Kung tutuusin ay nuon pa talaga nito nais na mabigyan ng anak
si Junard lamang ay talagang mahina ang kanyang puso. At alam ito ng
kanyang doktor ngunit pinakiusapan niyang huwag munang sabihin kay
Junard ang katotohanan sa likod ng kanyang pagbubuntis.
Dumating ang oras ng kapanganakan ni Alice at bandang alas-10 ng gabi
ng itakbo ito sa ospital. Tinawagan na rin agad ang kanyang OB.
Makalipas ang ilang oras ay kinausap ng doktora si Junard at dito
ipinagtapat ang lagay ng kanyang misis. Dalawa lamang ang maaaring
mangyari: mabubuhay si Alice pero patay ang bata, o mabubuhay ang
bata pero 50-50 ang chances ni Alice. Sinabi ni Junard na gawin ng
doktora ang lahat ng kanyang nalalaman para mabuhay ang dalawang
nilalang na mahal na mahal niya. Hindi maipangako ng doktora kung ano
ang kalooban ng Dios kaya sinabi niyang lakasan ni Junard ang loob at
ipanalangin ang kanilang kaligtasan.
Lalaki ang naging anak nina Junard at Alice. Subalit gaya nga ng sabi
ng doktora ay 50-50 ang chances na mabubuhay si Alice. Depende na
iyon sa kagustuhan ni Alice na lumaban kay kamatayan. Itinakbo kaagad
si Alice sa ICU para malapatan ng kaukulang atensyon. Ang bata naman
ay inilagak agad sa nursery para papagyamanin ng mga mag-aalaga duon.
Hindi rin nagtagal ang buhay ni Alice. Marahil ay ito talaga ang
itinadhana ng Maykapal—ang maibigay kay Junard ang kanyang kahilingan
na magkaroon ng anak at nagawa naman ito ni Alice. Halos mapasigaw si
Junard nang makita ang kanyang asawang wala nang buhay. Muli ay
tumimo sa kaisipan ang awiting HIRAM na para bang ipinahiram lang sa
kanya ng Dios si Alice upang ipadama dito ang kahulugan ng pag-ibig
na wagas at ang pagpapaubaya makamtan lamang ang minimithi. Maayos na
nailibing ang bangkay ni Alice at sinikap ni Junard na palakihin ang
anak sa tulong na rin ng kanyang mga magulang.
Sampung taon na ang nakalilipas at binatilyo na ang anak ni Junard.
Dahil sa Christmas vacation naman ay minabuti niyang duon na muna ang
anak sa kanyang mga lola at susunduin na lamang sa Bisperas ng Bagong
Taon. Nakaugalian na nilang mag-ama ang salubungin ang pagdating ng
Bagong Taon sa libingan ng namayapang asawa.
At sa mga ganitong pagkakataon na nag-iisa si Junard sa kanyang
tahanan ay naaalala niya si Rex. Kumusta na kaya ito? Ano na kaya ang
naging buhay nila ni Jovi? Sana ay masaya silang nakapamumuhay sa
piling ng isa't isa. Mula nang maghiwalay ang landas nilang dalawa ay
hindi na muling nakipagmabutihan pa si Junard sa kapwa lalaki. Si Rex
ang kahuli-hulihang lalaking nakaniig niya at ito rin ang kauna-
unahang lalaki nakapasok sa kanyang lagusan.
December 24. Half day halos lahat ng mga empleyado sa Makati para may
oras pa raw sa paghahanda ng Noche Buena. Si Junard naman ay nagpunta
sa Odyssey Records sa may Glorietta at naghahanap ng "Reunion" album
ng Peter, Paul and Mary. May nakita siyang CD nito at binabasa niya
ang mga nakapaloob na awitin nang may isang boses sa kanyang likuran
ang nagsalita.
"Di ka pa rin nakakalimot sa grupong iyan ano, kuya?"
Laking gulat ni Junard nang sa paglingon niya ay makita niya si Rex,
nakangiti. Tulad ng dati ito ay nakasalamin pa rin. Medyo tumaba nga
lang at mas nagka-edad. Bigla na lang siyang niyakap nito at panay
ang sabi ng, "I miss you so much, Kuya." Paulit-ulit. Naglilingunan
na ang ibang mga taong nasa paligid nila kung kaya't pilit humiwalay
ni Junard sa pagkakayakap dito. Nagkatinginan silang muli at
nagkamustahan. Kahit may mga luha ang kanilang mga mata ay
nagkatawanan sila. Binili ni Junard ang CD at saka sila lumabas ng
record bar.
Tulad ng dati ay magkahawak kamay silang naglakad sa mall hanggang sa
dumating sila sa MRT station. Ngayon ay iisang platform na lang ang
tinungo nila at sabay silang sumakay sa train. Pagbaba sa Pasay
Rotunda ay sumakay silang byaheng pa-Nasugbu.
Nag-iisa si Junard sa kanyang tahanan. Wala ang kanyang anak.
Isinalang ang CD at pinatugtog. Nagkatitigan muli ang dalawa at
pawang mga mata lamang ang nangungusap. Yumakap si Rex kay Junard at
muling ibinulong ang kanila pa niya paulit-ulit na sinasabi dito… "I
miss you so much, Kuya. I miss you so much."
Hindi na nagkalas ang kanilang pagkakayakap. Sa saliw ng awitin ng
PPM sa kanilang Reunion album ay naghalikan ang dalawa. Hindi na
tulad ng dati. Hindi na ito HIRAM na mga sandali. Malaya na silang
ipadama ang kanilang pag-ibig sa isa't isa.
Malamig ang simoy ng hangin… ilang oras na lang ay isisilang na ang
sanggol sa sabsaban. Alay ng Dios sa sangkatauhan…
Sa loob ng silid-tulugan, magkayakap sina Rex at Junard. Pumailanlang
sa hangin ang tinig ni Mary Travers…
Like the first time
Only better
We're a song that must be sung together
Like the first time
Only this time
It would be forever
In love….
--wakas--
postscript: habang sinusulat ko ang kwentong ito ay hindi ko pa rin
maisip na magbabago ang pananaw ko sa buhay. madalas kong sabihin sa
aking sarili na ang relasyong lalaki sa lalaki ay hanggang kama
lamang, kumbaga ay nakasentro sa aspetong sekswal. subalit sa mga
nangyayaring bago sa aking buhay ay nagkakaroon na ako ng malinaw na
idea that friendship if nurtured and cared for can develop and grow
into love… I smiled…
No comments:
Post a Comment