KONTING TIME LANG PO!!! PLS SIGN MY GUESTBOOK

No. of VISITORS

FLAG COUNTER

free counters

Tuesday, March 3, 2009

COLLEGE LOVERS


From: Howell Taniegra

Chapter One...





Madilm ang panahon, kasalukuyang bumubuhos ang patak ng ulan. May mga ilang estudyante ang nagpapalipas ng oras ng mga sandaling yon sa pasilyo ng Rizal Hall, habang sa harap naman nito ay makikita ang bantayog ni Lualhati na parang walang pakialam sa pagbuhos ng ulan…





“ Hanggang anong oras pa kaya ang lalaking yun?� tanong ni Ramon sa sarili habang tinitingnan ang mga estudyanteng paroon parito sa hallway ng SFC building.



Si Ramon Novales ay isang tipikal na estudyante sa kolehiyo, kasalukuyan syang nag-aaral sa UE Recto, at kumukuha ng BS Accountancy. Nasa 5’5� ang taas, Moreno, at average looking, isa sa itinuturing na pinakamatalino sa batch nila, Working student



“ Mitch, dumating ka na… “ medyo naiinip na sabi ni Ramon sa sarili nya.



Si Mitchell Francisco, ay kaklase ni Ramon, sa mga accounting subjects nito, dahil pareho sila ng kurso bagamat ahead ito sa kanya ng ilang units. Ito ang itinuturing nyang bestfriend nya. Maputi, matangkad, may biloy sa pisngi at lapitin sa mga babae at bakla. Galing sa isang broken family at kasalukuyang naninirahan sa isang boarding house, bagamat malapit lang naman ang bahay ng mga magulang nito sa eskwelahang pinapasukan nito, katuwiran nya, ayaw nyang tumira sa kahit sino sa mga parent nya dahil pareho na itong may kanya kanyang pamilya.



“Hoy! Lalim ng iniisip mo ha… iniisip mo na naman siguro yung classmate nating babae sa Cost accounting no?� bungad ni Mitch matapos na ito’y dumating sa tagpuan nila ng di nya namamalayan.



“ Hindi ah!, ang tagal mo, kanina pa ako dito, nakakaasar ka…� ganting tugon nya rito, bagamat naiinis sya sa kaibigan di nya naman lubusang magawang magalit rito.



“ Kaya nga po nandito na ko kahit umuulan sumugod pa rin ako.� Medyo may pagtatampong tugon nito .



Ngayon nya lang napansin na medyo basa ang suot nitong uniform. Nang bigla syang hatakin nito… “ Akala ko ba nagmamadali ka lika na …� Hindi nya na to pinigilan at nagpadala na lang sya pwersa nito at mabilis silang bumaba patungo sa gate ng UE sa Recto.



Usapan nila na gagawa sila ng report para sa subject nila sa Management 11A at silang dalawa ang mag kagroup. Ganon lagi ang set-up nila sa mga subject na magkakalase sila kailangan lagi silang mag kagrupo. Halos may anim na semester na rin na ganun. May isang pagkakataon na nagkatampuhan sila at umiwas siyang grumupo dito. Ilang buwan din syang iniwasan nito.. paninindigan na sana niya. Kaso di pala niya kaya, siya na ang unang sumuko.



Nasanay na nga ang ilan nilang kakalase sa kanilang set-up. Dumating pa sa punto na tinutukso na sila at pinaaamin kung sila ba at sino ba ang bakla, pero mas malamang na yung tanong ay para sa kaniya, dahil imposibleng paniwalaan na bakla si Mitch, dahil bukod sa habulin ito ng babae ay nakailang girlfriend na ito simula ng makilala nya at kilalang kilala niya ito, imposible talagang maging bakla ito.



Sa kanilang magkaibigan, siya ang taga gawa ng assignment, project at kung anu-ano pa na kailangan nila sa mga subject nila. Si Mitch naman ang taga-gastos dahil mas mapera ito sa kaniya, at kay mitch din ang computer na ginagamit niya, minsan pag kailangan na talagang ipasa yung mga project sa UE na nila ito ginagawa at dinadala na lang nito ang laptop niya.



“ Mon, daan muna tayo sa Gotesco, kain muna tayo doon sa foodcourt.� Yaya nito sa kaniya.



“ Wag na doon, mahal… sa may Impyerno na lang tayo kumain…masarap na mura pa. “ tanggi niya…ang tinutukoy nyang impiyerno ay ang hilera ng kainan na malapit sa Recto gate katabi ng Conanan Bookstore.



“ Ako naman ang taya… ano na lang sabihin ng mga kaklase natin pinapakain kita sa tabi-tabi… eh ikaw pa naman yung bestfriend ko. “ depensa nito habang sinabayan ng kindat.



Isang katangian nito na pinakagusto nya ay ang pagiging galante nito at malambing. Minsan nadadala na rin sya sa mga tukso at pumapasok sa isip nya na kung babae lang sya ay malamang sinagot na nya ito. At sa pagkakataon na ganito ang mood nito malamang sa hindi na sumang ayon na lang siya sa mga gusto nito…



“ Alam mo best kung babae lang ako… nadala mo na ako sa kindat mo.�



Tumawa ito ng malakas na nagpalabas pa sa angkin nitong kagwapuhan “bakit wala ba akong dating sa ‘yo� sabay titig at akbay nito sa kanya. “ Pati isa pa diba magsyota na tayo….. Joke… hahhaaha�



“tama na nga yan marinig ka, baka paniwalaan pa yan at malamang bukas nasa DAWN na tayo… alam mo namang pinagdududahan na nga yung friendship natin ng mga walang magawa…� mahabang paliwanag nya upang pagtakpan ang pagkakailang sa biro nito.



Bagamat sanay na sya sa mga biro nito , tila may dalang kakaibang kiliti ang mga nasabi nito. Sigurado syang lalaki sya … at alam nyang bestfriend nya ang kaharap nya… pero labis ang pagtataka nya kung bakit ngayon lang sya nakadama ng pagkailang sa biro nito.

“ Hoy!!!! Hello earth, paging Mr. Novales…� pagpapansin nito… medyo natulala pala sya habang nag-iisip tungkol dito. “ Huwag mong sabihing sineryoso mo yung sinabi ko?... ah malamang in love ka na … sino ang malas na babae at ng mailakad kita?�



“ Ako… ilalakad mo… wag na baka imbes na ako ang maging syota… Malamang sa hindi bukas makalawa syota mo na yung girl� Ganting biro nya dito.



“ haller… dehins ko naman ako anaconda.. dyuske wit ko tepelya ang mga girlalush… mandiri ka nga sister…� pagbibiro nito sa salitang bakla…



“ Hoy mahipan ka ng hangin, sayang ang genes mo… ‘



“ Hahahaah… Oo nga no daming girls na iiyak pag bumigay ako…�



“ alam mo maigi na lang humina na yung ulan kundi iisipin ko talaga na may bagyo…� pagbibiro nya.



Hindi nila namalayan na nakarating na pala sa tapat ng Gotesco. Agad silang pumunta sa may food court at naghanap ng bakanteng puwesto.



“ Mon, ano ang gusto mo?�



“ bahala ka na total ikaw naman ang taya… baka pag ako pa ang pumili ako pa magbayad…� nakangiting pagbibiro nya.



“ okay… alam ko naman ang favorite mo fried rice at inihaw na liempo… “



“ yun naman pala, tatanong ka pa�



“ ito talaga walang ka talagang bahid ng konting sweetness, ikaw na nga tong nililibre nagtataray ka pa� animoy nagtatampo nitong tugon.



“ sweetness ka dyan sapak gusto mo… bilisan mo na tumgots na ako… tagal ko atang naghintay sa’yo pati kailangan ko talagang mabusog no… para maganda kalabasan ng project natin…�



“ Yes sir your.. the boss eh…�





Nagging maayos naman ang kanilang pagkain hanggang sa makatapos ito. Hindi na nya sinubukan magsalita pang muli. Hinayaan na lang nya itong magkwento habang ginagantihan naman nya ito ng mga pagtango at ngiti, Hanggang magyaya na ito sa kaniyang inuupahang upang doon gawin ang project nila.



Habang sakay ng Jeep papunta sa inuupahan nitong kuwarto naramdaman nya ang biglang pag akbay nito sa kanya… bagamat nagulat hinayaan nya na lang ito, habang naglalakabay ang kanyang isip…





Unang araw ng klase para sa second semester, kashishift lang ni Ramon ng kurso mula sa Mass Communication tungo sa BS Accountancy… bagamat sanay na sya sa kapaligiran ng UE medyo balisa pa rin sya dahil sa mga bagong kaklase, bagong building at first time nya na mag block section…First subject nya ang Accounting 1 & 2 alas otso ng umaga ang simula ng klase…at lagpas tatlong minuto na mula ng mag ring ang bell… lakad takbo ang ginawa nya kailangan pa nya hanapin ang room 208 sa SFC building, di pa nya kabisado ang pasikot sikot nito palibhasa halos isang taon rin syang sa College of Art building at College of Education building lang tumatakbo ang buhay nya. Natagpuan nya ang room 208 malapit sa CR, napansin nyang wala pa ang professor noong mga oras na iyon, hindi muna sya pumasok at sinulyapan muna ang mga estudyanteng naroon, napansin nya ang isang estudyante na nasa dulong row, mahaba ang kulot nitong buhok at ang may mga matang nangungusap, napagpasyahan nya nadoon na rin maupo…



“ Hi, I’m Ramon… kashishift ko lang from Mass Com� pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay.



“ I’m Mitchell, my friend call me Mitch� ganting tugon nito



“ see… I hope you won’t mind na ditto muna ako maupo, di ko pa kasi kilala yung mga bagong kaklase natin.�



“ ah… okey lang, don’t worry mababait ang mga yan.� Tukoy nito sa mga kasamahan nila



“ talaga bang kulot ang buhok mo?� wala sa loob na tanong niya



Nang bigla na lang itong napangiti na nagpalabas sa mga biloy nito. Napatitig sya sa mukha nito at di maalis ang paghanga sa mukha ng kaharap niya.



“ pasensiya ka na wala sa loob ko yung pagtatanong.� Paghingi nya ng paumanhin



“ It’s Okey, actually di naman talaga to kulot, pinagpraktisan lang ng kapitbahay naming bakla na kumukuha ng Cosmetology and Hairdressing� pagpaliwanang nito.



“ Buhay pa?� pabiro nyang tanong…





Napangunot ang noo nito na animmo’y seryoso… “ sino?�



“ yung nagkulot sa ‘yo?� pagpapaliwanang nya



“ ah yun ba?� napatawa ito…� sa awa ng diyos buhay pa naman… bakit gusto mo nang mag-abuloy�



“ ambait mo naman… maigi napapayag kang pageksperimentuhan yang buhok mo… “ pagbibiro nya habang umiiling iling…



“ anong mabait ka dyan…pinagkakitaan ko to no… saan ka pa nakakita ng libreng gupit at kulot na libre tsibog pa …� pagmamalaki nito



“ ano yan Tsupit?�



“ Hahahaha… hoy di ako ganun…�



Hindi nila namalayan na dumating na ang professor nila . Pansamantala silang natahimik habang nag roroll call ang kanilang guro at iniayaos na ang seating arrangement nila. Hindi na sila lumipat ng upuan at isinulat na lang nila ang pangalan nila sa seating plan na ipinasa ng guro…







“ Ma… sa tabi lang… “ sigaw ni Mitch.



Napamulagat sya, hindi nya namalayan na nasa kanto nap ala sila ng tinutuluyan nito.



“ Mon, baba na …� sabay hila nito sa kamay niya





Nang makababa sila ng jeep bigla itong nagtanong… “ kanina ko pa napapnsin na tulala ka.� May pag-aalalang wika nito “ may problema ka ba?�



Napangiti sya “ wala naisip ko lang noong firt time na nagkakilala tayo.� Pagpapaliwanag niya



“ Hoy… masama yang iniisip mo… di tayo talo.� Pagbibiro nito “ alam ko bestfriend kita … di ko akalain na … may pagnanasa ka sa kin… sabi ko na nga ba.. tsk..tsk… tsk..�



“ Gago… ikaw pagnanasaan ko… kapal naman ng mukha mo…� naiinis nyang pagtatanggol sa sarili…



“ Naalala ko lang yung kulot mong buhok… Nakakatuwa ka kasi … kakaiba… akala ko nga noong bakla ka …�



“ sabihin mo na-inlove ka sa kin kaya mo ako nilapitan noon… hahhaaha� pambubuska nito.



“ ah tingin mo guwapo ka noong oras na iyon… kaya naman pala kinabukasan nag pakalbo ka?� ganting asar nya rito…



“kaya pala ikaw yun unang bumati sa kin.. ano nga sabi mo noon, Mitch bagay say o… lalo ka pang gumwapo… aminin mo na kasi love mo ko.� Ayaw pa rin nitong patalo sa pang aalaska niya…



Noong mga sandali na yun ay asar na asar na siya. Huminto sya sa paglalakad at sabay tumalikod pabalik sa sakayan ng jeep.



“ Hoy… saan ka pupunta?� pasigaw na tanong nito habang habol habol sya.



“ Wala ka bang mata… ay common sense pala… di uuwi na at gawin mong mag-isa yung project natin� sagot niya



“ di ka na mabiro eh… hanggang ngayon pikon ka pa rin… sorry na sige na magbebehave na ko… please ...� pagmamaka awa nito



Halos nagtitinginan na yung ibang nakaksalubong nila sa daan. Huminto sya at sandaling nag-isip.



“ Okey, Mr. Mitchell Francisco… pagbibigyan kita pero siguraduhin mo lang na di ka na mag-aasar.� Paniniguro niya. Ewan ba nya kung paano siya nakatiis rito ng tatlong taon, halos wala na yatang araw na ginawa ang diyos na tuwing magakakasama sila ay imposibleng di sya nito mapikon.



“ Promise… kahit ano gagawin ko. Alam mo namang delikado ako kay Sir Serrano… ngayon mo pa matitiis ang bestfriend mo.� Pang-aalo nito, sabay siyang inakbayan nito at inilock ang dalawang kamay upang hindi na sya makawala. “ kahit ano gagawin ko… kahit pa ibigay ko ang katawan ko sa ‘yo joke…�



“ ayan ka na naman eh� nagpupumiglas na sya sa pag-kakaakbay nito ngunit tila wala talaga yata itong pakawalan siya habang yakag-yakag sya nito na naka-akbay.



“ hehehe… di ka na mabiro… pero best kung gusto mo sabihin mo lang di ako papalag...� sabay kindat nito



“Ulol� halos manliit na sya sa pagkakahiya hindi dahil sa mga sinasabi nito kundi dahil na rin sa mga tingin ng nakakasalubong nila. Animo’y para silang magsyota na nag aaway at naglalambingan sa iisang panahon.



“ Best… sa totoo lang di ka ba talaga na love at first sight sa kin noong mga panahon na yun?� nakangising tanong nito.

“ Ngek ngek mo… pinagduduhan mo ba ang pagkalalaki ko?� lakas loob nyang tanong dito bagamat alam niyang nagsisimula na niyang pagduduhan ang pagkatao nya.



Nagkibit balikat lang ito at natahimik na hanggang sa makarating sila sa inuupahan nitong kuwarto.



To be continue....


No comments: