KONTING TIME LANG PO!!! PLS SIGN MY GUESTBOOK

No. of VISITORS

FLAG COUNTER

free counters

Monday, June 1, 2009

IS THIS LOVE?

IS THIS LOVE?
kwento ni John davis

Habang lumalaki si John napapansin nia ang kaibahan sa kanyang pagkatao, sa paglaki niya unti-unti niang natutuklasan kung ano ang iba't-ibang uri ng tao sa lipunan. Maliban sa babae at lalaki, may iba rin uri ng kasarian nilikha ang diyos at un ang bagay at unti-unting tinutuklasan ni John.

Nakatira si John sa isang compound sa side ng kanyang nanay kung kaya mula pagkabata mga pinsan nia ang kanyang mga naging kalaro at kabarkada. Malikot at masayahing bata si John.

May pinsan na bakla si John at mas matanda sa kanya, ito ang laging tumutukso sa kanyang bakla kapag nakikitaan siya nito ng mga kalikutan na para sa pinsan niya ay di normal kumapara sa ibang batang lalaki. Hindi gusto ni John na tinutukso syang bakla ng kanyang pinsan dahil para sa kanya at dahil sa mga naririnig at nakikita nia sa kanyang paligid ang pagiging bakla ay hindi normal at lahat ng bagay ay di maganda kapag ikaw ay isang bakla, kapag ang bata lampa sasabihang bakla, kapag ang bata ay duwag bakla raw, kapag ang bata ay maharot maaring sya ay bakla, kapag mahilig sa gamit ng babae marahil bakla nga raw....tumanim sa isip ni John na ang mga bagay na negative ay katangian ng isang pagiging bakla kung kaya't ayaw niang tatawagin syang bakla kahit na alam niang ilan sa mga bagay na ito ay kakikitaan sa kanyang mga kilos. Di kayang isipin at maisip ni John na siya ay isa ngang bakla dahil un ang laging tinutukso sa kanya ng kanyang mga pinsan at kung minsan pati mga kapatid nia. Madalas di nia mapigilan ang kanyang galit at nasasabihan nia rin ng masasama ang mga tumutukso sa kanya. Madalas sumama ang loob ni John kung kaya't sinasarili nlng nia ang pagiyak bago siya matulog. May mga pagkakataon pa na di na normal ang tingin sa sarili at feeling nia iba sya sa mga kasing edad niang bata, umaabot din sa point na sinisisi nia ang diyos bakit sya binigyan ng ganun pagkatao kahit na alam niang masama ang sisihin ang diyos sa lahat ng nangyayari sa buhay ng tao. Sa mga nararanasan nia nung sya ay bata pa nagkaroon ng "inferiority" si John... kaya nawalan ng tiwala sa sarili at takot makisalamuha sa mga tao. Naging sobrang mahiyain pa siya sa lahat ng pagkakataon at gusto nalang na lagi nagiisa.

Nang si John ay nasa elementary school nararanasan na nia ang magkagusto sa mga kaedad niang bata na hinahangaan nia. Grade three nang sya ay unang magkagusto sa classmate niang babae na maganda para sa kanya. Bago makatapos ng elementary, naranasan din nia ang humanga sa kapwa nia lalaki.... Nagsimula ang pagkalito ni John sa sarili dahil di nia alam kung ano bang nararamdaman nia sa mga taong nakapaligid sa kanya. Alam din nia sa mga panahon na un na ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para lamang sa babae.... Pagkalito at madalas na pagiisip ang laging nangyayari everytime na mararanasan nia ang mga bagay na ganun.

Tumungtong ng highschool si John at habang nagbibinata ay dumadami rin ang kanyang mga hinahangaan, may mga babae at meron din mga lalaki... alam niang kahit di normal ang magkagusto sa kapwa lalaki ay di na nia ginawang iwasan or pigilan ang sarili dahil wala rin naman syang mgawa dahil un ang nararamdaman nia at alam natin lahat na di napipigilan ang emotions or feelings ng isang tao.

Fourth year highschool ng matutong humawak at gumamit ng computer si John dahil sa madalas niang pagsama sa mga classmate niang mahilig magrent sa mga computer shop sa tapat ng kanilang school. Natuto siang maglaro ng PC games, mag-internet at ang pinakamadalas niang gawin ang magchat. Hindi masyadong palakaibigan si John dahil ubod ng mahiyain. Ilag din siya sa mga taong di nia kilala... di rin siya mahilig lumaboy or gumimik kasama ang mga kaibigan... school-bahay ang naging takbo ng kanyang highschool life kung kayat "nerd"ang first impression sa kanya ng mga di nakakakilala sa kanya. Di ganun kapangit si John para iwasan kahit ba nerd ang image nia, madalas din may umaamin sa kanyang mga classmate niang babae na nagkakacrush daw sa kanya, alam din ni John na di sya ganun ka pangit para magtaka kung bakit may magkagusto nga sa kanya. Pero si John ang taong may sariling paniniwala at prinsipyo sa buhay kayat mula ng tumungtong ng highschool ni hindi man lang naranasan magkaroon o pumasok sa isang relasyon dahil ayaw nia ng obligation, responsibilities at commitment sa buhay pero kasama rin sa dahilan ay ang pagkalito nia sa kanyang sexuality. Nang matuto syang magchat ito na ang lagi niang ginagawa instead na maglaro kasabay ng mga classmates nia kapag nagrerent sila sa shop after ng klase.

Pagkagraduate nia ng highschool nakabili sila ng sariling computer para sa bahay dahil sa pangangailangan narin sa mga skulworks... mabilis matuto at interesado sya pagdating sa computer kaya't pinagaaralan nia lahat ng bagay kahit sya lng magisa. May internet narin ang nabili nilang computer at matagal narin silang may landline kayat mabilis silang nakagamit ng internet sa bahay. Mula ng magkacomputer sa bahay, siya na ang laging nakaupo sa harap nito at laging gumagamit lalo na sa internet. Naging buhay na ni John ang mundo ng computer/internet. Nilagyan niya rin ng Yahoo Messenger (Chat) ang sariling computer dahil ito na ang nakahiligan niang gawin. Araw-gabi basta walang pasok ay chat ang laging niang pinagkakaabalahan.... Sa chat marami kang makakausap, iba't-ibang uri at klase ng tao sa lipunan... sa chat nagkaroon ng maraming kaibigan at makakausap si John... sa chat din nia lang nagagawa ang magtanong sa mga taong nakakaalam tungkol sa bagay-bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Mas marami kaibigan si John sa chat na lalaki compare sa mga babae... dahil sa mga lalaki nia nakukuha ung mga tanong na gusto niang masagot... habang unti-unting nasasagot ang mga katanungan ni John na matagal na niang hinahanapan ng kasagutan natutuklasan nia narin kung ano ang kanyang sexualidad.

Sa ayaw at sa gusto natin kailangan buksan na natin ang ating isipan na ang mga bakla ay parte na ng ating lipunan. Marami ang uri ng bakla sa atin lipunan, may tinatawag silang "effem", ung mga bakla na nagdadamit ng pambabae at kilos ng babae. "Discreet" nmn ang tawag sa mga gay na nagtatago sa image ng isang straight guy but they are are gay inside. "Bisexual" nmn daw ang tawag sa mga gay na nagkakagusto on both sex... nakikipagrelasyon sa babae at lalaki.

Nalaman ni John lahat ng bagay about sa third sex world sa pamamagitan ng chat. Natuklasan nia rin kung anong klaseng pagkatao meron sya. Si John ay isang gay at considered as Bisexual. Kahit maliwanag na sa kanya kung ano ang tunay niang sexuality di parin nia kayang tanggapin na siya ay nabibilang sa mundo ng third sex. Sabi ng iba tanggapin mo muna raw ang iyong sarili bago ka tanggapin ng ibang tao, kabaliktaran kay John. Sa katunayan mas natatanggap pa ng mga kaibigan nia kung ano ang kanyang pagkatao kesa tanggapin ang sarili. Isang bagay ang laging iniiyakan ni John tuwing gabi at bago matulog, di nia talaga matanggap ang sarili at ituring na isa nga syang gay, marahil bunga ng maling impression ng mga tao sa gay nung siya ay bata pa. Dala-dala nia ang sama ng loob at hinanakit hanggang siya ay lumaki... sa tuwing iiyak siya di parin mawala sa isip at magtanong sa diyos bakit may ganung klaseng tao sa mundo at bakit binigyan sya ng ganung pagkatao.

Lumipas ang ilang taon at chat parin ang hilig ni John gawin kahit pa natuklasan na nia kung ano ang tunay niang pagkatao. Sa internet at chat marami syang natutunan. Dumami rin ang kaibigan nia kahit sa pachat-chat lng... sa chat di lahat ng tao ay totoo di rin lahat mabait at di rin lahat ay may mabuting intensyon sayo... kahit malapit na ang loob nia sa mga nakakausap nia di parin nia inaalis sa isipan na dapat magingat sa mga taong di pa gaanung kakilala.... Dahil sa chat maaring sabihin nila sayo tungkol sa kanila pero di ka nmn nakakasiguro na totoo lahat ng sinasabi nila. May ilan din nmn mga taong naging kaibigan si John sa cyberchat na mapagkakatiwalaan, nakakausap sa phone at kung minsan ay nakikipag kita ng personal. Di basta-basta nakikipagkita or nakikipag eyeball (EB) si John sa mga kachat nia... maingat sya at di agad nagtitiwala.

Month of May 2003. Mahilig si John na magopen or magview ng mga webcam ng mga chatters na nka opencam sa chatroom. Isang chatter ang naka-opencam... nagrequest sya na ipaview sa kanya ang webcam nito... agad nmn pumayag ang chatter nato at binigyan sya ng permission. Nakita nia ang isang lalaki na may ichura, kalbo, maganda manamit at mukang suplado. Kinausap nia ang lalaki at nagpasalamat dahil hinayaan siya ipaview ang cam nito. Agad nmn sumagot ang lalaki... doon nagsimula ang mga tanungan about sa kani-kanilang sarili... naging interesado si John sa lalaki dahil sa mundo ng chat usually kapag ang straight na guy ay nalaman na ang kausap nila ay guy din or homo agad iniignore... pero iba ang lalaking nakausap nia, binigyan siya ng attensyon at madali silang nagkapalagayan ng loob.

Siya si Yeto, tubong Ilo-Ilo, ilonggo kaya likas ang pagiging malambing sa kanya... matanda siya ng limang taon kay John, isa syang sundalo (airforce) at wala pang asawa...nakabuntis siya ng dating girlfriend pero wala narin sila, may girlfriend si Yeto na nasa hongkong ngayon sya si Mary, kung kaya madalas syang nagchachat para makapagusap sila ni Mary. Si Mary ay tatlong taon ang tanda kay Yeto, maganda at matured ang ichura, magandang lalaki rin si Yeto kung kayat madaling naakit si John nung una palng ito makita sa webcam. Mabait si Yeto at may sense kausap, di rin sya sinungaling at consistent pa sa mga sinasabi, di gaya ng ibang nakakausap ni John na puro kabastusan lng ang gustong pagusapan. Madalas na sila nagkakausap sa chat, nagbigayan narin sila ng landline sa bahay para magkarinigan nmn sila ng kanilang mga boses. Nagbigayan narin sila ng cellphone number tulad ng mga nagsisimulang magkaibigan. Nadalas ang pag-uusap nila sa landline... pero tinetxt muna ni Yeto si John kung pede ito tumawag sa bahay nila para makipagkwentuhan dahil ayaw ni John na si Yeto ang tatawag sa kanilang bahay, ayaw kc ni John malaman ng mga kasama sa bahay na nakikipagusap sya sa lalaki at tumatagal ng ilang oras at isa pa di kasi sanay ang mga parents nia na tumatagal si John sa phone gayun di nmn ito talga ganun, ayaw nia lng matanong kung sino ang kinakausap nito madalas sa phone. Kayat pag tumatawag siya kay Yeto yung extension phone sa kwarto ang kanyang ginagamit para di sia mapansin agad. Open si John at Yeto sa isa't-isa at parang matagal na silang magkakilala. Si John lagi ang sinasabihan ng mga problema ni Yeto lalo na ang mga personal na bagay tungkol sa kanya...kay John din nia binubuhos ang mga sama ng loob kpag nagkakaproblema sila ng kanyang girlfriend na si Mary. Kaya lalong naging malapit sila at agad nakuha ang tiwala sa isa't-isa. Sabi nga ni Yeto na kung naging babae lng daw si John eh niligawan na raw nia ito. Inayang makipagkita ni Yeto si John sa kanya pero agad tumanggi si John dahil natatakot ito at di talga sanay pa makipag-eyeball lalo pa't sa isang sundalo siya makikipagmeet, naintindihan nmn ito agad ni Yeto kayat sabi nya na sabihin nlng sa kanya kung gusto na nia makipagmeet kasi ayaw ni Yeto na pilitin ang isang tao na ayaw nmn gawin. Lumipas ang mga araw at buwan naging consistent ang paguusap nila sa chat, phone at text... sinubukan yayain ulit ni Yeto si John na makipagmeet... sa pagkakataong yun pumayag na si John at sinabi sa sarili na bahala na... nagset sila ng oras at lugar kung san magkikita. Hapon sila magkikita pero umaga ng araw na un tumawag si Yeto sa bahay ni John para sabihin na hindi siya makakapunta sa meeting nila, natutulog pa nun si John nung umagang yun at nagulat dahil bigla sya tinawagan ni Yeto sa bahay... agad nmn pumayag si John dahil inisip nia na siguro di pa talga un ang time para magkita na sila. Lumipas pa ang ilang linggo at tuloy parin ang kanilang communication.

Dahil nga sa sundalo si Yeto madalas sya maassign sa mga probinsya para magtraining... nagsabi si Yeto kay John na pupunta sya ng Tarlac para magtraining, gusto ni Yeto na magtxt parin sa kanya si John para nmn may napaglilibangan at makakausap si Yeto habang nasa training dahil boring ang buhay ng sundalo kapag malayo sa mga minamahal. Habang nasa training si Yeto, madalas nga sila magtxt at magtawagan ni John through cellphone. Kumustahan at kwentuhan ang lagi nilang ginagawa... dahil bakasyon si John sa skul kaya nabibigyan niya ng maraming oras at panahon ang kaibigan para libangin at kausapin habang nasa training ito. Nang matapos ang training at makabalik ng manila si Yeto patuloy parin ang kanilang communication.

Isang araw may nagtxt kay John at di nia kilala ang number, nagreply sya dito at agad tinanong kung sino ito... hindi agad sinabi kung sino siya at sa halip si John pa ang pinilit kilalanin... tinawagan ito ni John at nalaman niang lalaki pala ang di kilalang nagttxt. Nagusap sila at napaisip lamang si John ng sabihin ng lalaki at nakikiusap sa kanya na kung pede ay itigil na at wag nang itxt or tawagan si Yeto. Nag-iwan ng malaking katanungan kay John kung sino ang lalaking yun at bakit ganun ang nais niang gawin ni John kay Yeto. Kung sino man ang taong un siguradong malaki ang kaugnayan niya kay Yeto. Agad na sinabi ni John kay Yeto ang ginagawang pagttxt sa kanya ng lalaking iyon. Dahil nabahala si Yeto sa ginagawa ng lalaki kay John sinabi lahat ni Yeto sa kanya ang lahat ng tungkol sa lalaking yun at kung ano ang konekyon nun sa kanya.

Iyon si Dillard naging kaibigan ni Yeto sa chat din... si Dillard ay kasing edad lng ni John, may kaya sa buhay, mahilig lumabas at mag-hangout sa mga sosyaling lugar... naging kaibigan ni Yeto si Dillard dahil nung mga panahon na un mahilig din lumabas si Yeto. Nagkakasama sila sa mga gimik at laging lumalabas. Hanggang sa inaassumed na ni Dillard na may namamagitan na sa kanila ni Yeto. Dina gusto ni Yeto ang ginagawang panghihimasok ni Dillard sa buhay nia... hanggang sa nanghihingi na ng time at palagiang atensyon si Dillard kay Yeto para sa kanya na di nmn pwede bigay ni Yeto dahil may sarili siyang buhay at alam nila pareho na wala silang relasyon para baguhin ang pagkakaibigan at humantong sa pakikipagrelasyon na parang isang magkasintahan. Nasasakal na si Yeto sa ginagawa ni Dillard... pati ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na nasa ibang bansa ay pinanghihimasukan at pinakikialamanan na ni Dillard... obsessed na ata talga si Dillard kay Yeto kung kayat lagi na sia iniiwasan ni Yeto... ngunit sa laging pag-iwas ni Yeto sa kanya lalong tumitindi ang mga bagay na kayang gawin ni Dillard para kay Yeto...gaya ng ginawa ni Dillard kay John na tinext at pinakiusapan na wag nang itxt si Yeto, sino nga ba sya para sabihin kung sino ang gustong kaibiganin ni Yeto. Pati mismong si Mary ay nagagawang paratingan ng message through chat para siraan si Yeto at sirain ang kanilang relasyon. Lalong tumindi ang galit ni Yeto kay Dillard dahil sa mga pinagagawa nito kaya pilit niang iniwasan ito at dina kausapin kailanman.

Nagpatuloy sa pagttxt si Dillard kay John para balaan at sabihan na wag nang kausapin si Yeto dahil nagseselos sya... di alam ni John kung matatawa sya sa mga nangyayari or magagalit sya dahil sa inaaway na sya ni Dillard. Natutuwa si John sa mga nangyayari dahil di sya makapaniwala na nangyayari pala sa totoong buhay ang mga bagay na napapanood nia lang sa mga pelikula. Sa mga nangyayari pinaghinalaan ni John si Yeto at pinagisipan ng masama dahil baka isa si Yeto sa mga lalaking naglalaro ng mga bakla para perahan at gawing gay benefactor... masama ang mga naisip ni John kay Yeto dahil hinusgahan ang kaibigan kahit di alam ang buong nangyayari. Sa pagkakataong iyon nagsuggest si John kay Dillard na gusto niang ayusin kung ano mang problema nila ni Yeto at para mapatunayan narin ni John kay Dillard na wala silang relasyon ni Yeto kundi malapit na magkaibigan lang. Kinausap ni John si Yeto at pinakiusapan na pagbigyan si Dillard sa hiling nito na makipagkita sa kanya sa huling pagkakataon at para ayusin ang problemang hinaharap nilang dalawa. Dahil sa kaibigan ni Yeto si John at may tiwala ito sa kanya pinagbigyan nia si John at pumayag na makipagkita kay Dillard. Pumayag si Yeto sa pakiusap ni John para narin sa kapakanan ni John na para di na sya guluhin pa at idamay ni Dillard sa gulong ginagawa nito. Nagkita sina Yeto at Dillard, habang nasa isang fastfood katxt ni John ang dalawa at di nila alam na ang katxt ng bawat isa ay si John. Hindi naging maganda ang pagkakaayos ni Yeto at ni Dillard dahil sa kakitiran ng pagiisip ni Dillard di nia kayang tanggapin kung ano lang ang pwedeng hantungan ng kanilang pagkakaibigan. Nagpaalam na si Yeto kay Dillard ngunit di parin ito tinatantanan hanggang sa paguwi at pagsakay ng taxi. Badtrip na badtrip si Yeto ng araw na yun. Paguwi ng bahay kinuwento ni Yeto kung ano mga nangyari sa meeting nila ni Dillard... nahiya si John at disappointed sa mga narinig dahil sa hindi nagtagumpay ang ginawang pagkakaayos ng dalawa. Nakonsensya rin si John sa ginawang pagpilit kay Yeto at sang-ayunan si Dillard sa gusto nito mangyari na dapat eh pumanig sya sa mas matagal na niang kilala at kaibigan at hindi agad sumangayon kay Dillard. Simula nun iniwasan nalng kausapin ni John si Dillard kahit pa magtxt ito sa kanya.

Nagpapalit-palit ng simcard si Yeto para lang maiwasan si Dillard at pati si John na kaibigan ay di sinasadyang maiwasan narin. Pinaputol narin ni Yeto ang landline dahil kahit sa bahay nila ay nangungulit ito. Dina tuloy makatawag si John sa bahay ni Yeto, pati cellphone number ni John na nasa phonebuk ni Yeto ay kasamang naitapon kaya nawalan narin ng contact si Yeto kay John. Sa chat or email nlng pwede magkausap at magkaroon ng communication si John at Yeto pero bago pa maisipan na padalan ng message ni Yeto si John sa email at chat, nagbago ng password si John sa YM, matapos mabago biglang nasira ang modem ng computer kayat tumagal ng ilang buwan bago ito ulit nakapagonline...nang makapagonline muli si John nakalimutan nia kung anong password ang pinalit nia sa dating password kung kayat di na nia muling nabuksan ang YM ID, di na nia tuloy nabasa kung anong mga messages ang pinapadala sa kanya ni Yeto... nagpalit ng YM ID si John pero di nia matandaan kung anong YM ID ni Yeto noon kayat di rin nia ito mapadalhan ng message... lumipas ang ilan linggo at tinawagan ni Yeto si John sa bahay nito pero sa pagkakataong iyon naputulan ng telephone sina John at nagpalit ng bagong landline...kaya nawalan na ng way para makapgusap at magkaroon ng communication ang dalawa... dumaan ang mga araw, linggo, buwan at umabot ng isa't kalahating taon na walang contact o communication ang dalawa.

Sa loob ng isa at kalahating taon (from January2005 to May2006) marami rin ngyari sa buhay ng bawat isa. Umuwi si Mary sa Pinas at nagpakasal kay Yeto sa Huwes...nagsama sila at muling bumalik si Mary sa abroad. Sa patuloy na relasyon nina Yeto at Mary madalas silang nag-aaway at maraming di pagkakaunawaan...kahit nasa ibang bansa na sa Mary madalas parin silang mag-away dahil sa selosa si Mary. Sa mga problemang hinaharap ni Yeto sa pagsasama ng asawa... naaalala nia si John na sinasabihan nia ng kanyang mga problema.... Kaya patuloy parin niyang pinadadalhan si John ng message sa lumang ID nito at nagbabakasakali na magreply ito.

Si John na dapat ay gagraduate na sa ika-limang taon nia sa kursong kinukuha ay nagkaroon ng problema at kinailangan magextend pa ng isa pang taon para tapusin ang pag-aaral at makagraduate. Sa mga buwan na lumipas narealize ni John kung gano nia pala namiss ang kaibigang si Yeto at sa tingin nia ay di lng kaibigan ang nararamdaman nia dito. Araw-araw din siyang nagintay at nagbakasakali na muli silang magkakausap na dalawa. Sinubukan nia rin na kaibiganin si Dillard at nagbakasakali na makakuha ng impormasyon dito kung nasan na si Yeto... ngunit ganun din pala ang intensyon ni Dillard kaya nakipag kaibigan ito sa kanya...ngunit wala rin talga silang idea kung san makikita o makakausap si Yeto.

Bago matapos ang buwang ng May2006 natagpuan ni John ang lumang cd ng kanilang computer na naglalaman ng kanilang backup files. Nakita ni John sa cd ang dating file ng YM ID nia... nakasave din lahat dun ang lahat ng mga nakachat at nakausap ni John sa lumang YM ID na di na nia nabuksan ng matagal na panahon. Hinanap agad ni John ang mga YM ID na ginagamit ni Yeto nung nagchachat pa sila. Nilista nia ang mga ito at isa isang pinadalhan ng message gamit ang bagong ID nia... naghintay at nagbabakasakali na ginagamit parin ni Yeto ang mga ito at muling magreply sa kanya.... Lumipas ang ilang araw at nagulat si John na may nagreply isa sa mga ID ni Yeto...sa pagkakataong iyon kapwa nagdududa ang dalawa kung sila nga talga ang dating magkaibigan or baka may nagpapanggap lng...nagpatuloy ang palitan ng message ng dalawa pero di sila magkachempuhan na parehong online kayat araw pa ang iniintay para mabasa ang sagot ng bawat isa... para makasiguro binigay ulit ni John ang cellphone number kay Yeto.

Isang gabi habang nagccomputer si John may tumawag sa cellphone nia at nabosesan nia agad ito, ang kaibigang si Yeto pala, agad nagkamustahan ang dalawa. Kapwa nasiyahan ang dalawa dahil sa muling pag-uusap matapos ang mahabang panahon. Nagsimula ulit magtxt ang dalawa at parang walng nagbago...kwentuhan at mahabang kumustahan ang nangyari sa mga sumunod na mga araw.

Natuwa si Yeto dahil kasabay ng pagkakaassign nia ng isang buwan sa Batangas upang magtraining ay kasabay ng pagbabalik ng kaibigan niang si John. Agad sinabihan ni Yeto si John na kung pede ay ibalik nila ang dating samahan nila at madalas na pagtxt at pagtawag habang nasa training si Yeto. Walang alinlangan naman sinagot ni John si Yeto ng pagpayag at wala daw problema.

Bago pa magstart ang training ni Yeto sa Batangas tinapos na nia ang problema nila ng kanyang asawang si Mary na nasa ibang bansa parin... nakipaghiwalay siya rito dahil di na niya kaya ang mga problema na binibigay sa kanya at di totoong mga bintang sa kanya. Ginawa nia lahat para magwork ang relationship nila pero di na talga kayang maayos kayat nagdesisyon si Yeto na hiwalayan ang asawa.

Bago pa muling makapagusap si Yeto at John pinutol na ni Yeto ang communication sa kanyang asawa at binaling ang atensyon sa kanila ni John. Alam ni John kung ano ang nangyari sa magasawa kayat gusto nia rin matulungan ang kaibigan para makarecover sa nangyari sa kanya.

Nagsimula ang training ni Yeto sa Batangas at madalas narin silang nagtatawagan na dalawa at halos oras-oras kung magtxt...wlang katapusang tanungan kung ano ang ginagawa ng isa't-isa ang walang humpay na kumustahan. Sa kalagitanaan ng buwan ng training nagkaaminan ng nararamdaman ang dalawa... kapwa sila nasisiyahan sa mga nararamdaman nila sa tuwing sila ay naguusap kayat nagkaroon sila ng mutual understanding at sinabing di lng kaibigan ang turing sa isa't-isa. Naging malambing ang madalas na paguusap ng dalawa sa mga araw na lumilipas na parang magkasintahan na nakakaranas ng "long distance relationship"... daig pa ng dalawa ang ang nagmamahalang babae at lalaki gayung ni minsan eh di pa sila nagkikita ng personal...alam nilang dalawa ang pinasok nilang sitwasyon kayat open din sila sa mga posibleng mangyari sa kanilang relasyon pagdating ng panahon. Sa saya at tuwang nararansan ni John sa piling ni Yeto ganun din ang lungkot na naramramdaman kapag naiisip ang pagdating ng oras ng kanilang paghihiwalay. Hindi alam ni John kung kaya ba niyang mawala si Yeto gayung nahulog na talga siya dito at mahal na niya ito, pero alam din nia na di talga pangmatagalan ang ganung klaseng relasyon kung kayat lagi nyang sinasabi kay Yeto na kapag dumating na sila sa ganung pagkakataon at kailangan na nilang mabuhay sa kani-kanilang mundo sana ay maging matalik parin silang magkaibigan. Habang naiinlove si John kay Yeto ng tuluyan ganun din sigurado ang sakit kapag maghiwalay na sila nito, kaya pilit nireready ni John ang sarili sa mga maaring mangyari. Dumating din sa point na naisip ni John na itigil nalng ang kanilang relasyon dahil baka di nya makayanan ang sakit ng kanilang paghihiwalay, isasacrifice nlng ni John ang saya na nararamdaman sa ngayon para di tuluyang mainlove kay Yeto. Sinabi ni John kay Yeto ang gusto mangyari, na sana ibalik nlng ang dating pagkakaibigan at itigil na ang pagiibigan. Di alam ni Yeto kung maiinis sya kay John dahil sa sinabi nito or malulungkot dahil sa ang gusto nya lang nmn mangyari ay sumaya rin sa piling ni John pero wala parin palang tiwala si John sa pagibig nia, sinabi ni Yeto na sarili lng ni John ang inisip nito para sa ginawang desisyon, nirespeto ni Yeto ang naging desisyon ni John kaya willing sya na set free si John sa gusto nitong mangyari pero sinabi ni Yeto na baka di nya maipapangako na magiging katulad parin ng dati ang pagtingin nya dito. Di inaasahan ni John na ganun ang isasagot sa kanya ni Yeto, magkaholong takot at lungkot ang naramdaman ni John, natakot dahil baka mawala na ng tuluyan ang kaibigang minahal, dahil sa sariling desisyon na ginawa at baka pagsisihan nya ang nasabing desisyon. Agad na pinagisipan ni John ang mga nasabi kay Yeto ng gabing iyon, sa mga oras na yun naranasan ni John ang pagtatalo ng kanyang puso at isip. Isang bagay na kaya wala pang nakakarelasyon si John bago dumating si Yeto ay dahil mas sinusunod nya ang kanyang isip kaysa sundin ang gusto ng kanyang puso, ngunit sa pagpasok nia sa relasyon nila ni Yeto ito ung unang pagkakataon na sinunod at pinagbigyan ang puso dahil sa kaligayahang nararamdaman. Sa pagtatalo ng kanyang puso at isip mas pinili ni John na isantabi muna ang gusto ng kanyang isip at sundin muna ang kanyang puso. Kayat nung gabing iyon nilunok lahat ni John ang pride at ego at humingi ng sorry kay Yeto, binawi nya rin kung ano ang kanyang naging desisyon, nagkataon na wala ng load si Yeto kaya di siya makareply kay John para masabi kung ano ang reaction sa pagbawi ng desisyon nito. Patuloy parin ang text ni John kay Yeto at todo sorry at pagsabi ng iloveyou para lang mapatawad sa ginawa, sinabi nia kay Yeto na naguguluhan lng talga sya sa nararamdaman kaya nagawa ang di tamang desisyon. Kinaumagahan, natapos ang training ni Yeto sa Batangas at nakabalik na ng Manila...agad na nagload si Yeto upang maitxt agad si John, nabasa lahat ni Yeto ang mga message ni John na sincere sa paghingi ng tawad at dun din nya talga nalaman na mahal nga talga sya ni John, kaya agad na pinatawad ni Yeto si John na labis kinatuwa ng dalawa. Inaasahan ni John na magbabago na ang sitwasyon nila dahil sa nangyari at dahil sa tapos na ang training ni Yeto at mas marami na siyang kaibigan at makakausap pagbalik ng manila. Ngunit sa mga araw na dumaan wala parin nagbago sa kanilang relasyon... patuloy parin ang kanilang pagpaparamdam ng pagmamahalan sa isat-isa.

Buwan ng July kaya patuloy ang pagbagyo, magisa lang lagi si Yeto sa bahay at madalas nagiinom magisa at minsan kasama ang mga barkda sa kanilang lugar. Nagwoworry din si Yeto na pano kapag sya ay magkasakit sino ang magaalaga sa kanya at baka tuluyang maawa sa sarili... naisip nia na magkasakit nlng para ... una makadalaw si John sa kanya at magkita na sila ng personal, pangalawa para malaman kung sino ang mga tunay na kaibigan nia, pangatlo para bumilis ang pagpayat at dina mag-gym at gumastos. Sinasabi sa kanya lagi ni John na pilitin nito na wag magkasakit, at kahit di sya magkasakit makikipagkita rin sya dito. Isang gabi niyaya siya ng kanyang barkada na uminom sa bahay ng isa pa nilang kaibigan, umalis ng bahay si Yeto dala ang kanyang motor... tuloy-tuloy parin ang pagulan hanggang gabi... nag-aalala si John kay Yeto dahil walang tigil ang pagulan at dipa umuuwi si Yeto sa bahay, nag-aalala siya dahil nakainom na si Yeto ng gabing un at pagumuwi ito ay gamit pa ang motor at baka kung ano ang mangyari dito dahil madulas pa ang daan. Di na nakapgtext si Yeto kay John ng gabing un dahil expiration ng kanyang load. Di makatulog si John dahil sa pag-aalala kay Yeto... nakatulog na sya ng alas-dos ng madaling araw at di nia alam kung nakauwi ba ng maayos si Yeto sa bahay nito... kinaumagahan tinext nia agad si Yeto para kumustahin di agad nakareply si Yeto dahil di pa ito nakakapagload... hapon na ng makabili ng load si Yeto agad nyang tinext si John para sabihin ang masamang nangyari sa kanya kagabi. Pauwi si Yeto ng 3am nang maaksidenteng sumemplang ang motor nia malapit sa kanilang lugar... puro galos at maraming sugat ang natamo ni Yeto sa aksidente at maswerteng walang mas grabeng nangyari sa kanya. Nag-alala ng husto si John para kay Yeto dahil nilalagnat narin si Yeto bunga ng pagkakaroon ng maraming sugat sa katawan. Gustong puntahan ni John si Yeto sa bahay nila para bisitahin ngunit wala rin itong pera pa pamasahe. Dumating ang araw ng Lunes at may pasok si John sa iskwelahan kaya magkakaroon siya ang pera para gamiting pamasahe papunta sa bahay ni Yeto kaya lang dahil sa may bagyo inanunsyo sa tv at radio na walang pasok nung araw ng Lunes kaya di magawang makapunta ni John kay Yeto dahil sa walang pasok sa skul wala rin baon si John Sa sumunod na araw desidido parin si John na bisitahin at puntahin si Yeto sa bahay nito ngunit wala parin pasok dahil sa patuloy na pagbagyo. Tila ayaw talga sila payagan ng tadhana magkita... pinagpaliban muna ni John ang balak at gawin nlng sa ibang araw. Muling nakapagdecide si John at sinabi kay Yeto na pupunta sya ng umaga sa bahay nito para bisitahin pero sa araw na un medyo naghihilom na ang mga sugat ni Yeto at mabuti na ang pakiramdam nito. Nung umagang un pumunta nga si John sa Bahay nito, pagbaba sa terminal ng bus na sinakyan ni John papunta kila Yeto dalawang tricycle pa ang kailangang sakyan para makarating sa mismong bahay ni Yeto pero nagkusa nlng si Yeto na sunduin nlng si John sa terminal ng bus gamit ang kanyang motor para di na daw mahirapan si John na hanapin ang bahay nito. Pag baba ni John ng bus terminal inintay nia si Yeto para sya ay sunduin...ilang minuto pa, may nakamotor na papalapit mismo sa harapan ni John... nagkangitian na ang dalawa dahil alam nila at nakilala na nila ang isa'-isa. Sumakay si John sa motor at nagtungo sila sa bahay ni Yeto... pagdating sa bahay nito lalong humanga at nainlove si John kay Yeto dahil nakita ni John ang personality ni Yeto sa bahay na tinitirhan nito.... Napakalinis at maayos sa bahay si Yeto, nakaorganized lahat ng gamit at sinisigurado na maayos ang bawat gamit na nasa loob ng kanyang bahay.

Habang naguusap ang dalawa sa sala at nagbibiruan di nila maiwasan ang titigan ang isa't-isa at pagmasdan ang ichura ng bawat isa. Nagkakangitian lang ang dalawa pag nahalata na nila pareho na nagtitigan na pala sila... nagkakahiyaan at kapwa conscious ang dalawa. Halos di makapaniwala ang dalawa na sa tagal ng panahon na naguusap lamang sa phone ay sa wakas ay nagkita narin sila ng personal. Nakita ni Yeto ang bag na dala ni John, may dalang bag si John dahil dederecho sya ng skul pagkagaling sa bahay ni Yeto, kinuha ni Yeto ang bag ni John at nagpaalam kay John na hahalungkatin nia ito at titignan ang mga bagay na ginagawa at pinagkakaabalahan ni John sa kanyang pagaaral. Hinayaan lng ni John si Yeto pero sabi ni John na pagtapos niang usisain ang kanyang bag ang kwarto nmn ni Yeto ang hahalungkatin ni John para malaman kung anong ;klaseng tao si Yeto. Ng Matapos si Yeto sa ginagawa, niyaya nia si John sa taas ng bahay at nagpunta sa kwarto nito para pakita ang mga gamit at ichura ng kanyang kwarto... lalong humanga si John kay Yeto dahil lahat ng bagay na nakita nia sa kwarto nito ay napakaayos at malinis... nagkwentuhan sila at nag-asaran habang nakahiga sa kama... samantalang natahimik ang dalawa at nagusap ng medyo seryosong bagay... nagtanungan sila kung may nagbago ba or magbabago ba sa kanilang relasyon ngyon nagkita na sila. Derechong sumagot ang dalawa na wala silang nakikitang dahilan para may magbago sa pakikitungo ng bawat isa. Nagyakapan ang dalawa ng mahigpit habang nakahiga sa kama at nagtitinginan sa malapitan. Mahigpit ang yakap nila na kala mo'y namiss ng sobra ang bawat isa. Si Yeto ang nag-initiate na halikan sa labi si John dahil alam nito na nahihiya si John at di gagawin ni John ang ganung bagay dahil nararamdaman nyang nanginginig si John sa kanilang ginagawa. Hinalikan ni Yeto ang labi ni John at di nmn pumalag si John at hinayaan nya lang ang ginagawa ni Yeto sa kanya... di marunong humalik si John kaya si Yeto ang gumagawa sa bagay na un. Pero ang totoo mas nafeel ni John ang pagmamahal ni Yeto sa kanyang mga yakap kesa sa mga halik nito. Tumagal ng oras ang kanilang pagkakatabi sa kama at nadesisyon na bumababa na at pumunta na sa sala. Nagyaya si Yeto na kumain sa labas pero tumanggi si John dahil aalis narin sya at baka di sya umabot sa klase nito. Tanghali na ng sinabi ni John na kailangan na niang umalis, hinatid ulit sya ni Yeto sa bus terminal at siniguradong maayos itong makakasakay ng bus. Hanggang sa pagdating ni John sa skul tuloy parin ang pagttxt ng dalawa na patunay na walang nagbago kahit nakita na nila ang isa't-isa.

Lumipas ang mga araw at linggo at patuloy parin ang kanilang relasyon at madalas na contact sa phone na walang pinagiba magkita man or hindi sila ng personal. Nangako ang isa't-isa na kapag sila ay makapagasawa na at kailangnan igive-up ang kanilang relasyon ay magiging matalik silang magkaibigan at mananatili ang kanilang magandang samahan.

Sa pagdaan ng mga araw kasabay ng pagdating ng mga bagyo biglang nabago ang ihip ng hangin... magtatapos ang month of September ng dumating ang bagyong si "Milenyo"... isa sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa buong manila, na nagdulot ng malawakang "blackout" dahil sa pinsalang dinulot nito. Kasabay ng pagkawala ng kuryente sa buong kamaynilaan ay sabay ng pagkawala at paghina ng signal ng mga cellphone...

Sa pagkawala ng signal ng mga cellphone nalungkot agad si John dahil di sila makakapagtext or di nia matatawagan si Yeto gayun kaloload plng nmn nia... unang araw ng pagkawala ng kuryente at wala ng signal eh nalungkot na agad si John dahil nga sa hindi sya sanay na hindi nia mattxt or di sia mattxt ni Yeto... ikalawang araw at ganun parin ang sitwasyon...dumating ang ikatlong araw at wala parin silang contact... ikaapat na araw tnxt ni John si Yeto gamit ang ibang cellphone dahil di parin makasagap ng signal ang kanyang cellphone...kinamusta nia si Yeto at hiniling na sana ay matawagan sya nito sa landline nito tutal alam naman ni Yeto ang landline ni John...nag message narin si John gamit ang YM para lang makamusta itong si Yeto...ikalimang araw nang bumalik ang signal ng cellphone ni John...agad nyang tnxt si Yeto dahil nagaalala narin sia dahil limang araw na itong di nakakapagtxt sa kanya...naisip ni John na baka wala parin signal sa lugar nina Yeto kayat di sia magawang itxt nito or lowbat ang cell dahil sa patuloy parin na walang kuryente sa ibang lugar. Nagintay parin si John hnggang ikaanim na araw na baka makapagtxt na ito or maisipan na tawagan na sya sa landline nito... pero pa-expired na ang load ni John at wala parin reply si Yeto kahit isa. Sinubukan tawagan ni John ang cellphone ni Yeto upang malaman kung active pa ito... ngunit nakapatay ito at malamang wala prin signal sa lugar nila. Muli gamit ang ibang cellphone sinubukan tawgan ni John ang isang no. ni Yeto at nagbakasakali na ito muna ang gamit nia... nagring ito at ibig sabihin ang isang no. nga nito ang gamit nia ngayon... naisip ni John na wala pang load si Yeto kayat dipa ito makapagtxt sa kanya... ika-pitong araw expiration date ng load ni John at wala parin reply itong si Yeto sa kanya... naisip nia na magintay nlng.

Nalungkot itong si John dahil sa pagkaubos ng load nito ay di man lang nia nakausap itong si Yeto... di sya nanghinayang sa load na nasayang kundi sa mga araw na di nia nakausap si Yeto. Sumunod na araw, magdamag parin wlang txt galing kay Yeto. Nagtatampo na si John dahil lahat ng effort ginawa nia para lang makausap si Yeto... ngunit di nya naramdaman ang effort ni Yeto para makausap sya.

Sumunod na araw matapos na di na nakakapagtxt itong si John dahil sa wala ng load hinayaan nlng nia muna ang cellphone at iniwan nlng sa kanyang kama at pinigilan ang sarili na maghintay pa kay Yeto... nung gabing din un pagcheck nia ng kanyang cell ay may may anim(6) miscalls itong si Yeto sa kanya.... At isang text message na pangungumusta. Kahit may tampo itong si John ay nasabik parin sya dhil sa paramdam ni Yeto. Dahil sa wala ng load pa si John di na nia magawang magreply dito kaya inintay nlng ang muling pagtawag ni Yeto... ilang oras pa ay tumawag na si Yeto at mtapos ang walong araw na walang contact ay muli na sila nakapagusap. Nagsorry nmn agad itong si Yeto kay John dahil alam ni nia na nagtatampo sa kanya si John kahit di nito sabihin. Di nmn mapagtanim ng galit si John, di rin nia pinatatagal ang tampo at talgang sinasarili lng nia at dina sinasabi pa dito kay Yeto... pero nararamdaman ito ni Yeto kahit dipa sabhin sa kanya.

Sumunod na buwan, month of their birthdays... mauuna ng isang linggo ang birthday ni Yeto kay John sa parehong buwan. Gusto ni John maibigay kay Yeto ang matagal ng pinagagawa sa knyang "landscape painting" bilang regalo nrin sa kanyang kaarawan... bukod sa landscape may ginawan rin ng portrait ni John si Yeto... sa pagdating ng birthday ni Yeto di nmn pede makipagmeet itong si John dahil sa dami ng gagawin sa skul...at kung minsan ay wala pa itong pera pamasahe, kaya kahit yayain sya ni Yeto para makipagmeet di na rin sia pumapayag pa dahil narin sa nahihiya sya dito na baka ilibre pa sya nito...(pride ba). Di narin madalas makapagload itong si John dahil kapos na kapos sa pera... at dahil narin sa ilang araw lng ang pasok ni John sa skul kaya wala rin siang maipon na pera panload. Naiintindihan nmn un ni Yeto kayat sia nlng ang minsang nakakapagtxt at tinatawagan ng saglit para lng makatanggap ng reply kay John. Dumating ang birthday ni Yeto, tnxt ni John si Yeto gamit ang cellphone ng kanyang tatay... agad nmn syang tinawagan ni Yeto, pagkasagot nia ay kinantahan nia agad si Yeto ng "happy birthday song" (kahit di tapos). Natuwa at nagpasalamat si Yeto at humiling na sana ay magkasama sila sa araw na un... ngunit di rin sila talga pede magkita...(limitado pa ang mga galaw ni John sa bahay nila... pati mga lakad nito ay kailangan png malaman ng kanyang mga magulang, ganun talga pag nandyan pa sa tabi mo ang family mo, dahil sa nagaaral pa si John kailangan nia munang i-focus ang sarili sa pagaaral para agad na makatapos at magawa ang mga bagay na gusto nia sa buhay sa oras na kaya na niang buhayin ng sarili)... Pero naging masaya parin nmn si Yeto sa kanyang kaarawan dahil andyan nmn ang kanyang mga barkada para makasama at as usual..makipaglaklakan!!!

Makalipas ang kaarawan ni Yeto ang birthday nmn ni John ang dumating, nakatanggap ng tawag ang kanyang ama mula sa kanilang probinsya at malungkot na binalita sa kanila na pumanaw na ang panganay na kapatid ng kanyang ama, ang tito ni John... nagdecide ang kanyang ama na umuwi sila ng province kinabukasan gayung kinabukasan din ang mismong birthday ni John...hiniling ni Yeto kay John na kung pede ba sila magkita nito sa mismong araw ng kaarawan nito pero dahil sa uuwi si John kasama ang buong family sa probinsya di sila pedeng magkasama.

Sumunod na buwan, medyo di na ganun kadalas ang txt nila... siguro every other day nlng or every other 2days or 3, unlike nung una... medyo nasasanay narin si John na di na masyado intayin pa ang mga txt ni Yeto ng oras-oras gaya ng dati, pero araw araw parin di mawala sa isip ni John itong si Yeto...iniisip din nia kung ganun din kaya itong si Yeto sa kanya. Ito na yata ang bagay na ineexpect ni John na isa sa maaring simula ng kanilang paghihiwalay... ang dina bigyan ng atensyon ni Yeto itong si John dahil sa kung ano man ang pinagkakaabalahan nito. Dahil sa ito ang unang pagkakataon na makipagrelasyon si John, di sya sanay sa mga bagay na biglang nagbabago taliwas sa mga nakasanayan na. Dahil sa mga gumugulo sa isip ni John kung bakit biglang nagbago ang kanilang sitwasyon madalas sinasarili nlng ang mga duda at posibleng rason ng kanyang partner. Di na nia magawa pang tanungin itong si Yeto kung bakit biglang nanlamig dahilan narin sa baka di pa sya handa sa di inaasahang dahilan. Pilit nalang inaalis ni John sa isipan ang mga bagay na nakapagpapagulo sa kanyang isipan gaya ng selos at pagdududa dahil sya lng din ang nahihirapan sa kanyang ginagawa. Sinikap nlng na pagkatiwalaan ang kapartner para lang sa pagmamahal nito dito.

Isang araw dahil sa masyado nang naguguluhan itong si John... nagdecide sya na wag nang intayin ng tuluyan ang kahit na anong text or tawag ni Yeto sa kanya. Nakapagisip narin sya na iwasan nlng itong si Yeto dahil baka masaya na ito sa mga ginagawa nito o mga pinagkakaabalahan kaya di na maisipan pang bigyan ng atensyon itong si John. Nang makapagdecide si John na hayaan at intindihan nlng ang nangyayari sa kanilang dalawa... tuluyang in-off nga ni John ang kanyang cellphone at hinulog ang "sim card" sa alkansya upang di matukso na buksan itong muli. Lumipas ang isang linggo na tiniis ni John si Yeto na hindi kauspin o hintayin ang anumang tawag mula dito...halos ganun parin nmn ang hirap ng nararamdaman nia dahil sa pagiwas dito. Kasabay ng pagiwas or sabhin nating pagbibigay ng space ni John kay Yeto para sa mga bagay na gustong gawin nito ay gusto rin niang malaman kung importante pa sya kay Yeto para maisipan nitong gumawa ng paraan at hanapin si John.

Di rin matiis talaga ni John na hindi buksan ang cellphone upang malaman kung tinetxt pa ba siya ni Yeto... muli binuksan ni John ang cellphone at nakita ang mga txt-messages galing kay Yeto... isa isang binasa ito ni John... sa mga lumipas na araw na tiniis ang kapartner nlaman nia na nasangkot ito sa isang gulo... nakasiyahan sila ng kanyang mga barkada na maginuman sa bahay ng kanilang kaibigan...nang magkayayaan nagpunta sila sa isang KTV bar malapit sa kanilang lugar at doon tinuloy ang kasiyahan... dahil sa mga nakainom at malalakas ang loob sa mga pinagagagawa... napaaway ang kanyang mga barkada at nagkarambulan sa loob ng bar... dahil isa sya sa umaawat sa mga nagrarambulan... nahampas sya ng isang silya sa kanyang ulo at kasamang nabugbog. Dahil sa pagkakapalo sa kanyang ulo nawalan sya ng malay at nang magkamalay hinuhuli na sila ng mga pulis kasama ang kanyang mga kaibigan at dinala muna sa hospital upang magamot ang mga sugat na natamo...manggaling sa hospital dinerecho sila sa kulungan at kinulong ng 24-oras at pinagbayad ng mga nadamage sa bar.

Habang binabasa ni John ang mga kwentong iyon ni Yeto sa text, masyado syang nabahala at lubhang naawa dito... naaawa siya dito dahil sa sinapit nito at the same time disappointed dahil hindi maganda ang kinasangkutan nito. Dahil sa patuloy parin na tinitiis ni John na di kausapin si Yeto, matapos mabasa eh hindi parin nito tinext or kumustahin manlng ang kapartner. Isang araw di makatiis itong si John...nagpasya na puntahan itong si Yeto sa kanyang bahay upang personal na kumustahin ang kalagayan. Habang nasa bus itong si John patungo sa bahay ni Yeto di nia maiwasan ang maluha at magisip kung dapat ba nyang ituloy... naalala nia na sinabihan pala sia ni Yeto noon na kung pupunta sa bahay nito ay kung maari ipaalam sa kanya para di sila madatnan ng kanyang mga barkda sa kanyang bahay. (Ayaw rin ni John na makilala sya ng mga barkada ni Yeto dahil di nia kayang ilihim kung ano man ang relasyon nila... di nia kayang gumawa ng kwento para lang itago ang kanilang sitwasyon) dahil dito, pagbaba ng pagbaba ni John ng bus terminal pinasya niang bumalik nlng at di na ituloy ang binalak na pagdalaw dito kay Yeto.

Tinuloy nlng ni John ang ginawang pagtitiis na di na muling bigyan ng pagkakataon ang sarili na muling kausapin pa si Yeto at muling pinatay nlng ang kanyang cellphone...magkahalong pride at gulo ng pagiisip ang nararamdaman ni John.

Isang umagang-umaga, tulog na tulog si John dahil sa puyat sa paggawa ng kanyang thesis... di inaasahang tumawag si Yeto sa kanilang bahay... nagulat si John ng malaman niang si Yeto ang kanyang kausap... dahil sa puyat di maiwasan ang magsungit nitong si John... may kinukwento itong si Yeto kay John kung bakit sya nawala at kung ano nangyari sa kanya...pero dahil sa ingay ng tahol ng aso mula sa katabing bahay ni Yeto di maintindihan ni John kung ano ang sinasabi nito... muling pinaulit ni John kay Yeto kung ano man ang sinasabi nito pero tumanggi na si Yeto ulitin dahilan narin siguro ng pagkapahiya... naaasar na kinulit ni John si Yeto upang ulitin ang sinabi nito na medyo may galit at mataas ang boses....nang bigla syang binagsakan ng telepono ni Yeto!!! asar na asar si John sa ginawa ni Yeto at medyo natakot na baka iyon na nga ang huli nilang paguusap... matapos magusap...dina muling nakatulog si John gayong wala pa nmn itong tulog... di mawala sa isip ang nangyari sa kanilang paguusap...lungkot at takot ang nararamdaman habang nagiisip habang nakahiga...sinubukan niang buksan ang kanyang cellphone upang muling itxt si Yeto pero naalala nia na nasabi sa kanya ni Yeto na nasim-block sya... kaya walang way si John para makapagsorry at macontact itong si Yeto.

Kinahapunan...hinayaang bukas ni John ang kanyang cellphone pero di na nia inasahan na muli pang magtetext or maisipang tawagan sia ni Yeto matapos ang nangyari...dahil alam nia na mapride din itong si Yeto. Pero ng gabing iyon... isang di kilalang number ang tumawag sa kanyang cellphone... ng sagutin, nabosesan na nia na iyon si Yeto... agad syang nagsorry dito kahit di pa sya siguradong si Yeto nga iyon pero...binibiro lng sya ni Yeto na hindi sya si Yeto na parang bata na tila nakalimutan na agad kung ano ang nangyari. Natuwa nmn si John dahil sa ginawa ni Yeto, agad niang tinanong itong si Yeto kung mahal ba raw sya talga nito, agad na sinagot ni Yeto na hindi daw nia hahanapin ito kung hindi nia ito mahal.

Nung araw ding yun... nagpaalam itong si John kay Yeto na kung maari ba syang pumunta sa bahay nito at upang dalawin siya...pumayag nmn itong si Yeto.

Nag gabing iyong excited itong si John dahil magkikita na mulit sila ni Yeto... maaga syang natulog dahil 7am siya aalis ng kanilang bahay upang magtungo sa bahay ni Yeto. 8am ang labas ni Yeto mula sa opisina kayat sinabi nia na dadaanan nlng nia itong si John sa terminal para sabay na umuwi sa kanilang bahay.


PLS VISIT http://knygphils.50webs.org
and http://www.4main.com/princephillip

princephillip
09085064472
tel#5172061