PARA SA BABY KOkwento ni skipper
Hindi ko alam kung kailangan pa nga bang ibahagi ang kwento ng aking mga karanasan at pinagdadaanang sakit, hirap at pagdurusa. Sa lahat ng mambabasa ng knyg, gusto ko lang pong iparte sa inyo ang ilang bahagi ng kwento na totoong nangyare sa buhay ko...
Maayos naman akong pinalaki ng aking mga magulang. Masasabi kong hindi kami salat. Medyo angat pa nga kami kumpara sa ibang pamilya pero hindi naman kame ganoong kayaman. Tama lang ang sinasahod ni ermat sa pagiging semi-gov't employee sa isang pamantasan sa lungsod ng Maynila at si erpat nama'y isang maglalaot. Kahit papaano, naibibigay din naman ng aming mga magulang ang pangangailangan naming magkakapatid pero hindi namin ginagawang rason 'yon para maging maluho kame sa anumang bagay na mayroon na kame. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, si big bro (na aking tinitingala at iniidolo) at si li'l sis (ang pinakamamahal na bunso), lumaki at nagkamalay sa Sta. Mesa at bumalik ng Cavite (ang bayan na sinilangan ni ermat, ang bayan ng aming kapanganakan) nang naisipang mag-retire sa trabaho ni ermat.
Ako, kahit papaano nama'y masasabi kong may hitsura, may tindig, may dating at may angking talino kaya siguro ang tingin sa akin ng marami ay maangas, mayabang at suplado. Kuntento na ako sa aking buhay. Ang buong akala ko'y mabubuhay na akong tahimik at payapa ng walang anumang malaking problemang mararanasan. 1st year college, 2nd sem ng una kong maranasan ang isa sa aking mga pasanin. Blackmailed by my male professor, dahil "nawala" daw ang final exam papers ko sa Spherical Trigonometry. Ayoko nang umulit ng exam at lalong ayaw kong umulit ng subject dahil tiyak maiiwanan ako ng blockmates ko at siguradong mawawala din ang scholarship ko sa Rotary Club (chapter withheld). "Kwatro o kwarto?" 'yun ang binitawan nyang salita na ikinabigla ko. Natigilan ako ng matagal. Parang napako ang katawan ko sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung tama ba ang narinig ko galing mismo sa kanyang bibig. Inulit nya, "kwatro o kwarto, pag-isipan mo" Galit akong lumabas ng kwarto. Gulong-gulo ang isip ko. Taenang professor yun may itinatago palang kabaklaan sa katawan. Balitang chickboy dahil ang pagkakaalam ko'y may girlfriend na estudyante 'yun. 'Yun pala chick boy, pwede sa chick pwede sa boy. Hayup!
Akala ko'y kwentong barbero lang ang "kwarto o kwatro" na matagal ko nang naririnig nung unang pasok ko pa lang sa college. Taena sa akin pala mangyayari yun! Hindi ko alam kung kanino ako magko-confide o kung kailangan pa nga bang sabihin ang ganung bagay sa ibang tao.
Ang una kong naisip, paano kung isumbong ko sa dean? Siguradong malaking gulo at ayoko ng gulo sa buhay! Paano din kung hindi naman ako paniwalaan at bagkus kampihan pa ang demonyong baklang prof na 'yun? Ako pa ang lalabas na masama. Malaking kahihiyan, ayoko ng nasa spot light. Pangalawa, paano kung tanggapin ko na lang ang incomplete grade? O ipa-withdraw ko na lang kaya? Hanggang maisip ko na "regaluhan" na lang sya ng ibang pwedeng makapagbigay ligaya sa kanya. Kinapalan ko na ang aking mukha makahanap lang ng katawan na pwedeng ipanregalo sa kanya. Ano bang muwang ko sa mga bagay na ganun? Isang disisyete anyos na nakikipagsapalaran sa Maynila? Nagtanung-tanong pa ako sa mga baklang nakilala kahit pagtaasan pa nila ako ng kilay wag lang malaman ang totoong dahilan ng aking paghahanap. Hanggang makahanap ako at ibinigay ko kay prof. May nangyari sa kanila at abswelto na ako, 'yun ang nasa isip ko! Pwede na kahit naubos ang allowance ko at nanghingi pa ng extrang pera kay erpat.
Nang kukuhanin ko na ang grade ko, nagpasama talaga ako sa kaklase ko. Kasehodang anu man ang mangyare basta may kasama ako. Pero mautak ang gago, inutusan ang kaklase ko na bumili ng kung anu-ano sa main campus (annex ang bldg namin). Nung wala na ang kaklase ko bigla syang lumapit sa akin, kinwelyuhan ako sabay sabi sa pagmumukha ko na hindi daw sya tanga at hindi ko daw sya maiisahan. Bigla, hindi ako naka-react sa nangyari dahil hindi ko naanticiapte na 'yun ang gagawin nya. Natigilan na naman ako. Hanggang sa paghahalikan na nya ako sa labi, sa pisngi, sa leeg. Panay ang ilag ko pero dahil sa noo'y may kaliitan pa ang aking katawan at sya ay malaking mama din naman, wala akong kalaban-laban. Hanggang maisalya nya ako sa upuan. Patuloy pa rin ang aking pag-iwas pero wala ring nangyari. Naibaba ang zipper ng aking pantalon at pinabayaan na lang mangyari ang hindi dapat nangyari.
Diring-diri ako sa sarili ko pagkatapos. Kahit ilang ligo ang gawin ko, parang nakadikit pa rin ang amoy ng professor ko sa katawan ko. Naging magagalitin ako, mainitin ang ulo at laging walang kibo. Ilang buwan din akong naging ganun. Pinilit kong kalimutan ang nangyare pero hindi pala madaling gawen. Hanggang magka-gf ako. Bumalik ang dati kong sigla. Medyo "nag-iba" ang takbo ng buhay ko at naging aktibo ulit sa aktibidades ng eskwelahan. Pati na rin ang sekswal na aktibidad ko. Sa murang edad na beinte lahat na-try na naming dalawa. Pero ayoko ng bini-bj ako. Gawen na ang lahat 'wag lang 'yun dahil naalala ko ang nangyare sa akin sa kamay ng hayok na professor ko.
After 5 years, naka-graduate ako bilang engineer. Dahil na rin sa tyaga at gusto ko rin namang maipagmalaki ako ng aking mga magulang. Gusto ko rin kasing magkaroon ng destinction sa aking pamilya, sa aming angkan. Hindi lang basta isa sa mga anak ng mga Ruiz'. Si big bro, unang anak, unang lalaking anak, unang apo, unang lalaking apo. Si li'l sis, bunso, nag-iisang anak na babae, ang pinakamaganda sa pamilya. Ako, isa sa mga anak ni ermat at ni erpat. Ganun lang. Laging ganun lang. At least, ngayon, sino ako? Ako lang naman ang nag-iisang anak ni ermat at ni erpat na Engineer. Pwede na 'yun 'diba?
Pinili kong makipagsapalaran sa Cavite. Makakuha ng experience para sa susunod na hakbang ay makapangibang bayan din tulad ng karamihan na nangangarap ding umunlad ang buhay. Nagbilang din ako ng gf, hindi naman sa pagmamayabang. Hanggang makilala ko ang pinangarap kong makasama habang buhay. Naging masaya kame sa piling ng isa't isa. Maayos ang gf-bf relationship namen. Walang hadlang, walang sagabal. Akala ko walang katapusan na ang aming pagsasama. Tanggap ako ng kanyang pamilya, oo nuong una. Pero nang aksidenteng nabuntis ko sya, duon nagsimula lahat ang problema. Gumuho lahat ang pangarap na sabay naming dinesenyong dalawa. Pilit syang inilayo ng erpat nya sa akin. Dahil kabilang sila sa kilalang angkan sa isang lugar dito sa Cavite, hindi madali para sa akin ang makuha ang mag-ina ko. Gagawin ko ang lahat para lamang makuha sila. Ilang pakiusap na ang nagawa ko sa mga magulang nya pero talagang matigas ang loob ng tatay nya. Sinira ko daw lahat ang pangarap nila sa anak nila. Kahit lumuhod ako sa harapan nila gagawin ko maibalik lang ang mag-ina ko!
6 months na ang lumipas at wala pa din akong komunikasyon sa kanila. Binago nila lahat ang number na pwede kong makontak. Friendster, YM, Facebook lahat tinanggal nila. Sa isip ko, ganun ba ako kasama? Hanggang isang araw may balita galing sa isang tropa na isang malayong pinsan ng gf ko. Nakaalis na daw ang mag-ina ko papunta ng ibang bansa para duon ipanganak ang magiging baby ko. Gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Hindi na naman ako makakilos sa kinatatayuan ko. Naalala ko tuloy ang kanta ni Ely B. ...Diyos ko anu ba naman ito...'di ba taena, nagmukha akong tanga...pinaasa nya lang ako, letseng pag-ibig 'to!
Hindi ko matanggap ang nangyari sa akin. Halos araw-araw akong umiinom para lang kahit paano ay maibsan ang sakit na aking nararamdaman sa pagkawala ng mag-ina ko. Lagi akong wala sa bahay at naging tambayan ang bar. Kung saan may tagayan, andun ako. Hindi na ako makausap ng matino. Palagi akong absent sa trabaho. Hanggang kinausap na ako ng HR dahil na rin sa naging pansariling problema. Dala na rin ng kahihiyan, pinili ko na lang mag-resign sa trabaho kesa sa pwersahan akong patalsikin ng kumpanya. Suportado naman ako ng pamilya ko sa ginawa ko dahil alam nila ang hirap na pinagdadaanan ko. Lalo akong nalulong sa alak. Nag-iba ang hitsura, parang limang beses akong tumanda sa hitsura ko. Naging-emo. Galit sa mundo.
Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas namin ng tito ng gf ko. Bunsong kapatid ng tatay nya. Nagmakaawa ako sa kanya na makahingi ng anumang impormasyon sa mag-ina ko o kahit sa baby ko na lang. Hindi naman sya naging madamot. Sinabi nyang nanganak naman ng normal ang gf ko. Baby boy. Iyon lang at wala na ulit akong nakuhang anumang balita sa kanila. Lalo akong nasabik na makakuha ng balita. Pinilit kong makahingi kahit picture man lang. Lahat gagawin ko makita lang ang baby ko!
Sinadya kong puntahan ang pinagtatrabahuhan ng tito ng gf ko bilang isang konsehal ng isang bayan sa dito Cavite. Nuong una, hindi nya ako pinakikiharapan, bagay na lalong tumindi ang aking pagnanasa na makakuha ng detalye tungkol sa baby ko. Hanggang makuha ko ang number nya at hindi tinantanan na makakuha ng sagot sa mga tanong ko. Sabi ko sa kanya, lahat gagawin ko para lang sa baby ko. Para sa baby ko.
'Yun ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon para gaguhin ako. Ako naman, nagpatanga sa kahinaan ko. Ginamit din nya ang katawan ko at ibinigay ko naman kahit hindi sang-ayon ang kalooban ko. Etits lang pala gusto nya, binigay ko ang sa akin ng buo. Para sa anak ko. Dumaan ang mga araw pero wala din akong napala. Gusto pa nyang umulit. Pero tama na ang isang gabing nagpakagago ako sa kanya. Hayup na mapagsamantala!
Lalo akong nalulong sa alak. Umaga, tanghali, gabi. Araw-araw, walang tigil. Walang minutong pinalilipas na hindi nakakatungga ng alak. Laklak dito, laklak duon. At isang araw nagising na lang ako sa presinto, sa loob ng kulungan. Hindi ko alam kung anong nangyari. Bugbog sarado. Andun buong pamilya ko minus si erpat. Mga pinsan, tiyuhin at tiyahin. Nanggulo daw ako sa lugar kung saan nakatira ang pamilya ng tito ng gf ko. Nagwala at kung anu-anong masasamang salita ang pinagsasabi. Nanira at pinagbabato ang bahay nila. Pero ni isa sa mga yun wala akong maalala. Dala na rin siguro ng sobrang kalasingan at sobrang galit na nararamdaman.
Dahil kilalang pamilya at nasa posisyon, madali akong napadampot at naipakulong sa loob ng dalawang araw. At sa loob ng dalawang araw na pakikipag-ayos ng pamilya ko, iniurong nila ang demanda laban sa akin. Kung sa akin din lang, kaya kong tiisin ang makulong dahil tama lang ang ginawa ko sa bumaboy at gumago sa akin. Kinain ng pamilya ko ang pride at pati na rin ako kinalaunan. Kaakibat ng pag-urong ng demanda, hindi na daw dapat ako gumawa ng anumang hakbang para lang makita o makibalita sa mag-ina ko. Dead end na ang buhay ko. Mas masarap pa yata ang mamatay kesa unit-untiin ng sakit ang nadarama ng katawan ko lalo na ang puso.
Akala ko'y hindi na ako makakabalik sa aking dating sarili. Unti-unti, pinipilit ko pa ring kalimutan lahat na nangyari sa akin. Dagok lang ang mga mga 'yun sa buhay ko kung tutuusin. Pinipilit kong iwinawaksi sa isipan ko na pagsubok lang lahat lahat 'yon. Pero hanggang kelan? Hindi ko alam. That's what we call life. Masyadong interesante at kaylangan ng kaunting palabok. Ngayon, naaalala ko pa rin kung anong hitsura ng baby ko, pa'no sya ngumiti, anong hugis ng kanyang mukha. Kung kahawig nya ba ako at cute ding tulad ko. Gusto ko rin kaseng maranasan kung paanong gisingin ka ng kanyang iyak at ipagtimpla ng dede ang anak mo. Magpalit ng diaper o ipaghele habang pinapatulog sya sa iyong bisig. Isang karangalan para sa iba, pero sa akin 'yo'y ipinagkait. Tahimik pa ring akong umiiyak sa gabing nami-miss ko ang baby ko. Wala akong magawa pero kaylangan kong tatagan ang aking loob. Para sa baby ko.
Hindi ko ginawang ibahagi ang kwento ng buong buhay ko ng sobrang detalyado. Hindi ako nagbanggit ng mga pangalan dahil medyo sensitibo ang mga pangyayari. Sana kahit papano, may makuha kayong aral sa experiences ko. Ipagdasal nyo na lang sana na pagdating ng araw makita, mahalikan at mayakap ko ang baby ko. At pag dumating ang araw na iyon,PLS VISIT http://knygphils.50webs.org
and http://www.4main.com/princephillip
princephillip
09085064472
tel#5172061


















5 comments:
Ugaliin mong magdasal sa BIG BRO natin pare ko..HE always look upon us na anak niya....Tatagan mo lang ang kalooban mo...Ipakita mo sa mundo na you can handle everything...GOD BLESS YOU...
oi pareng n......ayan binasa ko ng buo.....keep strong.lahat ng bagay nakaplano....wala kang dapat pagsisihan sa mga nagawa mo sa buhay mo..at least nakakasurvive ka khit papanu.
be strong hold on.... hahahahaha
tru d coldest nyt..tru the rain tru d storm...
wen d road seem so long and endles.. and ol u see is nothin but darknes...dont giv up...just walk on...have faith in your heart.......
maligayang araw pareng n...
kung magkikita kayo ng pamilya mo, mangyayari yun. wag mo madaliin. kasi habang ipinipilit mo ang gusto mo lalong hindi mangyayari ang mangyayari. so just pray for patience and hope that it will happen soon. now i understand you and you know what, you seem more beautiful to me now. thanks for the story. wag kang mag alala, makikita at mayayakap mo na rin ang baby mo. malapit na yan.
tol n,
inari to, kakaiyak naman..hinanap ko pa tlaga to at nag effort ako para mabasa kwento ng buhay mo. nabasa ko na pala to dati di ko naman akalain na ikaw pala yun. believe it or not i did a silent prayer for you para malapagpasan mo lahat ng trials at lahat ng pait na dulot ng karanasan mo. basta keep in mind that life has to move on...there's more to life than bitterness..kya mo yan tol. GOD BLESS you..
interesante kwento ng buhay mo skip...move on kaya mo yan dude!
i know ther are plans for you...just have faith...
i salute you bro!
Post a Comment